CHAPTER 1
Ilang beses ko naaalala ang nangyari sa bayan ng San Fransisco, dahil sa trahedyang iyon higit kumulang milyon katao ang nawalan ng buhay at marami rin ang na ilayo sa kani-kanilang pamilya. At ito ang kwento ko ngayon.
Noong ako ay nasa edad 13, isa ang pamilya ko sa naninirahan sa San Fransisco, doon din nakatira ang iba panaming pamilya.
Ang tatay ko nag tatrabaho sa San Fansisco Calamities Announcer (SaFCA). Sila ang tagabantay sa mga sakunang mangyayari sa aming bayan. Si nanay naman may pina- paaral na estudyante pero, hindi payag si tatay sa ginagawa niya.
Ninya del Fuego ang aking pangalan, Dadu del Fuego ang pangalan ni Ama, Julieta del fuego ang ngalan ni Mama, at Jino Santos ang estudyanting pinapaaral ni Mama. Bago namatay si lolo Fernando Agua del Fuego may ibinilin sya sa akin, isang diamanting relo, nabili nya ito sa America sa halagang 53 bilyon.
Lahat ng tao gusto makuha ito, pati nga mga magulang ko inaasam ito, kasi sakim sila sa halaga nito. Kaya nagpasya akong itago nalang ito. Kung aking ilarawan ang aking sarili, mukha akong elegante, pero sa loob ko para akong napapaligiran ng milyon-milyong tao na kahit mamatay ako kakahingi ng tulong pero ni isa walang nakakarinig, mabuti nalang nandhan si Jino para ipadama na hindi ako nag iisa.
Si Jino ay anak ng friend ni mama, hindi daw kasi nila kaya tugunan ang pangangailangan ni jino, kaya ibinilin nalang sya sa aming pamilya.
Babalikan daw sya nila pero hanggan ngayon wala parin sila.