Back at One

221 7 3
                                    

Back at One

(c) ARR 102512 

“The most unexpected person in such an unexpected place.” yun ang nasabi ko sa sarili ko.

Sinong mag-aakala na sa lahat ng lugar at pagkakataon, dito pa magtatagpo ang landas namin sa may LRT station kung kailan rush hour na dahil uwian na ang mga tao?

For almost a month, ngayon ko lang uli siya nakita. Nasabi ko na dati na sa sarili ko na siguro hindi na talaga uli kami magkikita pa, na siguro sadyang nakatakda na talagang maglayo ang mga landas namin. Pero ngayong abot tanaw lang siya at unti-unting palapit na sa kinatatayuan ko, nagdududa ako kung talaga bang nakatadhana kaming magkahiwalay.

Hindi ko alintana ang pagbuhos ng ulan, kung basa na ako o kung magkasakit man ako pagkatapos nito. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari. Nasa harap ko na ang taong ilang linggo kong ninais makita, at ngayong nasa harapan ko na siya, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon ko na masilayan ang mukhang ilang araw at gabi rin laging sumasagi sa isipan ko.

Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ko sa payong habang unti-unti ring lumiliit ang distansiya sa pagitan namin ng lalaking hindi lang iisang bes na dinurog ang puso ko. Pero kahit magkagayon, hindi ko pa rin maalis sa sistema ko ang hanap-hanapin ang presensiya niya.

Nang matigilan siya, isang gilalas na mukha ang nabistahan ko nang makita niya ako. Parang dinurog ang puso ko sa nakitang reaksiyon na nagmula sa kaniya. Para bang ako pa ang may malaking kasalanan kaya hindi niya matagalan na masilayan ako ni isang segundo. Sa akin pa ba niya ibubunton ang kinahinatnan ng naging relasyon naming dalawa?

Agad ding nawala ang hindi maipintang mukha niya at napalitan ng isang ekpresiyon na hindi ko mapagkakamalan na iba pang emosiyon kundi galit. Siya pa ba ang may karapatan na maramdaman ang ganoon gayong ako itong naagrabiyado? Sa lahat ng ginawa niya sakin ako pa ang palalabasin niyang may kagagawan ng lahat?

Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng pangbabalewalang ginawa niya sakin, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Alam ko ng mali, alam kong dapat ko ng itigil, pero paano? Gayong sa loob ng tatlong linggo at dalawang araw na hindi namin pagkikita, walang ibang laman ang isip ko kundi siya. At ngayong nagkrus muli ang landas namin, imbis na galit ang maramdaman ko, labis na kalungkutan at pangungulila pa ang nadama ko. Masyado na ba talagang tanga ang puso ko na pati ang lohikal na parte ng pagkatao ko ay hindi magawang sumalungat sa mga idinidikta nito?

Matapos marahil ng ilang minuto, parang wala itong nakita at dinaanan lang ako. Natigilan ako sa pagtrato niya sakin na mas malamig pa sa kaysa sa ihip ng hangin na dala ng ulan. Talaga bang tuluyan na niya akong kinalimutan?

Para akong nanlambot dahil sa pangyayaring yon kaya nabitawan ko ang payong ko at napaupo sa semento. Hindi ko pansin kung pinagtitinginan man ako. Naririnig ko ang mga nag-aalalang tao na lumalapit sakin at tinatanong kung ayos lang ako pero hindi ko sila magawang sagutin. Masyado pang masakit ang kirot na dulot ng pagkikita naming ito. Mas masakit pa kaysa sa mga nakaraang sugat na siya rin ang may gawa.

“Are you stupid? Bakit ka lumupagi sa kalsada? Wala ka na ba talaga sa sarili mo ha Cassandra?!” panimulang sermon sakin ng kuya kong si Tristan nang makarating kami sa bahay matapos niya akong sunduin sa Metro Point kung saan ako dinala nang mga taong nagmalasakit na tulungan ako.

Alam kong nasa kotse pa lang, gusto na akong singhalan ni kuya pero hindi niya ginawa. Sigurado ako na nag-aalala itong baka madisgrasya pa sila kapag nagsimula itong magsermon at mawala ang focus sa kalsada.

Nagpabalik-balik ito ng lakad sa harapan ko. Nang siguro ay medyo makalma ang sarili ay nagtuloy ito sa panenermon sakin, “If you aren’t done playing those silly games of yours my little sister, hindi kita pipigilan. But please be a little more discreet. Hindi yung nasa gitna ka ng isang busy crowd kung saan nagkalat ang mga masasamang loob eh doon mo pa pipiliin na gumawa ng eksena!”

Nami Shares..... (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon