Chapter 1

15 0 0
                                    

“I HATE MONDAY, nakakasawa na ang buhay ko. Wala na akong ginawa kundi magtrabaho. Kahit ang tumungnga man lang ay wala akong oras,” ang himutok ni Berenice o Bernice sa kanyang mga kaibigan.

Ipinangalan iyon ng kanyang ina dahil naniniwala itong magiging matagumpay ang anak sa buhay.  

Victorious kasi ang ibig sabihin daw ng kanyang pangalan sa salitang Greek. “What a laugh,” ang nasabi niya noon. Dahil hanggang ngayon para sa kanya ay hindi pa rin siya matagumpay sa buhay.

 “Kailan ba matatapos ang paghihirap kong ito?” ang patuloy niyang himutok sa sarili.

Marami kasing naging utang ang ina para man lang may maipakain sa kanya. Hanggang high school lang kasi ang natapos nito, kaya ng mamatay ang kanyang ama ay nahirapan itong makahanap ng trabaho.

Masuwerte pa rin naman ang kanyang ina kahit na hindi ito nakatapos dahil nakakita ito ang isang tunay na pag-ibig sa kanyang ama na isang may pinag-aralan at may magandang trabaho.

Hindi naman siya galit sa ina kahit na minana niya ang utang nito sa mga kapitbahay. Nababayaran na naman niya ang mga iyon ng paunti-unti dahil kahit papaano ay malaki-laki rin naman ang kanyang suweldo sa pinapasukan niya ngayon.

Mahal niya ang ina, alam niya ang malaking sakripisyo nito para sa kanya, siguro ay nabo-bore lang talaga siya sa kanyang buhay.

 “Bernice, alam mo na ba ang balita?” ang biglang sulpot ng isa sa mga kaopisina niya sa kanyang cubicle.

“Hindi. Bakit anong balita?”

“Magre-retire na daw ang secretary ng ating big boss,” ang tiling sagot nito sa kanya na para bang mababasag na ang mga salamin sa paligid.

Sabik na nagsitayuan mula sa kani-kanilang cubicle ang iba pa niyang mga kasamahan sa Marketing Department ng marinig ang balitang iyon ni Eliza, ang kaopisina at close friend niya sa kompanya.

Sino ba naman kasi ang hindi sasabikin sa balita, kilalang guwapo at malakas ang sex appeal ng kanilang big boss.

“Would you believe guys na ayaw pa daw ipa-retire nito ang secretary niya? Instead ay kukuha na lang daw ng assistant secretary. And he doesn’t want to hire from the outside applicants. Ang gusto niya ay galing sa atin dito sa loob para daw hindi na masyadong i-orient pa,” ang kinikilig pa rin nitong kuwento sa lahat.

Magaling naman kasi ang secretary ng may-ari ng kompanya kaya sigurado siyang iyon ang dahilan kaya ayaw pa itong pakawalan.

Iilang beses pa lang niyang nakikita ang kanilang big boss na si Mr. Elijah Jiro Takashima. Isa na roon ay noong magkaroon ng isang malaking meeting ang iba’t-ibang department head kasama ang sekretarya ng mga ito. Totoong napakaguwapo nito, walang maitulak kabigin, maganda ang pangangatawan, may mga mapang-akit na mga mata, kahit medyo singkit dahil sa lahi nito na galing sa ama na isang Hapon. Makinis ang kutis nito na parang sa isang sanggol na may pagkakayumangging na namana naman nito sa ina na isang Filipina.

Lahat ng mga sekretarya sa naturang meeting ay napapatulala at nagkaroon ng mga mental block dahil sa sobrang paghangga ng mga ito sa lalaki. Mabuti na lang at immune siya sa mga ganoong klaseng mga lalaki kaya siya lang yata ang hindi nagkamali noong hinayaan siya ng kanyang amo na mag-report sa lahat.

Immune?! Ako immune, sa totoo lang makalaglag panty naman talaga ang amo naming iyon, kaso natuto na ako sa mga lalakeng ganoon, looks can be deceiving ika nga, kaya kailangan kong magpaka-behave.

Tahimik lang ito noon na nakinig sa kanyang report at walang itinanong. Naalala pa niya ang kabang naramdaman habang nagre-report, hindi dahil sa kanilang big boss kundi dahil sa hindi talaga siya sanay tumayo sa harap ng maraming tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon