Malamig ang hangin na syang nagpapatayo ng kanyang mga balahibo. Patay- sindi ang mga ilaw dahilan upang ang kaba sa kanyang dibdib ay mamuo. Ang alulong ng mga aso ay maririnig, pati ang tibok ng puso na ka'y bilis ay mababatid. Mga pader na mistulang may sinapit na mapait na kapalaran, dahil sa mga larawang nakaukit gamit ang mga likidong di malaman. Maririnig ang patak ng tubig na tila may gustong sabihin, mga maliliit na boses sa tenga na mistulang may dinadaing.
Pawisan ang tanging lagay dahil sa kanyang kalbaryong pinapasan, ginugugol ang oras sa pag-iisip kung pano itong bangungot ay kanyang malalagpasan.
Ang hirap talagang umire, kapag ayaw lumabas ng iyong tae.
BINABASA MO ANG
"Halinghing sa Lumang Kubeta"
Short StoryMahirap mag-isa lalo na kapag walang kasama. Mahirap manatili sa isang lugar lalo na't madilim walang kang makikita. At sa pananatiling ito dito mabubuo ang kwento, ang kwento ng mga anino na nagtatago sa sulok at madilim na espasyo. Tara na't tungh...