May 27
Rosario, Malinao Aklan
About 3 in the AfternoonMa. Jalene Zenisha Rivera, ka chat ko nung nasa Manila pa'ko so we're not strangers to each other kahit papano.
Pumasok sa bahay nina Jalene si Yena habang nasa labas lang kami ni Athena, naghihintay if lalabas si Jalene.
"Gasul, umuwi ka na sa Friday nalang ako magpapakita" sigaw ng boses sa loob ng bahay. Di familiar yung boses so it must be the fabled Ma. Jalene Zenisha Rivera, ang sinasabing 'Crush ng Bayan'. Wait, bakit 'Gasul' tawag nya sakin? Mataba ako dati pero di na ngayon, so what the hell?
"Tara, punta tayo sainyo" sabi ko kay Athena, which we agreed upon agad. So nagmotor kami papunta sa bahay nila. Saktong pagdating namin sa kanila nang mag ring cellphone ko.
*Yena Ysabel Sandoval*
"Ya, ayaw sumama ni Jalene, sa Friday nalang daw.""Papuntahin mo ngayon, gusto ko mameet." Reply ko agad
"Ayaw nga Ya"
"Sige, chat ko nalang." Reply ko kay Yena. Nadidismaya syempre. I was looking forward to meeting Jalene pa naman
As soon na magsend yung chat ko, hinahanap ko convo namin ni Jalene nang may nag chat bigla.
*Ma. Jalene Zenisha Rivera*
"Gasul, yoko pumunta, nakakahiya" sabi nya."Bat ka nahihiya? Unless may gusto ka sakin" Pabirong reply ko habang nakangiti.
"Baliw" sabi nya so biglang nagreply agad ako ng "Sayo". Sure akong kinikilig si Jalene ngayon kasi pati si Athena na katabi ko, kinikilig.
5 minutes later
Bumalik si Yena na may kasamang babae. Magandang babae, mukhang mabait, mahinhin and most of all, cute.
"Gasul!" Sigaw ng kasamang babae ni Yena.
"So ito si Jalene? Damn ang ganda nga niya in person! No wonder crush nga to ng bayan" I'll admit, I was starstruck, She's not your typical dream girl na sobrang ganda. Maganda siya, captivating, tas mukhang mabait.
"Jalene? Nathan nga pala." I extended out my hand for a Formal introduction. She was hesitant at first pero she reached out naman. While reaching out, I noticed na namumula siya nung inextend ko yung kamay ko. Nagba-blush ba siya? What does this mean? Dear self, wag ka mag assume, nasaktan ka na kay A, ayoko nang masaktan ka uli.
"Ay wow, ang formal naman Tan" aniya pero di ko narinig dahil sa sobrang pagtutok ko sa kanyang mala-diyosa na mukha. Napatulala ako ng saglit kasi damn, ang ganda niya talaga!
"Di naman Jal"
10 minutes after namin magkakilala, nagkayayaan nanaman kami ng Joyride, Joyride sa Seawall sa Daja Sur to be exact. Mga 15-20 min ride galing sa bahay nina Yena. So angkas ko si Jalene papunta dun then may sinabi siya
"Babe, wag mong bibilisan magpatakbo." Wait, what? Babe? Did she just call me babe? Then naalala ko, callsign pala namin yun sa chat. Pero iba feeling eh. Ewan ko ba, parang ansarap pakinggan, lalo na sa personal. Sarap sa ears!
So nakarating kami sa Seawall, tamang tambay lang then kwentuhan kasama ng dalawa kong pinsan na naghaharutan. So malalim na usapan na nauwi sa kwentong love life. Mention ng ex then reason bat nagbreak etc. Pansin kong di siya umiiwas ng tingin sakin. Crush ba'ko neto? Pero parang imposible naman. So nag isip kami nina Yena at Athena ng paraan to put this theory to the test.
YOU ARE READING
Missing
Teen FictionWho Am I? Who am I really? Bakit ako laging iniiwan? Bakit walang nagstay? Nahanap ko na ba sya? Mahahanap ko pa ba sya?