Chapter 2
Hapong-hapo na dumating si Kristine sa kanilang Hacienda dahil sa daming pinagawa sa kanya ng kanyang pinakakamamahal na bestfriend na pati sa pagdedecorate ng stage ay pinagtrabaho siya
abusada . . . . .
At Oo Hacienda, Sila ang may ari ng Hacienda Del Rio sa bayan ng San Simon sa Cebu na pinalago naman ng kanyang amang si Mr. Miguel Del Rio, Bumagsak kasi ang pangkabuhayan nila noong pumanaw ang Lolo niyang si Don Augusto nang dahil sa atake sa puso.
Hindi pa siya nakakarating sa kanilang salas ay may nakarinig siya dalawang boses na nasisigawan, ang isa ay sa Papa niya at ang isa naman sa kanyang tiyuhing si Flabio.
Magkapatid sa ama, ang kanyang ama at tiyuhin pero ang Papa niya ang legal na anak, at ang tyuhin naman niya daw ay Anak mula sa pagkabinata ng Kanyang Lolo. Ng namatay daw ang ina noon ni Flabio ay kinupkop na siya nito. Kaya lang nang magbinata na ay nakitaan na ito ng pagiging sakim at pagkaluho kaya naman pinagaral siya noon ni Don Augusto sa simpleng kolehiyo sa kanilang bayan, at ang kanyang ama naman ay isang eksklusibong University pinagaral, dahil sa ngking Talino, Responsable at madiskarte sa buhay, at wala nun ang kanyang Tiyuhin.
"Sinabi ko na Flabio, hindi na kita pwedeng tulungan! anu na lang ang ginawa mo ninakaw mong pera noon? Alam mo bang nang dahil sa ginawa mo kaya inatake si Papa tapos muntik nang mawala sa samin ang Hacienda",
Huminga muna ng malalim at saka muling nagsalita "kung hindi ko lang nagawan ng paraan noon ay marahil ay kung saan na tayo pupulutin ngayon!"
Napasinghap siya sa narinig niya kaya pala namatay ang Lolo niya ay dahil iyon sa kagagawan ng kaniyang Tiyuhin.
Hindi naman siya napansin ng dalawa andoon lang siya nagtatago sa gilid ng pinto ng kanilang sala nang may naramdaman siyang kamay na humila sa kanyang braso palabas ng sala
"Iha, hindi ka dapat nakikinig sa usapang ng matatanda naku buti nalang hindi ka napansin ni Sir Miguel" puna sa kanya ng matanda
"Aling Theresa, totoo bang si Uncle Flabio ang may gawa kung bakit namatay so Lolo?" tanong dalaga
"Kristine" tahan sa kanya, "mahirap magsalita, masmagandang sila nalang ang tanungin mo hindi dapat sakin manggaling"
"Aling Theresa-"
"Huwag nang makulit, halika na at magmeryenda muna, wag mo munang problemahin yan ah"
Wala na siyang nagawa , habang pabalik na siya sa loob ng kanilang tahanan ay kasabay ng paglabas ng kanyang Tiyuhin, bigla siyang kinilabutan sa uri ng titig sa kanya na parang may binabalak na hindi maganda
Umiwas na lang siya ng tingin at binalewala na lang ang kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game Or Destiny's Choice
RomanceStory of Trials, Family and Love. Paano mo haharapin ang mga pagsubok kung wala ka ng ibang aasahan kundi ang sarili mo? Plagiarism is a Crime