Isang payak na komunidad ang Barangay Matiwasay, ito ay nasa paanan ng isang aktibong bulkan na napakatagal na panahon naman na noong huling naglabas ng mga abo at ng mga bato.At dahil nga ito ay malapit sa bulkan ay sagana ang kalupaan dito na lubos na nakakatulong sa mga mamamayan ng nasabing barangay.Ang mga mamamayan ng komunidad na ito ay nagtutulungan at nagdadamayan sa kung ano man ang problemang kinakaharap ng bawat isang pamilya, maliit man o malaking bagay.At narito ang mga Barangay sa sumusunod na komunidad.
Ang Barangay Bagong Diwa, Barangay Matiwasay, Barangay Kanlungan, Barangay Kinabukasan at Barangay Mapayapa.
Sa mga nabanggit na barangay ay tanging Barangay Matiwasay lamang ang nag-iisang Barangay na napakalapit sa bulkan.
Ang Barangay Matiwasay ay binubuo ng mga kabahayan, mayroon ding paaralang elementarya hanggang mataas na paaralan, at ang kolehiyo naman ay nasa Barangay Mapayapa pa, na kinakailangang bumyahe ng 1 oras para makarating doon.Mayroon din ditong mga pagawaan ng mga produkto katulad ng mga pagkain at iba pang materyales sa bahay.Ang iilan sa mga mamamayan ng komunidad na ito ay umaasa lamang sa mga pagtatrabaho sa mga pabrika upang mabuhay sa araw-araw at may maiuwing pagkain sa kani-kanilang pamilya, samantalang ang karamihan naman ay umaasa sa mga pananim nila rito, dahil matataba ang mga lupain ay lagging magaganda ang ani na nakukuha nila rito at talaga namang lubos nilang ipinagpapasalamat ang bawat nakukuha nila mula sa kalikasan, at dahil doon ay nagdaraos sila ng taunang fiesta para sa mga gulay, lahat ng gulay na kanilang naaani, at iniimbitahan din nila ang iba pang karatig barangay.
Hindi madamot ang Barangay Matiwasay sa kung ano ang mga bagay na natatamasa nila at hanggad nilang walang isa mang pamilya ang magugutom sa bawat araw na dadaan.Madalas nga ay libre nalang nilang ibinibigay ang mga naaani ng samahan sa pag-aani ng mga gulay at prutas sa mga mamamayan nito.Nang sa ganon ay walang bata ang gutom na papasok sa paaral at walang isang myembro ng pamilya ang magkakasakit dahil sa kakulangan sa masustansyang pagkain.Ang Punong Barangay rin ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa pagpapa unlad ng kanilang komunidad, halimbawa ay ang pagsasagawa ng weekly feeding para sa mga bata sa elementarya, pagtulong sa mga kapos palad na pamilya na magtanim kahit wala naman silang lupang taniman at ang tanging kapalit lang ay kaunting donasyon para sa pagpapaunlad ng kanilang lugar, tulad ng simbahan at mga establisyemento sa bayan.
Sa bayan naman ay roon nagaganap ang mga malakihang bentahan ng mga produkto, una nga rito ay ang mga gulay at prutas, bigas at iba pa.Pangalawa ay ang mga kagamitan sa bahay, naroon din ang paaralan at ang simbahan.
*****
Isa sa mga pamilya ng Barangay Matiwasay ay ang pamilya ni Mang Oscar at Aling Minda, mayroon silang apat na anak na sila Lito, Louisa at Lino.Ang mag asawang Oscar at Minda at matagal nang naninirahan sa Barangay Matiwasay, mula dalaga at binate pa sila ay rito na sila naninirahan hanggang sa maging mag-asawa na ang mga ito.Ang kanilang mga magulang ay rito rin naninirahan at dito na rin namayapa.
Ang panganay na anak nila Mang Oscar at Aling Minda na si Lito ay nag aaral na sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Pang-Agrikultura sa karatig Barangay Na Barangay Mapayapa at nasa ikatlong taon na ito, isang taon nalang ang bibilangin at makakapagtapos na rin sila ng anak sa kolehiyo, araw araw ay dumadaan ito sa bayan bago umuwi pagkatapos ng klase nito upang tumulong sa kanyang nanay na nagtitinda sa palengke sa bayan, umuupa sila roon ng pwesto para kumita, ang tatay naman nila ay naiiwan sa taniman kasama ang iba pang kalalakihan upang mag ani ng mga produktong maibebenta sa bayan upang kumita.
Ang pangalawa naman nilang anak na si Louisa ay nag aaral sa mataas na paaralan ng Barangay Matiwasay, nasa ika-apat na taon na ito at magtatapos na ito sa pagdating ng abril sa susunod na taon.Sa umaga ay sya ang katulong ni Minda sa palengke, at sa pagpatak naman ng tanghali ay umaalis na si Louisa para naman pumasok sa paaralan, pang gabi kase ang oras ng kanyang pasok.
YOU ARE READING
Ang Komunidad ng Barangay Matiwasay
Short StoryMaraming pangyayari sa buhay ng tao ang hindi natin maipaliwanag, madalas pa nga ay biglaan nalang nangyayari ang isang bagay at hindi natin ito inaasahan.Hindi naman natin maaring piliin kung kailan darating ang mga pangyayari sa buhay natin na mag...