Bumalik ang mga ala ala,
"Mahal kita" ngumiti ka sakin,
Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya,
Yinakap kita,
"Mahal din kita" sagot ko,
Parehas tayong nakangiti habang sumusulat ka ng kanta,
Pangarap mo kasing maging isang sikat na artist,
"Alam mo pag ako sumikat ikaw ang kauna unahang audience ko" nakangiti mong saad,
Tumango ako at tinignan kita,
"Pangako yan ah.." Paninigurado ko,
"oo nga" sabay kindat,
Humagikgik ako, para akong teen age girl na kinikilig,
....
"Sino yung babaeng kasama mo?"tanong ko sayo,
Umiwas ka ng tingin,
"Hanbin!" Maluha luha kong tawag sayo,
Umiling iling kalang "wala.. Wala.."
"Anong wala? Sino yun!" Tanong ko ulit pero umiiyak na,
"Ang kulit mo! Sabi ng wala eh!" Tumaas ang boses mo na ikinagulat ko,
Parang frustrated ka, pero hindi ako tumigil kaka sigaw sayo,
Hanggang sa isang araw nakita ko ulit kayo mag kasama,
Hindi ko alam kung anong gagawin ko parang binibiyak yung puso, gusto ko kayong sugurin pero hindi ako maka galaw,
Sinubukan kong kumalma pero niyakap mo sya,
At muka kang masaya,
Tuluyan na akong bumagsak, yumuko ako at hinayaang tumulo lahat ng luha ko,
Ilang minuto rin akong umiyak bago tumayo at umalis,
Wala na kayo pag tingin ko, pero yung hapdi nandun pa rin,
Ilang linggo mo kong hindi kinausap,
Umaasa ako na tatawag ka ulit,
Hinintay kita, pero hindi ka na bumalik sakin,
Pumunta ako sa inyo para kamustahin ka, pero nakita kong may dala kang maleta,
Nagulat ka ng makita mo ako,
May kung anong gumuhit sa puso ko, nahihirapan akong huminga,
Ang dami kong gustong sabihin pero ayaw bumuka ng bibig ko,
Umiwas ka ng tingin at nilagpasan mo ako,
Naiwan akong naka tanga doon, pinipilit kong intindihin lahat ng nangyayari,
Tumulo ang mga luha ko,
Sobrang sakit,
Tinignan kita habang lumalayo,
Hindi ko kaya,
Kusang gumalaw ang mga paa ko at hinabol kita,
"Hanbin!"
Siguro nga tapos na tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/192352799-288-k939819.jpg)
BINABASA MO ANG
『take care』➳kim hanbin
Fanfiction❝take care❞ ➣tagalog Take care, don't be sick, make sure to eat well Dedicated to all ikonic♡