*Plop! Chump! Plop! Chump!*Tunog ng bubble gum na kanina pa nakakairita. Pogi nga ang ngumunguya pero mukha namang kabing habang ngumunguya ng bubble gum galing kay Jacob. Full name: Jacob Ferrer. Ang bubble gum addict ng M.U. Kulang nalang bigyan siya ng parangal ng Guiness Book of World Records sa pinaka maraming bubble gum na nanguya sa isang araw.
"Ilang bubble gum ba nauubos niyan ha?!" tanong ni Crystal sa kaibigan niyang si Ton. Babae si Ton. #ShareKoLang.
Nandito sila ngayon sa cafeteria malapit sa MU. #MyBelovedMU. Kanina pa iritang-irita si Crystal sa naririnig at nakikita niya.
"Be, kalma lang. Ganyan talaga si Jacob. Wala na tayong magagawa" paalala ni Ton.
Crystal, nickname: Cryst, fullname: Crystal Villa Roel. Ang iritang-irita sa pagmumukha ni Jacob.
Sino kaya ang unang susuko if they fall in love at each other. Ang bubble addict hindi na magba-bubble gum o ang anti-bubble gum, hahayaan na niya lang si bubble gum addict na magbabubble gum?!
*^_^**^_^**^_^**^_^**^_^**^_^**^_^**^_^**^_^**^_^*
"Alam mo Ton! Pag hindi ako nakapigil sa Jacob na yan! Ipapalunok ko sa kanya yung mga bubblegum niya!!" iritang sabi ni Cryst habang papunta sila sa bluewhite building. Building ng mga ICT or something na may kinalaman na course like ComSci.
"Bakit ba kasi iritang-irita ka diyan kay Jacob?!" tanong ni Ton.
"Paano kasi be kanina?! Nananadya! Titingin pa siya sakin bago ngumuya!"
Pumasok na sila sa room nila. Magkahiwalay ang room nina Ton at Cryst dahil narin magkaiba sila ng course. IS si Ton, ComSci si Cryst pero minsan nagkakasabay naman sila sa ilang subjects. By the way, ComSci din pala si Jacob means magkaklase sila.
Pagpasok ni Jacob, as usual ngumunguya ng bubblegum, napatingin ito kay Cryst at inirapan naman ito ni Cryst. Kumunot ang noo ni Jacob at umupo sa vacant seat sa tabi ni Cryst.
"Bakit ka nandyan? Maraming vacant sa unahan oh!" tanong ni Cryst.
*Plop! Chump!*
"Parating na ang prof. Bawal ang bubblegum habang nagdi-discuss siya!" sabi ni Cryst.
*Plop! Chump! Plop!*
"Hoy ano ba?! Sabing bawal ang-"
Naputol ang sinasabi niya ng humarap sa kanya si Jacob at pinalobo yung bubblegum.
"Nang-iinis..hmp!"
Lumobo ang bubblegum ni Jacob at idinikit sa labi ni Cryst saka pinutok at idinikit din ang labi niya.
Humiwalay si Jacob at tiningnan si Cryst na tulala parin. Namula si Cryst at nginitian lang siya ni Jacob. Sakto namang dumating ang prof. kaya tuluyang di nakareact si Cryst.
Break na!
Lumabas na si Jacob at si Cryst nakayuko parin. Natauhan lang siya ng tinawag siya ni Ton galing sa labas ng room. Si Cryst tulala parin.
"What's happen?"
"H-he k-kissed me!!! He kissed me!!!!!" sigaw ni Cryst kay Ton.
Naguluhan naman si Ton at nakarinig nalang sila ng tawa galing sa gilid. Parehas silang lumingon at nandun nga si Jacob. Nakangiti sa kanila habang nagbubukas ng mga pakete ng bubble gum. Doon lang napagtanto ni Ton ang sinabi ni Cryst.
"No way!!! Pero be anong lasa ng lips ni fafa Jacob?"
Napanganga nalang si Cryst sa sinabi ni Ton at para siyang nandidiring napatingin kay Jacob na naglalakad na papunta sa kabilang building.

BINABASA MO ANG
AUTUMN SEASON: MR. BUBBLEGUM✔
Short StoryHe is a gum addict. He likes a girl who dislikes him for being a gum addict. He wants her so badly so he can do whatever it takes just to get her. The result of it is to stop chewing gums...but who will give up first if they both fall inlove with ea...