I NEED TO GO
Nag ikot ikot lang kami sa mall binili ni David ng sobrang daming laruan si Drian pinag sasabihan ko silang dalawa kanina
Sa bahay nya kami ihahatid ngayon dahil wala pa daw si Kuya sa Condo nya
Antok na antok na ko anong oras na din naman buti at hindi ako sinumbong ni kuya kila daddy
"Lagot ka kay Daddy"nakasimangot na sabi ko habang palapit na kami sami"why?"natatawa na tanong ni David
Tinuro ko yung sampung plastic ng laruan sa likuran"sobrang dami nyan alam mo ba sa bahay nila halos mag kalat na ang laruan"sabi ko
Tumawa sya lalo"anong magagawa natin yan yung kasiyahan nya"sabi ni David inirapan ko sya
"Sa susunod anak na natin yung bibili natin ng laruan"sabi nya sabay kindat tinignan ko sya ng masama tumawa sya
Binagbuksan nya kami ng pintuan dahil buhat buhat ko si Drian tulog na
"Nanjan sila Tita?"tanong nya"nasa abroad pa si Mommy si Tita kasama yata si Dad business trip"sagot ko
"So sinong kasama nyo dito?"gulat na tanong nya"maid?kami lang"sagot ko"can i sleep here?"tanong nya
Tumawa ako"nag paalam ka kila Tita?"tanong ko umiling sya"you should go kanina ka parin hinahanap ni Celine"sabi ko
Hinatid nya kami sa taas sa kwarto ko hiniga ko na si Drian pagod na pagod ang bata
"Sinundo sya ni lola sa bahay ngayon"sagot nya"sila Mommy may pinuntahang party"sabi nya
"Ikaw bahala"sabi ko"uuwi muna ko babalik din ako"sabi nya sabay halik sa noo ko
"Ingat hintayin kita"sabi ko tumango sya sabay labas din ng kwarto ko
Ganyan sya lagi tuwing wala akong kasama sa bahay or sa condo ko hindi nya kong iniiwan mag isa
Payag sila mommy dahil pare pareho silang may tiwala saming lahat
Habang nag sho-shower ako tumatawag si Angel sinagot ko tsaka ko pinatay ang shower
"Bes!"tili nya agad ko namang nilayo yung phone sa tenga ko nung huminahon sya tsaka ko binalik
"Yes na patawag ka at gabi na?"tanong ko"my gosh nasa bahay ako nila Lance dito ako matutulog coz birthday ng lola nya bukas"bakas padin sa boses nya yung kilig
Napangiti naman ako"enjoy bes meet the parents"sabi ko sabay tawa ang dami pa nyang kwento excited daw sya na kinakabahan
Hanggang sa mapagod sya mag kwento kaya nag paalam na kami sa isat isa
Pinagpatuloy ko din yung pag sho-shower ko inayos ko na din yung sarili ko sa loob isang tshirt at pajama lang ang suot ko
Pag labas ko naka open na yung tv pero patay na yung ilaw sa loob ng kwarto ilaw nalang sa veranda ang bukas
Tapos nandon si David sa kama ko katabi si Drian na gising na gising at pareho silang nag lalaro ng eroplano
Napakamot ako sa ulo ko may pag kaisip bata but at the same time ang cute nya kasi he knows how to play with a kid
Napangitin sya sakin sabay ngiti"ang tulin mo naman"sabi ko sabay upo sa tabi nila
"Misis mahigit dalawang oras ka po sa banyo at narinig ko na may kausap ka"sarcastic na sagot nya
Nginusuan ko naman sya"si Angel yun nag kwento nandon daw sya sa bahay nila Lance inaya sya ng family ni Lance kasi bday bukas"sabi ko sabay higa
Pagod ako ngayong araw nakaka antok"invited din tayo don"sabi nya napatango naman ako
BINABASA MO ANG
Pagsubok lang ang lahat
Genel KurguNasa kanya na ang lahat masayang pamilya Mayamang buhay Pag mamahal ng mga kaibigan at mga magulang Ngunit hindi natin maiiwasan ang mga bagay na darating na maaaring makasakit sa atin Lahat tayo dadating sa pag subok lahat tayo makakaranas ng pa...