Chapter 1

3 0 0
                                    

           “DANGSINEGE banhaetsseumnida.”

            “I am also crazy about you…”

Nae yeojachinguga doeeojullae?”

“Oh…my…God… You’re asking me to be your girlfriend? Of course I want to be your girl.”

            Nakaupo sa higaan habang nakasandal sa headboard ng kanyang kama at may yakap na maliit na unan ang nanonood na si Ariana habang kanina pa nakiki-dialogue sa palabas na parang siya ang ka-eksena sa pelikulang pinapanood nito.

“Ito ang pinakapaborito kong part ng movie,” kilig na kilig na sabi ni Ariana sa sarili habang nanonood ng paboritong Korean Movie na ginampanan ng kanyang favorite actor.

Ilang beses na niyang pinapanood ang ginawa nitong movies at hindi siya nagsasawa.

            At the age of twenty seven ay single pa rin siya. Wala kasing makapagpatibok ng kanyang puso na wari bang sa kanyang kaibuturan ay may nararamdaman siyang takot. Ewan ba niya, pero sa pamamagitan nito ay nararamdaman niyang isa pa rin siyang isang babe na marunong kiligin.

“Normal pa ba ako?”

Ang minsang tanong niya sa sarili. Mas binibigyan niya kasi ng pansin ang naturang aktor kesa sa mga nanliligaw sa kanya na kung tutuusin ay napaka-imposible na mapansin siya.

            Sino nga ba naman ako? Isa lamang siyang pantasya na alam kong kailan man ay hindi magiging akin. Aba parang linya sa isang pelikula!

            Shawn was really a handsome guy. Kulang pa ang description na iyon para sa kanya. He was sinfully delicious. He has a light brown colored hair and a beautiful smile na makakapagpapalambot ng tuhod ng sino mang babaeng mapagkakalooban ng ngiti nito.

His mother was half American according to his biography from his official website. Doon nito marahil nakuha ang light brown colored hair nito.

He is an actor, a model and a tri-athlete, mga katangian na lalong nagpapadagdag ng kanyang karisma sa mga tao lalo na sa mga kababaihan. Kaya hindi kataka-takang maraming kababaihan ang na-link dito, from actresses to models and even heiress from a rich family, pero isa man sa kanila ay hindi nagtagal ayon sa mga balita.

Napabuntunghininga si Ariana, pagkatapos niyang manood ng palabas ng naturang paboritong aktor ay pinantasya naman niya ang lalake.

Tumayo mula sa kanyang kama si Ariana, pinatay ang TV at tiningnan ang kabuuan ng kanyang katawan sa harap ng full length mirror. Nakasuot lamang siya ng isang sleeveless na puting blouse at isang maiksing maong short, nakayapak niyang tinitigan ang kanyang sarili.

Mataas si Shawn, 5’9” ang taas. Samantalang siya ay flat five lang. Ano kaya ang magiging itsura nila kapag pinagtabi silang dalawa? Balingkinitan ang kanyang katawan, pero wala pa rin siyang panama sa mga babaeng modelo na na-link dito. Simple lamang kasi ang kanyang ganda. Maitim at diretso na lagpas sa balikat ang kanyang buhok.

            “Not bad,” ang nangingiting nasabi niya sa sarili pagkatapos sipatin ang kanyang kabuuan. “Sana mapansin niya ako kapag napadalaw siya dito sa Pilipinas.”

Kailan kaya ito makakapunta sa Pilipinas para dalawin ang mga fans dito? Sigurado siyang marami ang pupunta dahil sikat na sikat ito kahit dito sa Pilipinas.

            Kasalukuyang nakangiti sa sarili si Ariana habang nakaharap pa rin sa harap ng salamin na para bang akala mo ay nasa isang photo shoot sa isang studio ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon