Normal na buhay para sa extra normal na tulad ko. -_____-" Isang tipikal na babaeng highschool student. Hindi naman sa pagmamayabang pero malalim akong mag-isip. Iniisip ko lagi na lahat ng bagay ay may dahilan. Kung bakit nangyari yun, nangyari to. Kung pano nabuhay ito o bakit namatay yun. Sa anumang pagkakataon, lagi kong iniisip na "GOD HAS A PURPOSE."
Pero, Is it possible na gumawa ng sariling paniniwalaan? Parang paggawa ng sarili mong tadhana o love story. Lahat siguro ng tao magiging masaya kung tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Ano, agree ba kayo? Marahil natatawa kayo. Pero siguro kung extra normal din kayong katulad ko e gagawin n'yo din 'to. ^_____^V
CHAPTER 1 : REASON #1
"Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!" - sabay AJA sign sa sarili ko.
Hayyyyy. Araw araw na lang akong ganito. Bago pumasok sa school at makakakita ng mga tao. Seriously? Oo. Tama ka'yo. May pagka-takot nga ko sa tao. Hindi kasi ako sanay na pinagtitinginan. Alam n'yo yung loner? Tss. Ganun ako. :(
Papasok pa lang ako sa room. Parang hangin lang akong lalagpas sa harapan ng mga classmates ko. Hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko na masabihan ng : "Hi Steffi! Kamusta ang araw mo?" o kaya, "Goodmorning Steffi, dalhin ko na yang bag mo." Tama nga. Masaklap ang tadhana ko. :3
Magsisimula pa lang ang klase namin. Parang ordinaryo lang naman. Pupunta yung subject teacher sa unahan then saka magdi-discuss. As usual ako, NGANGA lang sa kanya.
Pipikit. Hindi! No 'Di pwedeng antukin! WAKE UP STEFFI! Wake up!
"GOODMORNING MA'AM! SORRY I'M LATE." - sabi nung hindi ko kilalang guy.
o.O Hmmm. Naliligaw ba s'ya? Mali ata ang room na napasukan? Ugh. Paki ko ba? -_-
"It's okay hijo. You're not that late. Come in." - Ma'am Sokor
Really? Dito talaga s'ya pupunta? Transferee?
"Class, May bago kayong classmate. Hijo, introduce yourself." - Ma'am Sokor
"Ahm, Thanks ti-- Ahm, Ma'am. By the way, Good morning guys! I'm Matteo Do and i'm glad to meet you all. " - Sabi n'ya sabay bow.
Matteo Do? Hmm. Matalino siguro 'to? Hayst. Ano nga bang pake ko. For sure naman e wala s'yang pake saken gaya ng iba. =__=
Sana hindi. :(