Prolouge

13 0 0
                                    


JAXSON'S POV

' Jaxson come on! Madaling madali na lang sayo ang pagkuha sa babae'
'Nique i told you, i'm not in the mood. And not here! Madaming teachers' inis na sagot ni Jaxson sa kanyang kaibigan. Samantalang ang mga ito at nagtatawanan at may sariling mundo.
'Baka humihina na si JunJun kaya ayaw mo na ah HAHAHAHA' sabat nung isa nilang barkada. Walang nagawa si Jaxson kundi ang umirap na lang sa mga sinasabi ng tropa. Tanghaling tapat na at di pa rin tapos ang programa sa school. Palipat lipat ang matatamlay niyang mata at malalalim ang kanyang paghinga. Pansin mong inis na siya at naghihintay na lang ng uwian. Naka upo lamang si Jaxson at sinisilip kung kelan bubuksan ang gate ng kanilang school. Lahat sila ay anduduon lamang, ni kahit anong pilit ay di sila makakauwi hanggat di natatapos ang programa.
'Just open the fucking gates tsk' bulong nito sa sarili habang nangiingay ang lahat.

'Last but not the Least! We are going to witness a Dance HipHop presentation prepared by Sophomores! Let's give them a round of applause.'

Umayos ang upo ni Jaxson at naging interesado sa sinabi ng guro. HipHop huh? Ang Isip nito at natatawa lamang. Minamaliit niya ang kakayanan ng mga batang ito. 'Nique it's really true kids are really ambitious HAHA' tawa nito at bumalik na ang mata sa panonood. Nakangisi ito at handa ng pagtawanan ang mga estudyante sa kanilang inihandang sayaw. Di niya mapigilan ang ngumiti dahil di siya makapaniwalang ganun kalakas ang loob ng mga ito para magperform sa harap ng madaming tao. Naiisip niya agad ang mga galaw at kilos nito, naiisip niyang matitigas ang katawan at jejemon kung pumorma ang mga ito. Hindi nagtagal lumabas na ang mga performers

Napawi ang kanyang ngiti ng napagtanto niyang, lahat ng kanyang inisip ay mali. Magaganda ang suot nitong damit, at di mukhang mga Sophomores ang dahang dahang naglalakad sa harap. Mas naging alerto ang binata sa mga sumunod sa pangyayarai. Di niya inakalang kaya itong sayawin ng mga tinatawag niyang 'bata'

Nang malapit na ang breakdance, intense na ito at naghihintay ng nakakabiglang pangyayari. Lumabas ang isang babaeng nakamaskara at mata lamang ang nakikita dito. Di niya alam kung anong meron ngunit nanlamig ang kanyang kamay at sabay siyang yumuko. Sumabay ang hiyaw ng mga tao at puri sa babaeng ito. Tumingin siyang muli at napagtantong bago ang estudyanteng ito. Bawat galaw ng dalaga ay tugma sa lahat ng beat at ang mga pitik ay magandang tignan, natural ang pagkilos nito at di ito mahirap makita. Patapos na ang tugtug at unti-unting tumatayo ang balahibo ni Jaxson.

'Nakikita mo yun pre? Liligawan ko yun'
Nagpantig ang tenga niya sa narinig, at lumingon kung saan nanggaling ito, nang matanaw niya ang lalaki at agad niya itong nilapitan at tinignan ulo hanggang paa. 'Disgusting umalis ka nga rito!'
Nang makabalik na ang binata saktong natapos ang pagsasayaw ng dalaga at hindi niya na naabutan ang mga nangyari.
Mainit ang panahon ngunit di maalis sa isip niya kung paano nanlamig ang kanyang kamay habang nakikita ang babae na sumasayaw. Bawat kilos ay paulit ulit na naglalaro sa kanyang isipan. Tumayo rin ang kanyang balahibo. Bibihira itong maramdaman ni Jaxson.

'TOL! HUY KANINA KA PA TUTULA ANO TARA NA?'

Tumango lamang ito at sumama na sa mga kaibigan. Nagpunta sila sa saing cafe, tambayan nila iyon at kadalasang duon sila nakakauha ng chix. Umirap si Jaxson ng makita kung ano ang gustong gawin ng kanyang tropa. Kanina pa siya halos hindi umiimik at nakikisang ayon kang sa sinasabi ng bawat isa.

'So Nique ikaw na ang bahala kay Karina ah?'
'Wala pang isang linggo mapapasagot ko na yun' pag yayabang ni Nique sa kanila
'So Jax ano na? Still in?? Sayang maganda pa naman si Bea!' Pagpupumilit ni Diann sa kanya
' SI JAX PA BA?? OO YAN! HAHAHAH'

Dahil sa inis, tumayo siya at saktong aalis, he's frustrated that he miss out everything, di niya rin alam ang pangalan ng babaeng sumayaw kanina. Nakikisabay pa ang kanyang tropa sa inis. Di siya mapakali dahil di matanggal ang imahe ng dalaga sa kanyang isipan lalo na ang nga mata neto.

'Sa inyo na si Bea, i have my new target'

Sabay lakad papaalis.

'Who are you miss Sophomore?
Bulong sa kanyang sarili at tuluyan ng lumabas ng cafe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When She CameWhere stories live. Discover now