Isa akong anghel.. Tahimik lang akong namumuhay sa kaharian ng Diyos.. Minsan lang ako magkaroon ng misyon kaya naman madalas lang akong nandito sa hardin.. mag isa.. habang ang lahat ng iba pang anghel ay masaya at abalang ginagawa ang misyon nila.
"Ano kayang pakiramdam na lagi kang may ginagawa? Na lagi kang busy sa paggawa ng misyon mo? Sana lahat may ginagawa.." sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mansanas.
"Aristhea, Tawag ka ng pinuno." Sabi sa akin ng ikalawang pinuno ng mga anghel.
Agad akong tumayo at lumipad papunta sa 'Gintong Kastilyo'. Dito nagpupulong ang pinakamataas na anghel. Ang mga anghel na may pinakamatataas na katungkulan.
"Bakit kaya ako pinapunta ng pinuno doon? Isa lamang naman akong ordinaryong anghel.. di gaya nila."
Narating ko na ang napakalaki at gintong tarangkahan ng 'Gintong Kastilyo'. Napakataas ng kastilyong ito at hindi mo matanaw ang dulo. Kumikinang ito sa sobrang daming ginto. Manghang mangha ako sa aking nakita. Agad naman akong sinalubong ng kawal na anghel at agad na dinala sa kwarto ng pinuno.
Nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto.
"Hayan na po Binibing Aristhea." Binuksan nya ang pinto para sakin.
"Maraming salamat."
Kinabahan ako nang makita ang pinunong si Jose. Baka may kung anong bagay na masama ang aking nagawa at ipadala ako sa lupa upang magbago.
"Aristhea.." sabi ng pinuno gamit ang kanyang malalim na boses.
"A-ano po iyon pinunong Jose?" Kinakabahan kong sabi.
"Ipapadala kita sa lupa."
Ano?! Sabi ko na nga ba may nagawa akong maliiiiii!
"B-bakit po?!"
"Mayroon kang misyon."
Nangilid ang luha ko ng marining ang sinabi ng pinuno. May misyon na ako!^_^
"Ano pong misyon iyon pinuno?" Nakangiti kong sabi ^_^ "Gagawin ko po kahit ano"
"Kailangan mong tulungan si Jordan Lualhati, isang taga lupa."
Nabigla ako sa sinabi ng pinuno. Taga-lupa?!
"P-pupunta po ako sa lupa? Upang tumulong sa taga-lupa?"
"Isa itong mahalagang misyon Aristhea. Nakararanas si Jordan ngayon ng depresyon."
Pinakita sakin ng pinuno sa pamamagitan ng malaking bolang crystal ang nangyayari kay Jordan.
"Ilang beses na syang nabigo sa pag-ibig.. Alam ng Diyos na marami pa siyang pangarap aa buhay. At ngayong araw na ito, nagbabalak na siyang kitilin ang kanyang buhay. Ayaw ng Diyos ng ganon dahil magiging malaking parte siya sa samahan ng nga anghel."
"Opo. Naiintindihan ko po pinuno."
"Mabuti kung ganon."
Ngumiti sakin ang pinuno at walang sabi sabing nahulog ako sa lupa.