Chapter 31

859 58 11
                                    

A/N: Hindi ko na to na-edit. Kung may wrong grammar/typo error, sorry na po. Pag pasensyahan nyo na po ang author nyong antukin. 😥

. . .

(Anne)

"Umuna na kayo" sabi ko kay Luna. Narito kami sa Puregold bibili ng pwedeng lutuin mamaya. Ito naman kasing si Luna habang on the way na kami sa bahay nya, tinanong ko sya kung may maluluto ba sa bahay nila sagot nya sa akin WALA. Eh bakit kasi hindi nya agad sinabi. Bwiset na babaeng yon.

Pinauna ko na sya sa loob, pumili na sila. Tumatawag lang si Roselle sa akin. Ano kaya problema ng babaeng to?

"Oh?" Tugon ko. "Oh agad? Kumusta?" tanong nya.

"Ito, narito kami sa Puregold bibili ng maluluto mamaya." Sagot ko. Unti unti akong lumakad papasok ng entrance.

"Ahh, ikaw mag luluto?" Tanong nya. "Oo" sagot ko. Tanaw ko mula dito sa guard si Luna at ang anak namin na umiikot na papuntang vegetable counter dala ang malaking push cart.

"Baka naman mamaya may mangyari na naman sa inyo" sabi nya. Pakiramdam ko nag init ang pisngi ko. "Anne, wag ka naman marupok" nang iinsulto na sabi ni Roselle. Tumikhim ako bago sumagot sa kabilang linya.

"Hindi ako marupok"sagot ko sa kanya. "Marupok ka may nangyari nga sa inyo di ba? Pwede ba magpakipot ka muna." Sabi nya pa.

"Magpakipot?" Ulit ko sa sinabi nya. "Oo naman." Sagot ni Roselle. "Pakiramdam ko kasi nagbabalik loob na talaga sayo si Luna. Kung liligawan ka nyan? Ano gagawin mo?" Tanong ng kaibigan ko.

Oo agad!

Sira ulo!

"I don't know" sagot ko sa kanya. "Besh, konting pakipot lang. You see, nahirapan ka sa kanya for 4 years or I don't know. Still, wag naman ganon na agad agad bibigay ka." Maarteng sabi ng best friend ko.

"Oo na." Pilit kong sagot sa kanya. Pilit ko din sinisipat sipat ang si Cee at Luna sa pag bili baka kasi kung ano ano ang kunin na pagkain.

"Pilit?" Naasar na sabi ni Roselle. "Hindi, kasi narito kami sa Puregold. Baka mamaya nasa cashier na sila hindi tama ang binili nilang pagkain" inform ko sa kanya.

"O sya sige na punta ka na muna don. Anyway, yung sinabi ko sayo. Konting pakipot, tingnan natin hanggang saan tatagal si Luna. Kung kaya na maghintay ng isang taon" hayag ni Roselle. Tumaas ang dalawang kilay ko.

Bakit hindi?

"Kasi, true love can wait. If mahal ka na talaga nya. Papatunayan nya yon sayo" sabi pa ni Roselle. I sigh. May point naman si Roselle eh, kung mahal talaga ako ni Luna papatunayan nya.

Sa totoo lang hindi ko alam bakit nasabi sa akin ni Roselle na nag babalik loob na si Luna. Nakakapagtaka lang di ba? Yung bigla ka nyang sasabihan ng ganon. Pero, wala naman akong napapansin kay Luna na may koneksyon sa sinabi ni Roselle. Una, binigyan lang naman nya ako ng flowers at gusto nya ako maging date sa GALA. Asan ang pagbabalik loob doon?

Baka yun na yung start ng pagbabalik loob nya sayo.

Next one, may nangyari sa amin sinabi nya sa akin ang tatlong salita na kailanman ay hindi ko naririnig mula sa kanya. Ngunit, may alak sya sa katawan non. Lasing sya. Anong sa tingin nya sa akin? Maniniwala sa sinabi nya na mahal nya ako?

Pero ang narinig mo sa opisina? Hindi pa ba sapat yon?

Sumasagi sa isipan ko ang pangyayari sa opisina. Sabi nya mahal nya pa ako. Hindi lang utak ko ang pinagugulo nya pati utak ng mga kaibigan namin. Kung mahal nya pa ako, ibig sabihin minahal nya ako talaga. Pero bakit kailangan nya mag sinungaling? Bakit kailangan ipagtabuyan nya ako noon?

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon