Going back in time

87 7 2
                                    

When will this pain go away? Lagi kong tanong sa sarili ko, kung sana hindi na lang kita nakilala hindi ako magkakaganito. Kasalanan mo tong lahat, dinala mo ako sa langit para lang iwan sa ere.

Dalawang taon na ang nakakaraan ng magtagpo ang mga landas natin sa iisang bus na sinasakyan, magkatabi pa nga tayo ng mga panahong iyon.

Flashback

Me: (talking to the phone) Oo nga! Galing nga ako dun kanina nanuod ako ng laban nila Victor de Jesus kahit 2nd yr pa lang sya! Ang galing galing talaga ng St. Nicolas Knights lampaso ang St. James mga weak!

Huminto lang ako ng pag-sasalita ng bigla na lang may kumalabit sa akin...

Me: Ano yon?

Pagkalingon ko, nagulat ako sa gwapong nilalang na nasa harap ko. May suot syang I.D. kaya naman tinignan ko kung anong pangalan nya. Malas naman nakabaliktad yung I.D. nya! Binabaan ko na yung kausap ko sa cp.

Me: Anong kaylangan mo? :)

Nakangiti na ako this time.

Guy: Ah kanina ko pa sana planong sabihin na nalaglag yung panyo mo kaso di ka naman maawat sa kausap mo. Pababa na ako bye.

Pagtalikod nya nakita kong may pin sya sa bag na ang nakalagay "Jamers". Okay KILL ME NOW!!!!! Nilalait lait ko pa man din ang St. James kanina tapos taga St. James pala sya! Nakakahiya sobra!!! Sa sobrang hiya ko pinagpapagpag ko yung panyo na hawak ko, natigilan lang ako ng may mapansin ako. Hindi ako namalik mata, may nakasulat talaga dun sa panyo ko. Ito ang nakalagay...

Pinagbigyan ko lang si de Jesus kanina kaya nanalo St. Nicolas. Btw you're cute text me 0900 143 5254.

Omg! Sign na ba to na ng langit??? Magpapa'bebe pa ba ako? Syempre hindi na no! Kinagabihan nag'text ako sa kanya. Ang bilis nya magreply, grabe nakaabang talaga sa cp??? Ganto na ba ako kaganda??? Joke lang :)

Di nagtagal nalapit tayo sa isa't isa. Date ang alam ko lang ikaw si Andrew na Captain ng basketball team ng St. James ngayon halos lahat ng tungkol sayo alam na alam ko. Di tayo maubusan ng mapag-uusapan, yung tipong umaga hanggang sa abutin na ng panibagong umaga. Di nagtagal naging tayo. Maiksi lang ang panahon na nakilala kita pero pakiramdam ko matagal na kitang nakilala ganun ako ka komportable kapag kausap ka.

Kahit pa whole day ang pasok natin nakakagawa tayo ng paraan para magkita kahit pa magkalayo ang school natin. Naniniwala akong ikaw ang ibinigay ng Dyos para mahalin ko, naniniwala ako dun.

Ga'graduate na tayong pareho malas lang at pati ngayon magkaibang university ang papasukan natin. Hayy nako, kaylangan mong mag'try out para sa basketball team at sinabi mong gagawin mo ang lahat para makapasok. Inintindi kita, alam kong yaan ang gusto mo. Madalang na lang tayo mag-usap dahil busy ka na, nakakalungkot lang yung mga panahon na kulang ang 24 na oras para magkwentuhan tayo pero ngayon halos di na tayo nag-uusap. Inintindi kita kasi alam kong gusto mo yan. Ngayon minsan sa isang bwan na lang tayo mag-usap, sana alam mong nami'miss kita ng sobra. Di ka na kasi nagpaparamdaman at nagpapakita. Pagod ka na siguro kaya iniintindi na lang kita. Tama, pagod ka na. Pagod ka ng mahalin ang kagaya ko, naiintindihan ko kaya sana intindihin mo din na nasasaktan ako sa ginagawa mo. Sana maintindihan mo na dahil sa mga ginagawa mo isang araw mawawala na lang ako sa buhay mo. Kung gusto mo ng tapusin tong relasyon na meron tayo sabihin mo! Wag mo naman akong iwan na naghihintay lang dito para sayo. Nakakatawang isipin na date sigurado akong kilalang kilala na kita bat ngayon kung ituring mo ako parang hindi mo ako kilala. Ako nga pala yung girlfriend mo naaalala mo? Wala tayong pormal na break up, basta hindi na lang tayo nagpansinan hanggang sa mawala sa sistema mo ang pangalan ko.

Ang sakit lang bat kaylangan kong maranasan ang sakit na katulad nito, nagmahal lang naman ako. Malas ko at hindi ko nakita ang totoong ikaw sana hindi na lang kita nakilala. Kung makakabalik lang ako sa panahon na unang nagkakilala tayo, maglalakad na lang ako ng malayo kesa ang sumakay sa bus na yon.

Present time

3rd yr college na ako male'late na ako para sa pasahan ng thesis project na to. No choice kahit mas mahal magba'bus na lang ako.

Natataranta na ako baka kasi umalis na si Sir sayang effort naman ako dito tas baka ulitin ko pa subj nya next sem.

Me: Hello Tin! Andyan na ba si Panot?

Other line: Wala pa, nasan ka na ba?

May kumalabit sa akin at paglingon ko inabot nung lalaki yung panyo di ko na nakita yung mukha nya kasi nakahood sya. Pinagpatuloy ko lang ang pakikipag-usap ko sa phone ng mapansin kong bat dalawa ang panyong meron ako. Akala ko ba nalaglag to kanina??? Pagtingin ko sa panyo may nakasulat...

Araw-araw akong sumasakay dito hoping na magkikita uli tayo. I know I don't deserve a second chance so in this way it's like we go back in time. I still love you. Text me 0900 143 5254.

Sign na ba to ng langit???

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

Another short story hope you like it, hope you can read my other stories. Click Vote then leave a comment :) Thank You

Going back in timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon