Naaalala mo pa ba nung unang nagmahal ka? Naniwala, umasa at nag-tiwala. Akala mo siya na yung una at huli mong mamahalin. Gaano ka kasaya nung unang nagtagpo ang mga mata niyo? Unang ngiti, unang pagsabi sa kanya na mahal mo siya, unang yakap, unang halik, unang pagtawa na magkasama, unang kilig sa pambobola at unang makarinig ng mga pangako? Diba sobrang saya mo nung mga araw na yon? Sobrang linaw ng pagmamahal mo sakanya. Sobrang linaw na lahat ng pangako mo sakanya gusto mong tuparin lahat.
Hanggang sa nagbiro ang tadhana. Yung unang sobrang linaw na mahal mo siya, biglang lumabo. Onti-onting naglaho.
Naaalala mo pa ba nung una kang nasaktan? Gaano kasakit maniwala sa taong siya mismo ang nagbigay ng dahilan para hindi ka maniwala sa lahat ng sasabihin niya? Naaalala mo pa ba? Yung mga pangakong bigla nalang naglaho at napako. Gaano kasakit umasa at mabigo sa unang pagkakataon?
Pupusta ako, lahat naaalala mo.
Mga alaalang ayaw mo ng balikan. Mga sakit na ayaw mo ng maramdaman. Sa paglipas ng panahon, pangako sa sarili na hindi na magmamahal muli ay napako.
Pero ito ka na naman, sumubok sa panibago at sumugal kahit alam mong walang kasiguraduhan.
Naniniwala sa isang tao na lahat ng sasabihin niya ay magkatotoo at nagtitiwala sa salitang mahal ka niya kahit sobrang labo. Kahit sa dulo, alam mong ikaw ang talo.