Chapter 2: Burger Chain

278 14 70
                                    


5:23 PM

Palubog na ang araw. Ang pinagsamang dilaw at kahel na kulay ng langit ay nagsisimula ng mapalitan ng kadiliman.

 Ang pinagsamang dilaw at kahel na kulay ng langit ay nagsisimula ng mapalitan ng kadiliman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngunit hindi pa rin sila nakakarating sa police department. Kung tutuusin ay hindi naman 'yon gano'n kalayo sa park na pinaggalingan nila pero dahil sa mabigat na daloy ng traffic, matatagalan pa yata ang byahe. Nagkaroon kasi ng matinding aksidente.

"Pwede bang magtanong?" excited na tiningnan ni Officer Choi sa rearview mirror si Taehyung at Jungkook na nasa backseat.

Natauhan tuloy ang dalawa na kanina pang inaantok. Sabay silang tumingin sa Officer.

"Nagpipigil lang akong magsisigaw pero.. fan n'yo kasi ako." sabi pa ng police fanboy na abot-tainga ang ngiti.

Nahihiyang napahawak sa batok si Jungkook. Hindi niya akalain na pati pulis ay hinahangaan din siya. Si Taehyung naman ay ipinakita sa Officer ang nakakasilaw niyang signature boxy smile.

Sa sobrang tuwa ay hindi na napigilan ni Officer Choi ang sarili. "OMG! Alam mo ba JK? Na-miss kita! Saan ka ba nagbakasyon? Lagi kong kinakanta ang 'Euphoria' 'pag naliligo ako y'know! At V! Pinapatugtog ko naman ang 'Scenery' 'pag namamasyal ako! And Yesss! Pinapatugtog ko ang 'Singularity' 'pag nakikipag-s--"

"Choi." mabilis na tinakpan ni Officer Jung ang bibig ng kasamahan. "Shut up. You're scaring them."

Ilang beses kumurap si Jungkook na masyadong nalito sa mga inpormasyong narinig niya, samantalang si Taehyung naman ay nanlaki ang mga mata dahil.. Wtf. Tama ba ang iniisip niyang sunod na sasabihin ni Officer Choi tungkol sa kanta niya? Napalunok tuloy si Taehyung.

Agad namang inalis ni Officer Choi ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at napakamot sa ulo. "Ang sinasabi ko, pinapatugtog ko ang Singularity 'pag NAKIKIPAG-Sayaw ako sa girlfriend ko. Ano pa bang iniisip n'yo?"

Nagdududang pinagtaasan siya ni Officer Jung ng kilay dahil matagal na siya nitong kilala. But Taehyung breathed a sigh of relief. Muntikan na siyang tumalon palabas ng bintana dahil sa maling akala at kahihiyan.

Jungkook frowned, tilting his head to the side. May hindi siya maintindihan. "Officer Choi, paanong nangyari na fan kita pero fan ka rin ni V?"

Ibinuka ni Officer Choi ang kanyang bibig na agad niya ring isinara. Hindi niya inaasahan ang tanong na 'yon. "Uhhh-"

Ipinatong ni Taehyung ang isang paa sa likod ng inuupuan ni Officer Jung. "Pakialam mo ba kung anong gusto niya, Jeon?"

Jungkook gave him a little smirk. "Naiintindihan ko kasi na hinahangaan niya ako, Kim. But you? You are overrated. Sumikat ka lang naman dahil sa tumataginting na mediaplay." he said cockily. "Just accept that I'm the best, okay? Everyone should stan talent. Stan JK."

Chaotic Paradise || TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon