Bad Boy Image

170 5 2
                                    

CHAPTER ONE

NAGISING si Mimi sa katok ng pintuan ng kanyang silid. Ang kanyang ina ang kumakatok doon. Napansin siguro nito na tanghali na at hindi pa siya lumalabas ng kuwarto. Hindi nito alam na kanina pa siya gising at tinatamad lang bumangon.

Ngayon ang unang araw ng pasukan sa lahat ng college school mayroon ang lugar nila. Pero parang wala siyang ganang bumangon at pumasok sa araw na iyon. Pakiramdam niya ay hindi magiging maganda ang araw niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit pero parang merong humihila sa kanya pabalik sa higaan at matulog ulit. Pero siyempre hindi doon papayag ang kanyang ina dahil ito mismo ang may gusto na sa St. Agustin siya mag-aaral.

Ang St. Agustin ang nag-iisang pribadong paaralan nila sa bayan ng San Bartolome. Kaya ang mga may kaya lamang ang nakakapag-aral sa eskuwelahang iyon. Kung mayroon nga mang hindi ay dahil iyon sa mga scholar na pinapag-aral nila. At isa na siya sa mga nabibiyaang makakuha nang scholarship na iyon. Kaya tuwang tuwa ang ina niya na sa St. Agustin siya mag-aaral. Makakaahon na raw sila sa hirap kung makakatapos siya sa kurso niyang Bachelor of Science in Hospitality Management sa paaralang iyon.

“Mimi, gumising ka na diyan. Bilis-bilisan mo at tanghali na. Baka mahuli ka pa niyan sa eskuwelahan mo. Unang pasok pa naman ngayon, dapat hindi ka tatamad-tamad,” sabi ng kanyang ina na katok parin ng katok.

“Yes, ma. Gising na po ako,” sabi na lang niya para tumigil na ito sa kakatok.

“Bumaba ka nalang dito para mag almusal, okay?”

“Opo, ma.”

Naghanda na siya sa mga kakailanganin niya sa school. She is not that excited. Dahil alam niyang puro mga maaarte lang ang mga estudyante doon at puro may kaya sa buhay. Hindi na lang siya nag reklamo dahil alam niyang para lang sa kanyang ikabubuti ang ginagawa ng kanyang ina.

Wala ang papa niya dahil nag abroad ito sa ibang bansa para pangtustos sa kanyang pag-aaral. Solo lamang siyang anak nina Mr. Gregorio Dominguez at Mrs. Stella Marie Dominguez. Masaya naman sila kahit silang dalawa lang ng kanyang ina sa bahay. Dahil hindi nila hinayaan na mamayani ang lungkot sa kanila.

Tapos na siya lahat at handa ng umalis. May sarili silang owner at ito ang ipinagamit sa kanya ng kanyang ina. Highschool pa lamang siya ay marunong na siyang mag drive nito dahil tinuruan siya ng kanyang ama noon. Malapit lamang ang bagong niyang eskuwelahan pero mapilit ang mama niya. Mas mabuti raw iyong may sasakyan siya para hindi siya alangan sa mga kaklase niya. Dahil wala masyadong naglalakad o sumasakay ng jeep na estudyante sa eskuwelahang iyon. Lahat ay may sasakyang dala.

Goodluck na lang sa kanya kung kakayanin ba niyang pumasok sa eskuwelahang iyon. Kung kakayanin ba niya ang mga ugali ng mga estudyante doon. Pagbubutihin nalang niya ang pag-aaral para may maipagmamalaki siya sa mga magulang niya.

“Bye, ma,” paalam niya sa kanyang ina.

PAPASOK na siya sa eskuwelahan ng makita niyang wala ng masyadong naglalakad sa hallway. Mukhang late na talaga siya. Hindi pa naman din niya nakikita ang magiging classroom niya. Siguradong kanina pa sila nagsisimula sa klase. Nagmamadaling hinanap niya ang magiging classroom niya.

Nang makita na niya ang classroom niya ay agad na siyang pumasok at umupo sa bakanteng upuan malapit sa likod.

“And who are you, Miss?” tanong sa kanya ng teacher nila.

Agad siyang tumayo at sinagot ang tanong nito. “Micah Dominguez po, Ma’am.”

“Micah Dominguez?” anito at tiningnan ang class record nito na nasa mesa nito. “I’m sorry Miss Dominguez but you’re not belong to this class. Iyong room mo ay kasunod pa sa room number 608,” anito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Boy ImageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon