Chapter 1: Witness
"Pagkatapos nitong misyon na ito, pwede bang pakawalan mo na ako?" may pagsusumamo kong tanong kay Jude. Nasa kotse kami papunta sa location ng target ko, isang senador na bumabangga sa grupo ng sindikato na kinabibilangan ko at pinamumunuan ni Jude — boyfriend ko.
"Mariza alam mong hindi lang pulis ang hahabol sayo sa oras na itigil mo to. Maging mga nakalaban ng grupo. At hindi ako papayag na malayo ka sakin. Tandaan mo yan." pinal at nagtatagis bagang na sabi niya.
Napabuntong hininga ako sa turan niya. Wala akong ibang choice kundi ang tumakas nalang pero kakailanganin ko ang tulong ng isang tao.
💣🔫🔫🔫💣
"Target located." sabi ko sa earpiece na konektado sa telepono ni Jude.
"Sa ulo mo patamaan ang target Mariza."
Tumango ako kahit alam kong di nya makikita. Nasa kotse sya sa baba ng building na kinapupwestuhan ko. Isang sniper gun ang gamit ko. Nasa isang pagtitipon ngayon si Senator Dado sa katabing building nitong pinagpwestohan ko. Nang malock ang target sight sakanya agad kong kinalabit ang gatilyo at nang siguradong patay na ang target dali dali akong nag ayos ng mga ginamit ko dahil paniguradong hinahanap na nila ang salarin.
Agad akong tumakbo pababa sa parking lot, pero hindi sa kotse ni Jude kundi sa kotse ng taong tutulong para makatakas na ako sa gulong ito ng buhay ko.
"Diego!" nakita ko kaagad siya at dali dali niyang binuksan ang pinto ng kotse . Pagkasakay ko palang mabilis na niya itong pinaharurot.
"Mariza, asan kana?!" bakas ang inis at galit sa boses ni Jude sa kabilang linya. Shit! nakalimutan kong may earpiece pa din ako.
"Sinabi ko sayo Jude ayoko na." matapos kong sabihin ang mga katagang iyon agad kong tinapon ang earpiece sa labas ng bintana maging ang ilang bagay na pwede niyang matrace sakin pinagtatapon ko na sa labas.
Huminga ako ng malalim at napangiti ng maliit. Tinignan ko si Diego na seryoso sa pagmamaneho.
"Mariza, bakit ka ba kasi pumasok sa sindikatong iyan!" bulyaw niya sakin.
"Dahil kailangan Diego! Matagal kang nawala. Hindi mo alam ang nangyari sakin, kila inay at itay nung nasa serbisyo ka." Matigas kong sabi sa kuya ko. Oo, magkapatid kami. Namatay na ang magulang namin dahil sa sindikato ni Jude 2 years ago. Nasa ibang lugar ang kapatid ko dahil isa siyang asset ng pulis na matalik niyang kaibigan. Hindi ito alam ni Jude.
Nakapasok ako ng sindikato dahil sa isa akong waitress sa bar noon na pinagtatambayan nila ng grupo, naakit ata sa akin, niligawan ako, sinagot ko naging kami hanggang sa puntong tinuruan na niya akong gumamit ng baril at pumatay. Matapos ang isa't kalahating taon napagalaman kong dahil sa sindikato niya kaya namatay sila nanay. Nadamay sila sa gulo ng mga pulis at sindikato ni Jude na nagbabarilan. Tindera si Nanay sa palengke habang si Tatay driver ng jeep, nagkataon na naghaabulan ang grupo nila Jude at mga pulis sa palengke kung saan nagaayos palang ng paninda sila nanay habang si tatay ay nagbababa ng mga ititinda ni nanay bago pumasada, natamaan ng ligaw na bala at ayon na nga. Pero alam kkng hindi lang nagkataon yun. Dahil alam nilang asset si Kuya. Ang hindi lang nila alam ay may kapatid na babae si Kuya at ako yun.
Biglang lumambot ang itsura ni Kuya dahil alam niyang may kaunting galit ako sa kanya dahil sa nangyari, dahil sa mga panahong wala akong karamay, dahil kung nakinig lang sana siya kay Tatay na itigil na ang trabaho niyang iyon sana hindi nadamay ang pamilya namin.
"Sorry." yan nalang ang nasabi niya matapos ng litanya ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil miski ako ay walang alam kung saan na pupunta ngayong wala na ko sa puder ni Jude.
"Sa kaibigan kong pulis matutulungan niya tayo."
"Anong ibig mong sabihin?" naguluhan ako sa sinabi niya. Matutulungan? Pulis ang kaibigan niya at ako mamamatay tao. Paano ako tutulungan ng pulis na yun aber?
"Maging star witness ka laban kay Jude de la Vega." matiim niyang sabi. "Mabibigyan na natin ng hustisya sila Nanay, at hindi ka na niya magugulo ulit sa oras na makulong siya."
Napaisip ako sa sinabi niya. Baka eto ang susi para tuluyan na akong lumaya sa dilim ng buhay ko.
"Sige." napangiti naman ang kuya ko.
"Poprotektahan ka namin hanggat hindi pa nakakarating sa hepe nila ang desisyon mo, dahil panigurado hinahanap ka na ng ex mo."
sabi niya."Mag iingat kayo dahil sa pagkakaalam ko may mga koneksyon si Jude sa kapulisan, hindi ko lang kilala kung sino sa opisyales ng pulis ang traydor sa serbisyo." tugon ko dito.
BINABASA MO ANG
Mariza: The Hitwoman
ActionBala Baril Granada Sindikato mga bagay at taong kailangan kong takbuhan maliban sa mga pulis. Pero paano ko pa tatakbuhan sila kung kahit saan may traydor na nagmamasid lang pala.