When Ai met Yu

473 13 22
                                    

WARNING:

Hindi nakakakilig ang storyang to. It's just an out of the blue story actually. But yeah. Cliche for you people. XD

Wala pa rin ata ako sa mood magsulat ng mga nakakakilig na story... masyadong pa akong sawi LOL anyways! Sana basahin niyo kahit nakakatamad. :))

xxNAMI

------------------

When Ai met Yu

(c) ARR 92612

Twenty four years. Ganun na kong katagal nabubuhay sa mundong to. But mind you, it was not the usual twenty four years that a normal girl would live. I can't say na ako lang ang nakaranas ng ganung klaseng lifestyle kasi syempre, sa dinami-dami ng tao sa mundo, wala pa ni isang porsyento ang kilala ko. So hindi ko alam kung sino-sino pa ang nakaranas ng naranasan ko.

It wasn't that unusual really. Pero para sakin, unusual na yun. Alam kong hindi na bago ang arranged marriage. At lalong hindi na rin bago ang pinagkasundo na kayo bago pa man kayo pinanganak. Wala akong lahing Chinese or any other for that matter. But yeah, guess ganun talaga ang way of thinking ng magbest-friend.

Yup, you heard it right. My mom, Elenita Perez and her bestfriend Marieta Lorenzo decided na ang mga anak nila ang magiging mag-asawa. Syempre hindi na rin bago sa pandinig niyo ang pinagkasundo ng parents ang mga anak before pa sila ipanganak and even before they were conceived. Pero ganon talaga eh. Walang tanong-tanong, walang ibang pwedeng magbago ng plano sa plano ng mga magulang namin.

Pero yung totoo? Matuturuan ba talaga nila kami na mahalin ang taong ipinipilit nila sa amin? I mean, sige, let's say he or she have what it takes for a guy or a girl to fall in love with him or her, pero kung hindi mo talaga gusto, kung hindi mo talaga mahal, kahit pa anong perfect niya sa paningin ng ibang tao, hindi pa rin siya magiging perfect para sayo.

Alam nyo yung ganung feeling? Na bago ka pa man mabuhay sa mundong to, may nakaplano na agad sayo. Wala kang choice mamili. Kasi nga nakatali ka na sa isang taong hindi mo alam kung magugustuhan mo or magugustuhan ka, sa isang taong ni sa panaginip hindi mo pa nakikita.

Yup. Engaged ako sa isang taong hindi ko pa nakikita.

The reason? Tita Yet and her family migrated sa Australia months after her baby was born. At tulad ng inasahan nila ni mommy, lalaki ang anak ni Tita Yet at babae naman ang kay mommy. We were born just months away from each other. Well, base lang yun sa kwento nila. Mas matanda ng ilang months sakin ang anak ni Tita Yet.

At ngayon nga. Twenty four na ako pero wala pa ring Yuji Lorenzo na nagpapakita sakin. Ni anino niya hindi ko pa nakikita, ni boses niya di ko pa naririnig. Anong klase naman kayang engagement to? Wala man lang akong alam tungkol sa fiance ko!

And worse, our marriage was set a month and a half from now. Kaya nga eto ako sa bestfriend kong si Miriam at nagpapasukat ng gown ko. Nagpatayo kasi siya ng botique na tumatanggap ng custom-made gowns and dresses. Kaya syempre saan pa ba ako magpapatahi di ba?

"Lyn, okay na ba to sayo?" sabi ni Miriam habang pinapakita sakin ang mga sketches ng gown na ginawa niya. Hindi naman ako papayag na hindi kakaiba ang gown ko no. Kahit pa labag sa loob ko ang pagpapakasal, ano pa bang magagawa ko? Edi magpaganda na lang.

Tinignan ko yung huling design na ginawa niya para sakin at sa wakas! As in sa wakas, nakita ko na rin ang gown na gusto ko. It was a closed neck type. From the neck down to the chest, lace ang material. It has an embroidered bodice and is fitted hanggang sa hips then loose na from the hips down. It was perfect! Just the way I like my wedding gown to be.

Nami Shares..... (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon