PABALIK-BALIK sa verandah sa sala si Rahya habang kausap sa cellphone ang tauhan niyang si Eros para I-monitor ang trabaho ng mga ito. Pansamantala ay ito muna ang in charge habang wala siya.
"May sakit si Misha. Hindi pa ako makakabalik diyan. Pero ipapasa ko sa inyo kapag nakabuo na ako ng idea. We still have a week. Kayo na ang bahala."
Nasa kuwarto si Misha at tinitingnan ng resident doctor ng Stallion Island na si Nataniella Conde. Di rin naman niya matagalan habang naririnig ang pagtutol at pagsigaw ni Misha mula sa loob ng kuwarto. Di naman siguro ito hina-harass ng doktor. Kahit na nanghihina ito ay nagsusungit pa rin.
"Ma'am, dapat talaga iyong nag-sabotahe sa atin ang managot dito," angal ni Eros. "Pinahihirapan niya tayo."
"Yes. Pero kahit mahuli pa siya, di naman natin makukuha ang account ng Stallion Shampoo kung magsisisihan lang tayo. We have to work harder. Gagawa tayo ng mas maganda pa sa nauna nating concept."
Maya maya ay lumabas ng kuwarto si Doktora Niella at lumapit. "Mukhang palala nang palala si Misha. I think I am the person he hates most in the world. Ayaw daw niya ng doktor. Or rather, he doesn't need one."
Di niya alam kung may phobia si Misha sa doktor o sadyang ayaw lang nitong magpagamot dahil di kaya ng macho pride nito. May ganoon namang tao. Kahit na may sakit pa ay ayaw pang ipaalam sa iba dahil ayaw na makita itong mahina. Malamang ay nasa ikalawang kategorya si Misha dahil wala itong kinatatakutan.
"Pasensiya na, Doc. Kailangan bang ipa-confine siya sa ospital?" tanong niya.
"Trangkaso lang ang sakit niya dahil sa pabago-bagong panahon dito sa isla. Pagod siya lagi kaya dapat magpahinga siya. May mga gamot sa medicine cabinet niya para sa trangkaso. Doon siya hiyang kaya iyon na lang ang inumin niya every four hours." Tumingin ang doktor sa kanya. "Ikaw ba ang bago niyang girlfriend? Alagaan mo siyang mabuti."
Nagulat siya dahil akala ng doktor ay siya ang bagong girlfriend ni Misha. "Naku! Hindi ko po boyfriend si Sungit! Pinsan ko ang girlfriend niya." Ex-girlfriend.
Nagkibit-balikat lang ang magandang doktor at ngumiti. "Anyway, he needs plenty of rest. Dapat ding may magbantay sa kanya para mainom niya ang gamot niya sa oras. Kailangan ko bang magpadala ng male nurse na may katawan ng bouncer para tiyaking iinom siya ng gamot?"
"Tatawagan ko kayo kung kailangan, Doc. Thank you!" sabi niya. Nang silipin niya si Misha ay tulog na ito epekto marahil ng gamot. Paano pa niya sasabihin ang pakay kay Misha? Baka lalo lang makasama dito.
Inayos muna niya ang gamit na iniwan ni Misha. Mainit ang laptop nito na kusa nang nag-shut down nang maubusan ng battery. Kailangan din sigurong magpahinga nito gaya ng amo nito.
Pumailanlang ang doorbell chime. Nang sumilip siya sa labas ay isang matangkad na lalaki ang nakatayo doon. Pumunta siya ng gate. Baka iyon ang magde-deliver ng pagkaing in-order niya para kay Misha.
"Good afternoon!" bati ng lalaki na may asul na mata. "Nandito ako para sa in-order ni Jayden para kay Misha."
Binuksan niya ang gate para kunin ang order. Ang alam niya ay naka-charge iyon sa account ni Misha kaya wala siyang kailangang bayaran. Natigilan siya nang aabutin ang order niya. Nakilala niyang mabuti kung sino ang delivery boy. "Raddison Archer? I-I am sorry! I don't really know that..." Isa mismo sa village lord ng island ang dadalaw doon. "I am Rahya Avenuel, Sir," pakilala niya sa sarili.
Kinamayan siya nito. "Yes! Ildefonso Avenuel's granddaughter. You are Misha's girlfriend."
Umiling siya. "Hindi. Pinsan ko ang girlfriend ni Misha." Ex-girlfriend.
"How is Misha?" tanong nito nang papasukin niya sa kuwarto ni Misha.
"Kailangan niya ng pahinga sabi ni Doc Nataniella." Malalalim ang bawat paghinga ni Misha. Pinalitan niya ang cooling pad sa noo. Mainit pa rin ito. "I am sorry. He was on his way to meet you when he collapsed."
"Mabuti na ring na-cancel ang meeting namin para makapagpahinga siya. Tuwing nandito siya sa island, wala siyang ginawa kundi mag-entertain ng clients, makipag-meeting at ni hindi man lang mahawa sa amin kapag nagre-relax. Tell him that we will reschedule the meeting."
"Thank you, Sir! Salamat din po sa pagdalaw. Kayo pa ang nag-deliver ng pagkain. Nakakahiya sa abala."
Nagkibit-balikati ito. "Don't worry. It is my duty as a village lord. At iyong delivery, napag-utusan lang ako ni Rouen. Para daw makatipid siya sa manpower. Ako na ang sisingil sa kanya." Si Rouen ay isa din sa village lord.
Ihinatid niya si Raddison sa gate. Swerte naman niya. Unang araw niya sa isla ay nakadaupang-palad niya agad ang isa sa village lords. Naubos ang swerte niya nang dumadagundong ang sigaw ni Misha. Gising na ito.
Binitbit niya ang tray ng pagkain papasok sa kuwarto nito. he was still wearing the robe. Pinipilit nitong bumangon. "Gising ka na pala. Sabi ni Doc Nataniella, kumain ka muna bago ka uminom ng gamot."
"Sa restaurant na ako kakain. May appointment pa ako." Napahawak ito sa bedside table nang sinubukang tumayo. "Bakit ganito? Nahihilo ako. Anong ipinainom sa akin ng doktor na iyon?"
"Nahihilo ka dahil may sakit ka. At malamang gutom ka na rin. Na-cancel na ang appointment mo. Sabi ni Sir Raddison, magpagaling ka na."
Pilit siya nitong inaninaw. "Na-cancel ang appointment ko?"
Tumango siya. "Oo. Siya pa nga ang nagpa-deliver ng pagkain mo. I-reshedule na lang daw hanggang sa gumaling ka."
BINABASA MO ANG
Stallion Island 1: Misha Santoros Completed
RomanceIsang pakikibaka ang buhay. Iyon ang laging pumapasok sa isip ni Rahya tuwing nagbabangayan ang boss niyang si Misha at ang pinsan niyang si Rome na nobyo nito. Kaya sa ganoong pagkakataon, pumapailanlang na lang sa isip niya ang pagkakataon na maka...