Hindi ibig sabihin nyan nawalan o namatayan ako ha? Sa love yan. Love na masakit tanggapin. Love na ni isa sa amin walang gustong umamin. Kaya masakit. Dumaan ako sa 5 stages ng "grieving".
1. Denial
Nauna kaya sya. Kung part ka ng SOCO team, nababasa mo siguro na todo sya mag deny. Yung kahit di naman necessary mag deny, ide deny pa din nya. Defensive pa nga, di ba? Una, sabi nya, di daw nya ko type. Fan lang daw talaga sya. K. Tapos andun pa yung itulak ba naman ako sa kapatid nya? KK. Kaya heto. Sa mga interview, e di deny din ako! Kabisado ko na nga e. "Ay hindi po!" Yan lang lagi kong sagot.
2. Anger
Di man naging obvious sa public at kahit sa mga malalapit na tao sa akin, may galit akong nararamdaman. Paano ba naman, Kiefer no. Sa tweet mong yun, parang interesado ka sa akin tapos kung i-deny mo ako, daig mo pa si Peter nung tinanggi nya si Hesukristo ng tatlong beses. Paasa much? Tapos di ba nga excited pa akong tinweet sya na sayang at di kami nagpang abot sa Areneyow? Deadma si lolo mo. As in waley. Nakaubos na ako ng sampung pack ng butong pakwan kahihintay ng reply nya, wala pa din. Snobber of the year!
3. Bargaining
Sabi ko nun, mag reply lang sya, titigil na ako. Na last na yun. Di na ko aasa. Pero hindi. Snob pala talaga si kuya. Little did I know na di pala ako dapat nag bargain kasi tamang paghihintay lang pala kelangan...
4. Depression
Natural. Ini-snob ako. Kaya depressed ako. Dun na sumipa sa akin ang realization na, oo. Nagkakagusto na ako sa gago. As in napamura talaga ako nun sa isip-isip ko. Yung ako yung nande-deadma nung una, tapos kung kelan pinagbigyan ko si inner self, saka naman ako iniwang nakalutang nitong si guy. Para akong nag "ice water bucket challenge" sa pagbuhos sa akin ng katotohanan na he's just a fan lang ata talaga.
5. Acceptance
I wasn't ready. But I have to. Habang di pa lumalala tong nararamdaman ko, oo na. Tatanggapin ko na. Yung pinakita nyang admiration sa akin nung nag tweet sya ng "hi Mika Reyes", yun lang yun. Walang labis, walang kulang. Pati yung pang aasar ng kapatid nya na mukhang pertaining to him naman about me e, pang aasar lang din talaga.
Sa pagdaan ko sa limang stage na yan, isang mapait na bagay ang na-realize ko sa sarili ko. Maganda at masarap na bagay ang umibig. Masakit lang na part dun yung wala pang nangyayari, kelangan mo nang bumitaw. Dahil una sa lahat, wala ka namang pinanghahawakan.
BINABASA MO ANG
From The Start
RandomMiEfer Fanfic. Just trying if I have a shot on this thing THO...