Umiibig Na Kaya?

5 0 0
                                    

Ako'y nagdadalawang isip sa tuwina
Di ka maalis sa aking pagsinta
Lubos akong nagagalak kapag makita ka
Dahil nais kang mahagkan at makasama

Ano nga ba itong aking nadarama
Totoo ba itong aking ligaya
Bakit kaya ako laging nagdarasal ng sana
Ako kaya'y umiibig na?

Kapag kapiling ka o ang saya
Pag wala ka'y kung anong luha
Parang paro-parong uhaw sa pagsinta
Tulad ng saliw ng awitin na wala sa nota

Ano nga ba itong aking nadarama
Nababaliw sa iyong dambana
Napatanong ako minsan ng ako'y nag-iisa
Ako kaya'y umiibig na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Umiibig Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon