New BES!

5 0 0
                                    

" zzzzzzZZZZZZ " Ang sarap matulog... ^-^
" Sunog!!!! "
Tapos yung reflexes ko gumana, kaya ayun tumayo ako...at....
"Saan!? Saan yung sunog!?!? " Tapos nakita ko nalang na nakatingin lang ang mga kaklase ko sa akin at yung iba tumatawa... -_-

Buffering....10%
Buffering....40%
Buffering.....60%
Buffering.....100%

At ayun bumalik na ako sa realidad at narealize ko na natulog pala ako at linoko ako ng isa kong kaklase.... O.O
" Ay sorry po hindi ko sinasadya...." ~.~ At umupo na ako ng tuluyan
" Wag mo yun ulitin oh susunugin ko tong' classroom na ito at iiwan kitang maluto sa loob. " sabi ng teacher namin. Naglare siya sa akin...mukhang first expression ko sa kanya wakapels na. =<
Nako nakakatakot naman siya...para siyang demonyo na may galit sa akin *^*
" Haha...buti nga sayo miss nerd, ikaw kasi patulog tulog diyan kala mo naman bedroom mo ito." Sabi ni Ariana sa akin tapos tumawa nalang siya ng tumawa. Sarap niyang balatan. >.<
Nakakahiya naman first day of school tapos ganito na! Buhay ngay naman...MALAS!
T-T
Tapos na yung morning class at lunch na buti naman...makakakain na ako. ^-^
Para lang malaman niyo mahilig ako sa pagkain....paboritong paborito kong kumain pero hindi din naman ako tumataba ;D kaya GORABELLS lang ang kumain sa akin xD

Pumupunta ako ngayon sa favorite kong spot , ang Rooftop. :>

I like it here because I can feel the mezmerizing touch of the wind and as it blows through my hair. I love the sight of the sky as I look above as if the sky is just my hands reach. ^_^ Sori kung kanosebleed yung english ko...ganun lang talaga ako eh. Magagawa mo ganun talaga.

Isa nga pala akong honor student hindi lang honor student eh....Top 1 pa kamo. Ngayon lang ko magyayabang, pagbigyan ;>

So ayun nga kumakain na ako dito sa rooftop ng may narinig akong iyak. Hinanap ko yung pinagmulan at nakita ko si Ariana umiiyak sa isang sulok. Mukhang may malaking problema ah...pake ko wala naman siyang pake sa akin ehhh. Pero nakonsensiya ako at naawa rin, kaya umupo ako sa tabi niya.

Tumingala siya sa akin ng may pagtataka at parang nainis siya nung nakita niya ako.

"Ano namang ginagawa mo rito Miss Nerd at lumayo ka nga sa akin baka mahawa ako sa kapangitan mo." Nagulat ako dun ah...pero sanay na ako sa ugali niyang ito.

"Ako na ngang nagpapakita ng kabaitan ikaw pang nagalit...aba matinde." Sinabi ko

" Ano nagpapakita ka nang kabaitan...gusto mo lang akong pagtawanan diba! Diba! Nakita mo na akong umiiyak so ano tawanan mo na ako. " sinigaw niya sa akin. Ano ba itong babaeng ito ang kulit sinabi ko na nga lang na gusto ko siyang icomfort, aayaw pa eh ano bang gusto niya SUNTOK kaya ko yun ibigay sa kanya. -_-

" Ang kulit mo no', sabi ko gusto kitang tulungan tapos aayaw ka pa...ako na nga lang ang mabait dito!" Sabi ko ng galit
" Pare-parehas lang kayong mga tao manloloko...wala kayong pagkakaiba."
" Anong pinagsasabi mo diyan...ano ba kasing nangyari?"
" Gusto mong malaman sige sasabihin ko sa iyo.... Papunta ako sa meeting place ng mga best friends ko ngunit nung nandoon na ako magsasalita sana ako pero ito ang nangyari...."

*FLASHBACK*

" Uy mga----"
" Si ariana....
Narinig kong sinabi nila ang pangngalan ko....kaya nagtago ako sa isang pader at pinakinggan ko sila...
" Si Ariana ang cluless niya...ginagamit lang natin siya para makakuha ng guys...haha."
Ano? Mali ata narinig ko. Ginagamit lang nila ako! Para sa mga lalaki! Hindi hindi yan totoo...mga best friends ko sila hindi nila iyong magagawa.
" Boy magnet kasi siya kaya go lang ng go....magpanggap pa tayo hanggang makakuha tayo ng boyfie at pagkatapos nun iwanan natin siya...hay nako si Ariana talaga mahina ang utak."
Ang sakit ng mga sinasabi nila...para akong hinihiwa ng kutsilyo. Yung mga intinuring kong mga kaibigan tingin lang sa akin isang supplier ng lalaki para sa kanila. Mga makapal ang mukha.
" Sige magready na tayong magtiis doon sa ugali nung babaeng yun...papunta na daw---"
Hindi ko na kaya...kaya lumabas ako sa tinataguan ko at dineretsuhan ko sila at sabay sabay ko silang sinampal sa mga mukha...buti nga sa mga mukha nila. At sinabi ko sa kanila..
" Huwag na huwag na ninyong ipapakita yang mga papangit niyong mukha niyo sa akin o babalatan ko yan gamit ang espada." At ayun nagwalk-out ako

*END OF FLASHBACK*

" Bakit hindi ka tumatawa diba dapat natutuwa ka kasi yung taong nananakit sayo nasaktan."
" Hindi naman tama yun nasasaktan na nga lang yun tao...dadagdagan mo pa. At hindi ako magstoostoop down sa level ng iba na masaya sila kung nasaktan ang taong ayaw nila."
" Ang bait mo yata...ano ka santo? Hindi ka man lang matawa o maging masaya."
" Alam mo baliw ka. Parang gustong gusto mong pagtawanan ka eh?"
" Hindi naman no'." Sabi niya at pinat ko siya sa ulo niya ay sinabi...
" Ang buhay ganyan talaga hindi mo maiiwasan...hindi lahat ng tao totoo pero merong mga taong sisikaping maging isang totoong kaibigan sa iyo. Huwag ka nalang masyadong mabaon sa galit mpng yan dahil ikaw din lang ang maaapektuhan kundi gawin mo nalang ay magmove-on at ihubog mo ang iyong sarili para hindi na gawin ang na mong pagkakamali ulit." Grabe ang haba ng sinabi ko dun ahhh. O.O
" Bakit kaya mong maging mabait sa mga taong sinasaktan ka? Bakit kaya mo?" Sabi niya
Hay nako ang dali lang naman ng sagot doon eh...^_^
" Kasi tao rin ako nagkakamali...kaya wala akong karapatang husgahan ang isang tao sa kanyang pagkatao. Pwede kitang gawing kaibigan ko...wala naman akong problema dun eh." Nakangiti ako ng malaki at nakamatching peace sign pa ^_____^ V
" Ummmm...alalahanin mong mataray ako minsan, hindi masyadong nakakaintindi ng tao at masungit rin ako...kaya huwag mong pagsisihin ang pinagsasabi mo dyan BES." Nagblublush siya...O.O ang kyot :>
" Hindi ko yan pagsisihan BES. " ;)
Start of a new friendship ba des? :\

Nakakapagod itong araw na ito...pinagalitan ako ng terror kong teacher tapos naging friend ko itong archenemy ko. >.< Anong nangyayari sa mundo? :|
Basta nakarating lang ako sa bahay. Paano? Malamang lumakad, tanungin pa ninyo eh ang obvious naman diba. =_=
Humiga ako sa kama at tumingala sa taas at inisip ko ang lahat ng nangyari ngayon. Haissst nakakapagod naman...ang daming nangyaring hindi ko maintindihan pero ang alam ko lang ay mas maraming pagsubok ang dadating sa buhay ko na hindi ko maeexpect. :) At dahil dun nakatulog na ako ng tuluyan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

C    H   O   I   C   ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon