Chapter5

7 3 0
                                    

Yazellena's p.o.v.

Naalimpungatan ako ng mag ring ang phone ko nasa tabi ko lang kasi ito kaya ang lakas ng impact sa tenga ko arggghh mabibingi pa yata ako nito

Sinagot ko ang tawag without even knowing kung sino ang tumatawag

"hello" sabi ko sa kabilang linya

"hello yazellena ,good morning" bati nito sa kabilang linya ,Si ace pala ang tumatawag

"saan mo nakuha number ko?" tanong ko sa kanya

"hahaha para paraan lang yan ,by the way kamusta ka na ngayon nga pala kayo mag oopera good luck ha and I'm sure na maging successful yan dahil magaling ka" sabi niya ,ipinikit ko ang mga mata ko dahil inaantok pa ako

Mamayang 2 pm mag start ang operasyon kaya naman mahaba pa ang oras para makapag handa

"hmm salamat ,sege na at matutulog pa ako inaantok pa kasi ako ang aga mong bumati " sabi ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata

"ahhh ok 4 a.m. pa pala di ko napansin hahaha oh sege bye" sabi niya hindi na ako sumagot pa at binaba ko na ang tawag

Magpapatuloy sana ako sa aking na udlot na pag kakatulog nang di na ako makatulog hayst napa balikwas ako at napabangon busangot ang mukha ko dahil di na ako makatulog badtrip naman kasi ang alas na yun ehh kainiss

Bumangon na ako at sinout ang tsinilas ko ,sumilip ako sa bintana at nakita kong walang tao sa labas dahil madaling araw pa naman napagdesisyonan ko na maglakad lakad sa labas fresh kasi ang hangin dahil madaling araw pa

Nag suot muna ako ng jacket bago lumabas ng bahay

Nag lakad lakad lang ako sa labas ng may nakita akong paru paru ang ganda nito ang ganda ng kulay niya lumipad ito kaya sinundan ko nakarating ako sa may batis nawala na sa paningin ko ang paru paru asan na kaya yun

Napatingin ako sa batis at napamangha naman ako dahil ang linaw ng tubig at mukhang sa sobrang linis nito pwede ng inomin

Umupo ako sa tabi ng batis at napag pasyahan kong ilubog ang mga paa ko sa batis dahil ang fresh talaga nito ang ganda pa

Nang tuluyan ko nang ilubog ang mga paa ko sa tubig napapikit na lang ako dahil ang lamig nito ang sarap sa pakiramdam ,alam ko na noon pa man na may batis dito pero di ko ito pinag tuunan ng pansin sapagkat ang akala koy isang pangkaraniwang batis lamang ito ngunit nagkamali ako para itong isang batis na katulad sa fairytale ang ganda lang talga sa pakiramdam

Nagtagal ako ng isang oras sa batis dahil naaliw ako sa paligid nito gusto ko ngang maligo doon eh pero nag bago ang desisyon ko dahil siguradong mamamatay ako sa lamig pag naligo pa ako

Nang makabalik na ako sa bahay maliwanag na ang paligid at gising na rin ang mga kapit bahay ko ,wala akong ka close na kapit bahay dahil palagi naman akong nasa hospital at talagang si mica lang talaga ang close ko sa lahat

Nang nasa loob na ako sa bahay napag desisyonan kong magluto ng ulam dahil naka pag grocery naman ako nung una kaya may stock ako sa ref

Napili kong lutuin ang adobong baboy dahil madali lang itong lutuin

Pag katapos kung mag luto masyadong tahimik ang bahay kaya nag pa tugtug ako ,korean song ang ipinatugtug ko ang title nito ay Hellevator by stray kids actually itong music lang talaga ang nagustuhan ko kaya idenownload ko ito

Habang kumakain ako sumasabat rin ako sa lyrics ng kanta

" I'm on a hellevator tundun tun tun tu dun tun tun my hellevatorrrrr ohhhh" kanta ko pa ang ganda talaga ng music na yun I love it

Mated To A Dangerous Vampire PrinceWhere stories live. Discover now