Naranasan ko nang magkamali ng desisyon, at yun ang pinagsisihan ko sa lahat..
mas pinili kong ako ang lumayo, kaysa makasama ko nga sya, makita nya ang kalagayan ko.
gusto ko kasing lumayo sa kanya, ng sa ganun, hindi na sya masyadong masasaktan.
kaya, kung saka- sakaling bibigyan ako ng pagkakataon na ibalik ang nakaraan, yun ay ang nasabi ko ang lahat sa kanya. pati ang kalagayan ko.
Kung maibabalik ko lang ang panahon, nasabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. pero hindi ko ginawa dahil ako mismo ang nakipag hiwalay sa kanya..
Maiintindihan nya kaya ako, sa ganung kalagayan ko? natakot lang naman ako na ako ang saktan nya, dahil baka iwan nya lang ako sa ere, pag nalaman nya ang kalagayan. O baka naman, nag-isip agad ako ng negative thoughts, kaya di ko na nagawang sabihin, at ako mismo ang nakipag break..
Ako si Kyle Angelo Santos, 16. years old. sa bata kong ito, nagkaroon ako ng isang malalang sakit, pero naaagapan naman ng gamot at kelangan kong mag pa opera sa Amerika. ang operasyon ko, wala pang kasiguraduhan kung mabubuhay ako o hindi. pero isa lang ang alam ko, makasurvive man ako o hindi sa buhay ko, patuloy ko padin pagdudusahan ang pakikipagbreak ko sa pinakamamahal kong babae sa mundo.
--
Author's Note:
pasensya na po sa prologue.. di ko talaga alam kung papano ko sisimulan ang storyng to ee... btw, suportahan nyo nalang po... salamats...
Vote and Comment are very appreciated...