Chapter 3

43 0 0
                                    

Chapter 3: Cat and dog

Chesa's P.O.V

Paggabi na nung nakauwi ako, buti na lang hinatid ako ni Chase pero napagalitan naman ako sa Kuya kong napaka-OA. Sabi ko ng kaibigan ko lang si Chase tapos tinanong niya pa kung jowa ko ba siya.

Nakakahiya! Kapatid siya ni Caleb, baka anong sabihin no'n.

Na assuming ako o kaya hindi naman ako kagandahan.

“Sure ka bang hindi mo siya boyfriend?” Kuya Earl brings back the subject, again.

“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na hindi ko siya boyfriend, at kapatid siya ng boss ko” inis na tugon ko.

We are currently eating and I feel like I'm losing my appetite because of his questions.

Tatayo na sana ako pero pinaupo niya uli ako, nanlisik ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. 

“Don't tell me na hindi mo uubusin 'yang niluto ko dahil lang sa itinanong ko,” sabi ni Kuya Earl. “Ang raming batang hindi kumakain tapos ikaw sasayangin mo lang? So stupid...” dagdag niya na may mura pa sa huli.

Kala niya ba hindi ko rinig yung sinabi niya.

“First and foremost, bakit mo ba kasi niluto ‘yan alam mo namang ayaw ko ang lasa ng mga gulay. You're the stupid one here, Kuya” inis na tugon ko at iniwan siyang mag-isa sa dining room.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko ng malakas para dama niya na galit ko, at patalbog na humiga sa kama.

Ngayo'y nakatingin sa kisame.

Okay...

Guilt has hit me.

“I shouldn't said that...” sabi ko sa sarili kong nakatingin lang sa kisame.

Nagising ako ng maaga at ako na rin yung nagluto, ‘yon rin yung apology ko sa sinabi ko ka-gabi. Kahit  ko ang mundo hindi ko dapat ikakaila na Kuya ko siya, at dapat nirerespeto ko ang nakakatanda sa akin.

“Ang aga mo namang nagising” biglang sumulpot si Kuya Earl, nakasandal sa pader ng kusina na parang sa mga k-dramas.

‘So manly!’ Ayon minsan yung sinasabi nila sa mga lalaking nakasandal sa pader na parang pinagmamasdan ang bawat galaw mo.

“This is an apology for yesterday night, I was cocky and rude. So... I'm sorry” sabi ko habang inilapag ang pagkain sa lamesa.

Tumingin ako sa mata niya, nakita kong namumutla ang kanyang mata.

Did he cry?.

“Umiyak ka ba?” tanong ko.

Hindi ito tumugon kundi umupo at kinain ang hinanda kong pagkain sa kanya, hindi ako umimik baka mag-away pa kami.

“Malalate akong uuwi kaya ikaw na bahala sa bahay” sabi ni Kuya Earl at iniwan na ako.

Galit pa rin siya... for sure.

Dati pag nag-aaway kami ay isang araw lang bati na agad kami, but now. It's different, something is wrong.

Galit na galit si Caleb dahil kay Chase na ngayon ay may pasa sa bibig, nag-away sila tungkol sa kasiyahan ng mommy nilang dalawa. Pinag-usapan na namin ‘to ni Chase pero matigas talaga ang ulo.

“GAGO KA BA?!” sigaw ni Caleb na may mura.

“Gago na kung gago, Kuya, basta ako hindi ko papayagan si mommy na mapagod. Sa mga pinaggagawa mo e napapagod na siya!” pasigaw na tugon ni Chase.

Nasa gitna ako at ang ear drums ko ay parang mababasag na sa kaka-sigaw nilang dalawa.

“KASIYAHAN NI MOMMY ANG INIISIP KO! THAT'S WHAT MOM'S LIKE BEFORE SHE DIES!” galit pa rin si Caleb.

Magsasalita na sana si Chase kaso naunahan ko siya.

“TAMA NA!!!!!” paos na awat ko.

Tumingin silang dalawa sa akin, kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan nila para tumigil sila sa kaka-sigaw nila.

“Alam kong away niyo ‘to magkapatid, but damn! It's too much!. Hindi ba kayo naaawa sa mommy niyo na nakaratay sa hospital na nasa kadudulo-duluhan na ng buhay?” pinamukha ko sa kanila ang mga pinaggagawa nila. “Fighting like a cat and dog won't solve anything, so make up with each other”

Hindi sila kumibo kundi si Caleb ay umalis ng opisina at si Chase naman ay hindi na napigilan ang luha niya, kaya inilabas niya na ito.

“I should have listen to you, Chesa. I know it's too much for mommy, but I don't want to see my mom suffering. I also want her to be happy...” Chase said.

Hinawakan ko ang ulo niya at ipinatong sa balikat ko, I caress his head like I was his mom.

“It's fine. I understand you, you just want the best for your mother” tugon ko. “Kaya ilabas mo lang ‘yan,”

Humagulgol ito at hindi ko maiwasang umiyak dahil sa nangyari sa dalawa.

Inangat niya ang ulo niya para tignan ako, tumingin rin ako sa kanya. Lumapit nang lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko, ipinikit ko ang mata ko hinihintay na may mangyari.

Pero ang naramdaman ko lang ay isang halik sa noo, binuksan ko ang mata ko. Nakita ko siyang nakangiti.

“You're hoping for me to kiss you, did you?” sa lahat ng nangyari may gana pa siyang magbiro!.

Sinampal ko ang braso niya. “May gana ka pa talagang magbiro ha! Mag-sorry ka sa Kuya mo!”

Chase chuckled and nods.

“Yeah, thanks for confronting the cat who just fought with the dog” ngiting tugon ni Chase at umalis na ng opisina.

At ako naman ay kinuha ang cellphone at tinext si Kuya Earl, to say sorry again.

‘I'm sorry, Kuya Earl. Please don't go home late, I admit that it was my fault. Patawad, Kuya. Kaya ‘wag ka ng magalit sa akin.’ I texted.

Sinarado ko ito at tumingin sa kisame.

What a day...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Sexytary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon