Sabi nila masarap daw magmahal ng bawal pero masasaktan ka rin naman dahil iiwan ka dahil sa bawal.-anonymous
Malakas ang hanging dumadapo sa aking balat at nililipad nito ang aking buhok na hanggang balikat lamang ang haba. Ang malamyos at mahinhing dala ng musika ay nagdadala sa akin sa kapayapaan. Naririnig ko pa ang mga tawa, usapang walang katapusan ngunit isa- isa itong nawawala sa kahanginan.
Bigla akong napabalikwas at inaasam na sana babalik at babalik ako sa dati. Mabuti nang natauhan ako nang sa ganun magising ako sa katotohanang hinding-hindi mangyayari ang aking inaasam. Biglang sumakit ang tiyan ko at dali dali akong pumunta ng banyo.
BINABASA MO ANG
Our Love Are Written In The Stars
AdventureAng istoryang ito ay hango sa totoong buhay ng author. Tungkol ito sa kwento ng buhay, kaibigan, pag-ibig at propesyon. Abangan!