enjoy life :)

101 3 2
                                    

ganun ba talaga kapag bakla or gay ka? paniniwala nila di ka mamahalin ng totoo ng isang tao, paniniwala nila walang seseryoso sa mga katulad namin

pero bakit? ano ba ang papel namin sa mundo?

naalala ko tuloy yung kaisa isang lalaki na minahal ko...... ang kaso.....

kwento ko na lang sa inyo :)

college nun nung nakilala ko siya, nung una akala ko tuwaan lang at kaibigan lang ako para sa kanya di ako umasa masyado dahil masyado akong natali sa mga sabi sabi nila

iba ang nadarama ko kapag kasama ko siya.... sobrang iba kumpara sa mga lalaki kong kaibigan sa eskwelahan. 

ewan ko pero bakit ganun ako tuwing kasama ko siya..... masaya lang, wala kang ibang iispin kundi magiging masaya lang kayo buong oras na magkasama kayo

malilimutan mo lahat ng problema, lahat ng gawain sa school at iba pa

gusto ko man aminin sa kanya na may pag tingin ako sa kanya di ko magawa dahil alam kong wala naman kahihinatnan

dumating ang araw ng aming pagtatapos kasama ko ang pamilya ko at kasama niya ang pamilya niya. kakaiba dahil sa grupo nilang magkakaibigan siya lang ang walang kasamang karelasyon

sabi nila may gusto daw siya kaso di daw niya maligawan dahil di nya alam pano gagawin. kibit balikat ako sa usapang yan dahil di ko din naman alam kung sino

pagkatapos ng graduation ceremony ay pinuntahan niya ako agad, kasama ko nuon ang magulang at mga kapatid ko. pinuntahan niya ako at niyakap ng mahigpit na animoy tuwang tuwa siya para sa akin. nakakagulat at di ko inaasahan na binigyan niya ako ng bouquet ng flowers sa harap mismo ng mga magulang ko.

syempre tinangap ko na lang at nagpasalamat.... kitang kita ko sa mukha ng mga magulang ko na gulat na gulat sila sa nakita nila dahil binigyan ako ng lalaki ng ganun sa harap nila

kailangan na namin umalis kaya nagpaalam na ako sa kanya at nadaanan namin ang mga magulang niya kaya tumango na lamang ako at nagpaalam 

ewan ko bakit ganun ang ngiti ng kanyang mga magulang nung nakita ako

mula venue hangang papunta sa aming kakainan ay hiwagang hiwaga pa din ako sa kung bakit ako ang inabutan niya. todo kutya at pang aasar ang natangap ko sa mga kapatid ko

pag uwi namin ay kinausap ako ni papa, tinanong niya kung sino ba ang lalaking iyon sa buhay ko sabi ko kaibigan lamang at wala ng iba. sabi ni papa kung magiging masaya daw ako sa piling ng lalaking iyon ay magiging masaya din daw siya para sa akin

ewan ko kung anong gustong ipahiwatig ni papa pero ano nga ba ang meron bakit ganun na lang si papa sa akin

dumating ang araw ng katotohanan pinili ko ng umamin sa kanya pero mas ikinagulat ko ng makita ko siya...... mas nauna siyang umamin sa kung anong meron siya para sa akin

ramdam ko na tila huminto ata ang oras at kami lang ang tao sa mundo..... naging kami pero pinili kong itago sa mga magulang ko dahil di ko alam kung ikatutuwa ba nila o hindi ang pangyayaring iyon sa buhay ko

kung may kasiyahan ay may kalungkutan.... tama nga sila kahit papano

akala ko habang buhay na ang lahat pero para akong sinakluban ng langit at lupa ng malaman kong may sakit siya at taning na ang buhay niya. sa anim na taong naging kami ay yoon na ang pinaka di ko makakalimutan na nangyari sa aming dalawa

nag resign ako sa trabaho para mabantayan ko siya pero ang alam sa amin ay nag tatrabaho pa din ako. di ko sinasabi sa mga magulang ko

ilang gabi na kitang kita ko paano siyang nahihirapan sa kanyang kondisyon.... lagi syang nagluluwa ng dugo at di tinatangap ng kanyang katawan ang kahit anong pagkain

gusto ko ng sumuko pero kailangan kong maging matatag para sa kanya at sa mga magulang niya di ko na kayang nakikita siyang nahihirapan pero alam kong siya mismo ay nilalabanan ang kanyang karamdaman

inabot din ng 2buwan ang kanyang paglaban sa sakit pero tingin ko yon na ang oras niya, masakit man isipin na iniwan na niya ako pero kailangan ko pa din mabuhay para sa sarili ko at sa pamilya ko

unang gabi ng kanyang pagkawala yun ang unang pagkakataon na di ko na naitago ang aking pakiramdam na halos naiyak na ako sa harap ng mga magulang ko

nakaramdam ako na parang may iba at bakit parang alam nila ang tinatago ko.... nuon ko lang nalaman na lahat ng nangyari sa amin ay alam nila mama at papa

nung araw na plano niya akong ligawan ay ipinaalam pala niya iyon sa mama at papa ko at alam din nilang nagresign ako para bantayan ko siya nuon sa hospital

ramdam na ramdam ko ang suporta ng mama at papa ko sa akin na para bang alam nilang di ako nuon pinabayaan ni RANDY

habang umiiyak ako sa kwarto ko ay pinuntahan ako ni papa at may dala siyang dalawang bagay na bago sa aking paningin

isang scrap book na nung aking binuksan ay andun ang lahat ng larawan namin sa anim na taong naging kami halong tuwa at iyak ang aking naramdaman sa tuwing binunuklat ko ang scrapbook kada pahina

at ang pangalawang bagay na inabot sa akin ni papa ay isang box na may singsing sa loob at may kwintas na may picture ni randy sa loob ng pendant

binigay daw lahat ni randy yon ng malaman ni randy na may taning na ang kanyang buhay at ibigay daw ang lahat sa akin sa araw na mawala siya

ramdam ko na para akong pinagkaisahan pero nakalimutan ko na iyon at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin

eto ako ngayon medyo ok na 5 years na din mula nung nawala siya...... di ko na nagawang magmahala muli dahil sabi ko sa sarili ko wala ng ibang tutulad pa kay randy

ok na ako mag isa alam ko naman di ako pinapabayaan ni randy saan man ako pumunta  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFE ( a gay love story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon