"CHAPTER 1"

0 0 0
                                    

Jhian's [P.O.V.]

Nandito ako ngayon sa loob ng library para sa aming project sa science wala sana akong planong gawin ito kaso baka bumagsak nanaman ang grado ko,ayaw ko na maulit yung dati.


Kase ganito yun hind naman sa bobo ako pero ayokong gumagawa ng mga school projects,assignment,hindi rin ako pala-sali sa mga contest at mga kaganapan dito sa loob ng paaralang ito.


Pero naaawa rin naman ako sa lola ko noh.kac noong bumagsak yung grado ko,nagmakaawa siya sa mga subject teachers ko na ipasa ako at ayokong nakikita ang lola ko na nagmamakaawa sa ibang tao lalo na kung dahil yun saakin.Mag-isa na nga lang akong binubuhay ni lola tapos di ko pa aayusin ang pag-aaral ko.kahit sa ganitong paraan ko na lang masusuklian ang kabutihan ng lola ko.



"madali lang naman pala ehh"sabi ko sa sarili ko nang matapos ko yung project namin sa science na makikita lang naman sa isa sa libro dito sa library.nag inat -inat pa ako bago ko iniligpit ang mga gamit ko at lumabas ng library.


Patungo naman ako ngayon sa cafeteria para mag lunch.Nang nasa harap na ako syempre binili ko yung palagi kong ino-order dito.ng naglalakad na ako papunta sa isa sa mga upuan dito nagulat nalang ako ng magsitilian ang mga kababaihan dito sa loob.syempre hindi ko na tinignan kilala ko naman na kung sino yung tinitilian nila ehh.edi sino panga ba edi si Josh Rexter Vermodez.



ako naman tong si walang pake syempre dumiretyo parin ako sa uupuan ko.pero bago paman ako uupo ehh may isang kamay na humila na sa uupuan ko sana at ng tinignan ko ito ay si Dianna gemmy Reyes pala,ang isa sa pinaka malditang babae dito sa S.R.U.,hehehe joke lang hindi naman sa may sama ako ng loob sa kaniya hah, pero maldita talaga siya kase meron naman siyang maipagmamalaki ehh.



Isa ang pamilya Reyes sa mayayamang pamilya dito sa aming lugar.kaya hindi na nakakapag taka na ganun siya.


"Excuse me,this is our spot"mataray niyang saad sakin.naka ngisi naman ang mga impakta niyang kaibigan saakin.ang sasarap sipain sa muka pero wag nalang mag eeskandalo lang ako dito,hindi naman ako iskandalosa noh. hindi ko ibababa ang standard ko para sakanila kaya aalis nalang ako."Okay" yun nalang ang nasabi ko ng umupo na sila dito.naghanap nalang ako ng ibang pwesto at may nakita ako sa may dulo malapit sa bintana.


Nang maubos ko na ang pagkain ko, pumunta na ako sa aming classroom para mag review para sa long quiz namin mamaya sa chemistry.and guess what,nandito nanaman si Dianna.oo classmate ko si Dianna pero hindi ko lang alam kung nakilala niya ako kanina sa cafeteria bilang isa sa classmate niya.pero ang alam ko hindi, kac hindi naman kami close at hindi rin naman ako masyadong kilala sa loob ng classroom namin dahil na rin siguro sa hindi ako active sa klase, palaging late at kapag late ako syempre kapang lunch nalang ako pumapasok.ayoko ring napapansin ako dahil naiirita ako.





    *........*

Medyo inaantok na ako kac naman ang damidaming emememorize dito sa chem.,"nakakapagod mag review"nababagot na saad ko.bakit kac may ganito ganito pang subject?ehh wala naman itong kinalaman sa kursong kukunin ko.huhuhu...


Malapit nang matapos ang oras ng lunch break at malapit naring sumabog ang puso ko dahil sa sobrang kaba.nag review baman ako pero kinakabahan parin ako ehh,sana lang talaga marami akong makuha.nagsisidatingan na ang mga kaklase ko at ng makaupo na sila sa kaniya-kaniya nilang upuan,kasunod nito ay ang pagdating ng subject teacher namin sa chemistry.Kaya dalidali kong itinago ang mga libro at notebook ko sa aking cubicle.


"Good Afternoon class"bati saamin ni sir Marquez."good afternoon sir balik naman ng mga kaklase ko sakaniya.ako naman ay parang wala lang hehehe..."okay, one sit apart"kumabog nanaman ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba,huhuhu...para akong tanga na nag sasign of the cross dito sa upuan ko.may narinig akong tumawa kaya hinanap ito ng aking mata at nakita ko si Dianna na nakatingin saakin at medyo natatawa."paki ko sayo" mahinang sabi ko na sapat lang na ako ang makarinig.


Natapos ang long quiz namin at nakahinga naman ako ng maluwag ng makakuha ako ng 31/40..hindi narin masama . "huh relief,hehehe"wala sa sarili na napahagikhik nalang ako ng taimtim...


Pauwi na ako ngayon sa aming bahay pero dumaan muna ako sa pamilihan upang bumili ng mga pagkain kasi nauubos na yung stock namin sa bahay ni lola Deltora.




Note:Sorry for the typo errors.hope you like!;)

ALWAYS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon