Bring Me Back To Life(one shot)

220 10 2
                                    

Nakaupo lang ako dito sa kama habang hinihintay si Rj at sa ilang minuto lang sa wakas dumating na siya. Naupo din siya sa kama habang nakatingin sa picture namin.

"kumusta ka na?" tanong ko sa kanya pero wala siyang sagot. inaasahan ko na yun.

"I love you bhe." sabi ko ulit pero still no response.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Gustong gusto ko siyang yakapin. Gustong gusto ko siyang halikan.

Tumayo din ako at lumabas, nakita ko siyang kumakain. Pumunta ako sa harap niya pero agad din siyang tumayo at linapag ang pinagkainan sa lababo. Nakita ko na unti lang ang kinain niya.

"bhe bakit ang konti naman ng kinain mo ang payat mo na oh." sabi ko pero hindi niya ako pinansin at bumalik ulit siya sa kwarto.

Nakita ko siyang umiiyak at sabunut ang buhok niya.

"bhe tama na!" sigaw ko sa kanya.

"bhe sorry! kasalanan ko!" sigaw niya habang umiiyak.

Naalala ko na naman ang gabing hinding hindi ko makakalimutan.

flashback

*kriiiinnnggg kriinnngg*

"hello." sagot ko habang hindi titignan kung sino ang caller. kagigising ko palang kase.

"hi bhebhe! happy 6th monthsary I love you."

Napabalikwas ako ng bangon. Oo nga pala monthsary namin ni Rj.

"happy monthsary din bhebhe! I love you too." sagot ko .

"bhe magkita tayo mamayang gabi sa park ha." sabi niya. Kahit kailan talaga hindi siya nawawalan ng surprise, last monthsarry namin eh may saranggola na malaki at ang nakasulat " happy 5th month, I love you forever Ara ng buhay ko" sobrang saya ko noon.

"sure bhe, I love you." sagot ko.

"I love you too bhebhe. hintayin mo ko dun ha."

Yun lang at namatay na. Excited na ako. May binili din kasi ako na kwentas para sa kanya. Syempre surprise ko din yun sa kanya.

Rj pov...

"shit!" napamura na lang ako kasi late na ako. 30mins na akong late. Nagtetext na sakin si Ara na andun na siya sa tagpuan namin. Napasarap kasi ako ng tulog, shit! monthsary pa namin..pano ba 'to.

Nakabihis na ako at bumaba na sa may sala pero napako ako sa kinatatayuan ko ng mapanuod ko ang flash report na ngayon ngayon lang nangyari.

"Isang dalagita ang nakitang nakahandusay sa isang parke at wala ng buhay, hinala ng mga pulis ay ginahasa ito, nakilala ang dalagita sa pangalang Ara Kaye Zuniga."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko nalang na umagos ang luha ko. Sana maaga akong nakapunta, Sana hindi ako nalate...wala na...wala na..kasalanan ko..

Hindi ko parin alam ang ginagawa ko basta nakarating nalang ako dito sa park pero wala na siya, may nakita akong kwentas at may picture namin, napahagulgol nalang ako..wala na siya..ang mahal ko..ang buhay ko..

...............

Hindi ko na siya mahahawakan hindi na niya ako makikita..hindi ko na siya makakausap..hindi na niya masasagot ang mga sinasabi ko...

"please bring me back to life.."

Bring Me Back To Life(ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon