It's almost 9PM kaya naisipan ko nang umuwi, nagpunta kasi ako sa dati naming bahay. There's such a lot of memories there, naroon ang mga alaala namin ng kababata ko, mga masasayang araw na kasama ko siya, ang pagkakaibigan na sa isang iglap ay nawala.
Na-a-alala ko ang kababata ko kay james, parehas silang masungit sa umpisa, pero kalaunan ay nagiging mabait kapag nakaibigan mo na. At bukod 'don ay pareho din sila ng pangalan.
Huminto ako sandali at sinulyapan ang larawan namin ng kababata ko, ang saya namin dito, parehas nakatawa habang may sipon-sipon pa.
Makikita mo talaga ang saya namin sa larawang ito, mga panahon na wala pang iniisip na problema. Na-miss ko tuloy siya, na-miss ko tuloy si james, ang kababata ko.
Flashback
Napasilip ako sa bintana 'nong may narinig akong ingay sa may tapat namin. May bagong lipat pala, kaya agad-agad akong bumaba para silipin kung sino ang mga ito.
Pag-baba ko ay nakita ko ang isang pamilya, tatlo lamang sila. I guess the old man is the father, the woman is the mother, and the child one is their son. Naghahakot sila ng mga gamit papasok, kaunti lamang ang gamit nila dahil maliit lamang ang kanilang titirhan.
They're too busy putting their belongings inside, until tumitig sa'kin yung bata. Kumaway ako pero tinarayan niya lamang ako "ang sungit naman nung batang 'yon" nasabi ko sa sarili ko.
Hindi ko napansin na lumabas pala sila mommy para tingnan ang mga bagong lipat.
My mom is friendly, kada may bagong lipat malapit sa'min ay kinakaibigan niya ito kaya for sure kakakaibigan din ni mom ang mga ito. And I'm not wrong kasi biglang tumawid si mom para kausapin sila, sumama na rin ako para makilala ko kung sino sila.
"Hello, kayo ba ang bagong lilipat dito sa bahay?" tanong ni mommy
"Ahh, oo eh" sagot naman nung babae
"Nice to meet you, I'm Maribelle Chao. Diyan lang ako sa tapat naninirahan" saad ni mommy sabay abot ng kamay habang naka-ngiti.
"Nice to meet you too, I'm Elisa and ito nga pala ang asawa ko si Manuel" Sabi naman nung babae at nakipag-kamay sila kay mommy.
Hindi ko na sila pinakinggan sapagkat hinahanap ko yung batang kasama nila.
Nilibot ko yung bahay nila at nakita ko naman itong naglalaro sa kanilang likod-bahay. Lumapit ako sakaniya at binati ito.
"Hi, anong nilalaro mo?" Tanong ko sakaniya. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy nq lamang ito sa pag-lalaro.
"Jessie nga pala pangalan ko, ikaw ano pangalan mo?" saad at tanong ko rito.
Hindi pa rin niya ako sinagot at umalis na lamang siya, nagtataka naman akong naiwan 'don mag-isa.
"Ano kayang problema 'non?" Tanong ko nalang sa sarili ko. Umalis na lang din ako 'don at pumunta na kila mom.
"oh sige aalis na kami, mamaya nalang ha punta kayo sa bahay 'don na tayo kumain. Welcome ko din sa bago kong kapitbahay."
Habang papauwi kami ay hindi ko naiwasang itanong kay mommy kung bat sila kakain 'don.
"Son, I just want to welcome them into our house, into our compound. Para alam nila na hindi masasama ang mga tao rito. Kaya ikaw, dapat you know on how to handle a friendship ha" Sabi ni mom
"Opo" sinpleng sagot ko lang.
6:00PM na nung nakarating sila sa bahay, may dala din silang ulam, dalawang klase yung isa ay kung pao chicken at yung isa ay bangus na in. Masarap naman yung mga luto nila pero mas masarap ang luto ni mommy na kare-kare at barbeque.
BINABASA MO ANG
My Caring Boyfriend Broked My Heart (BoyxBoy Tagalog)
ChickLitI love you then you love me. I cared for you and then you cared for me, but all of this became worst when you broke me. Ang istoryang ito ay hango sa kathang isip lamang. Lahat ng pangalan, karakter, at lugar ay hango sa imahinasyon lang.