Kabanata 1

29 0 0
                                    

Kabanata 1

Tinakbo ko siya sa gitna ng malakas na ulan. Basang basa siya habang sinusubukan niyang maglakad ng mabilis papunta sa maliit na tindahan ni Aling Vickie.

Mariin kong hinigit ang kanyang palapulsuhan at hinila pabalik sa UPCA. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang ako iyon. Damn girl.

"Anong ginagawa mo?" I can't hide my frustration.

"Uh. Ang lakas ng ulan. I'm going back to CFA, Ezekiel." The pain in her eyes are fucking evident. Nababaliw na ata ako.

Pagod niyang hinawi ang kamay ko. Nanghina ako sa gulat. Mabilis kong hinawakan ang kanyang siko.

"God. Ezekiel Hades Cepeda treated me like shit. Gusto ko lang namang mag sorry. Nagpa ulan pa ako." 

Damn it! Napa awang ang labi ko sa gulat. Tang ina mo, Ezekiel! Gusto kong murahin ng malakas ang sarili ko. Gusto kong baliin nalang lahat ng aking prinsipyo. What do you want me to do, baby? Tell. Me.

"What made you think that I'm mad at you, huh?" Namamangha akong tumingin sa kanya.

Malakas parin ang ulan. Her hot skin feels comfortable on my palm. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin sa galit na galit na ulan.

"Kiel?" May gulat sa tono ni Brix nang abutan niya kaming ganoon. Mabilis kong itinago si Isabelle sa likod ko.

"Hindi ako papasok." 

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino 'yon. Naguguluhan siyang tumango at umalis narin pagkatapos.

"M-makikisilong na lang ako dito Ezekiel... Yo-you should go to your class..."

Sinundan niya ng tingin si Brix na kaagad din namang nawala sa hallway. Nanliliit ang mga mata kong tumingin sa kanya.

Ang puti niyang sleeveless top ay basa at bumabakat ang lahat ng nasa ilalim noon... and that means I'm seeing her brassiere too.

Tingin mo ay iiwanan kita dito ng ganyan ang itsura mo?

She can seduce men without even trying. At sa oras na ito ay parang wala siyang ideya.

Napalunok ako. Mariin akong pumikit at sinubukan kong kumalma.

"No... you'll change. I got a spare. Papatilain natin ang ulan at ihahatid kita sa building niyo."

"M-may damit naman ako sa CFA... doon nalang siguro." Aniya.

"Don't give me that stunt. You shouldn't have followed me here, Isabelle. It's pointless." Tinapunan ko siya ng malamig ng tingin.

Mababaliw na talaga ako. Kung magpupursigi siya ay talagang magugulo ako.

"Magpalit ka na!" Iritable kong sinabi.

Para siyang batang malungkot na tumango. Iginiya ko siya papunta sa aking locker at ibinigay ang spare shirt ko sa kanya.

Tinanggap niya iyon. Itinuro ko sa kanya ang girls CR at naghintay ako sa kanya sa labas.

My shirt is too big for her. Naka tucked in ito sa kanyang itim na shorts at nakatupi pataas ang manggas para lang sumakto sa kanya. It's a maroon shirt na may naka imprentang 'ARKI' sa itim na kulay.

"Uh... Tapos na ako."

Marahan akong tumango at nag-iwas ng tingin.

Hindi na kami nag usap pa pagkatapos noon. Saktong Alas dos y media ay tumila na rin ang malakas na ulan.

May iilang estudyante na ang lumalabas ng kanilang mga classroom hudyat na tapos na ang kanilang subject para sa oras na 'yon. Iyong iba ay napapatingin kay Isabelle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon