•AMETHYST Point Of View•
“So mga bata, ang activity natin sa araw na ito ay gagawan tayo ng love letter. Para sa taong napupusuan mo. Pero ang twist, Hindi mo ilalagay ang pangalan ng taong tinutukoy mo. Gumamit nalang kayo ng code name para sa taong iyon at code name nyo rin. Pagkatapos nyong isulat ang liham nyo ilagay nyo sa kahon na ito. At kung ano ang mabunot ko, yun ang babasahin ko sa harapan.”
Napangiti ako dahil sa excitement. Ito na! Ito na ang pag-asa Kong sabihin ang lahat! Hindi man nya alam na sya ang tinutukoy ko, atleast masabi ko na. Atsaka Hindi naman nya alam na sakin galing yun e. HAHAHAHA
Napatingin na lamang ako Kay Tristan. Ganoon na lamang ang gulat ko ng Makitang nakatingin din sya sakin. Napabawi tuloy ako ng tingin ng wala sa oras.
Kinikilig na ngiti ang pinakawalan ko ng yumuko ako. Pano ba naman? Nakatingin sakin si Crush! Shemayy!!
Hmm.... Ano kayang magandang code name para sa kanya. Ayaw ko ng masyadong sweet.... Kung kupal na lang kaya? Yes! Kupal na lang!
Malaking ngiti ang nakapaskil sa labi ko at bumuntong hininga ng malakas. This is it!
Tumayo ako para ilagay ang love letter doon sa loob ng kahon.
***
Marami ng nabasa ng liham si Ma'am pero ni isa doon ay wala pa ang akin. Nakakainis naman e.
“Ang sunod na liham ay galing Kay Ms.Eyebags. hmm.. Sino kayang Ms.Eyebags ito?”
Hindi ko alam pero nakatingin silang lahat sakin.
“B-bakit?”
“Ano ba naman yan Ame... Gagawa ka na lang ng code name yung halatang ikaw pa.”
Napasimangot ako. Sorry naman. Hindi ko alam na kilala pala ako sa tawag na Ms.Eyebags dahil sa Eyebags ko. Lagi kasi akong nagpupuyat kaya halos araw-araw nagkaka-eyebags ako.
“So ito na ang liham mula Kay Ms.Eyebags.
Dear Kupal,Alam mo bang crush na crush kita? Ang sarap lang kantahin Ang Classmate ng Hambog ng Sagro crew dahil unang araw pa lang minahal na kita! Boom! Wahahahaha echo's lang Pero seriously, totoo talaga yun e. Nakakafall kasi yang ngiti mo kahit na ang sungit sungit mo! Mas masungit ka pa yata sa babaeng may dalaw e. Tuwing kinakausap kita, nakayuko ka lang. Ayaw mo bang makita ang maganda Kong mukha? Choosy mo ah. Tuwing May activity at tayo lagi ang magkapartner, kung makalayo ka sakin para namang may ketong ako, ayaw mo bang makadikit sakin? Pangarap ko pa naman yun! Pero no worries, crush na crush pa din kita kahit ganun ka! At kasama ka sa wish ko para sa pasko! Gusto Kong mapalapit sayo!! Wahhh! Naeexcite ako!
advance anniversary Love, Chos Hahaha!
Mula sa pinaka maganda mong future wife, Ms.Eyebags.”
Natahimik ang lahat, at Maya-maya pa'y nagkantyawan na. Syempre yung mga kaibigan ko ang nangunguna na para bang may pinariringgan.
“Kupal daw oh! Tristan oh!”
Shit!
“Hmm.. Masyadong advance mag-isip Ms.Eyebags.”
Ayan na. Wala na. Alam na niya. Ang hirap talaga kapag alam ng mga kaibigan mo ang pangalan ng crush mo. Aasarin ka talaga.
“Well, ito na ang sunod.. Liham mula Kay... Kupal? Wait.. Is this the same person from Ms.Eyebags Letter?”
Kinabahan naman ako don. Kasi Kong Oo, edi kay Tristan iyon. Napatingin ulit ako Kay Tristan na nakangisi ng nakatingin sakin.
“Dear Beloved,
Gusto Kong araw-araw Kong masilayan ang maganda mong mukha. Marinig ko lang ang Malakas at maingay mong boses ay buo na ang araw ko. Nilalayuan kita kasi kinakabahan ang every time na malapit ka. Nakayuko ako habang kinakausap mo dahil ayokong makita mo ang namumula Kong mukha. Nakakahiya kasi. Ako yung lalaki pero ako pa yung kilig na kilig.
Crush na crush din naman kita e.
Kaya...
Crush... I love you! And I know that our feeling is mutual. Sa gwapo ko ba namang ito? Malabong Hindi ka ma-fall.
Mula sa lalaking nagmula sa 1892, Kupal.”
And with that, Walang katapusang asaran ang naganap. Habang kami ni Tristan ay nakatingin lang isa't-isa. Feeling ko namula ang mukha ko ng sabihan nya ako ng 'I Love You' sabay kindat.
Sheeeetttt!! pwede na akong mamatayyyy!!!
**
“Hoyyy! AMETHYST HANJE GONZALES! Bumangon ka na diyan!!”
Napabalikwas ako dahil sa Pag sigaw ng malakas ni Hyacinth. She's my cousin.
Like what the Fuck?! Panaginip lang lahat ng yon??!
NOOOOOOOO!!!
*•*•*•*•*
Authors|Note
HAHAHAHA PANAGINIP LANG PALA?? AWSHAKIT NUN! HAHAHAHA
KAILAN KAYA MAGKIKITA SINA AMETHYST AT DRAKE?
ABANGAN NYO NA LANG PO SA NEXT UD KO,.THANK YOU
@Len Writes