SCREEN AWAY(almost a love story)

17 4 3
                                    

-shortstory-

Si Lein Ang Pinakamamahal kong girlfriend mag 3 years na kami next month

Sa 3 years nayan never pa kaming nagkita in person, you know what i mean? LDR kami and tanging social media lang ang way para makapag usap at makita ko sya ,yun nga lang may screen na nakaharang, gustong gusto ko na syang makita pero dahil sobrang layo at busy kami pareho hindi namin magawang mag meet up.

Sabi nila LDR hindi yan nagtatagal, pero bakit kami oo?

Nasa inyo narin siguro kung paano nyo i-handle ng ganitong relationship.
Kailangan dito yung taong marunong makontento kahit may isang bagay na nakakasagabal sainyo.
Sabihin na nating magkalapit nga kayo yung ganito ka close •• pero halos kilo-kilometro ang klase ng pagmamahalan nyo, gets??

Mahal na mahal ko si Lein ayaw ko syang mawala sakin, kahit gaano kalayo kami sa isat isa kaya kong ibigay sa kanya ang pagmamahal na higit pa sa inaasahan nya.

Lein Cruz •Active Now

Ayan active na sya, halos 1week ko syang di nakausap gawa ng busy sya sa school kasali kasi sya sa Musical nila
Sobrang talented ng girlfriend ko nho!

Lein Cruz•

Hi Love,Good evening Miss na miss na kita sobra,sorry super busy kasi ako.kaya di ako nakakatawag at chat man lang sayo

Gustong Gusto ko syang yakapin ng mahigpit, kaso paano??

Andrew Pimentel•

Imissyou<3 Love, ok lang sakin kahit di ka makapagchat alam ko naman ang dahilan, mahal na mahal kita<3

Naiiyak ako di ko alam kung bakit, siguro miss na miss ko lang talaga sya,

Kunware ok lang saakin na di sya makapagchat for a week or just a days,pero sa loob loob ko hindi talaga ok ksi di mawala saakin ang pag aalala pero wala naman akong magagawa pumasok ako sa ganitong sitwasyon at dapat ko tong panindigan

Lein is Requesting a Video Call....

Pinunasan ko ang luhang pumapatak saaking mata, bago ko sagutin ang tawag nya.

Unti unti ko nang naaninag ang mukha nya mula sa screen ng computer, gusto ko syang halikan pero yung mababasaging screen ang makakatikim ng halik ko hindi sya.

"Hi Love, Oh bat parang galing ka sa iyak?" Tanong nya saakin

halata ba??

"Ah, napuwing lang ako kanina Love,Kamusta kana?? Iniingatan mo ba sarili mo??" Mangiyak ngiyak kong tanong

"Yun nga eh, Di ako nakapasok kanina, kasi nilagnat ako, di ko alam kung bakit ako biglaang nilagnat, pero dont worry ok nanaman ako" ani nya

"Sorry love kung di kita maalagaan,mabantayan ang layo ko kase,pero kahit wala ako jan alagaan mo sarili mo pahinga ka din minsan" wika ko habang nakatingin lang sakanya

Isang simpleng bagay pero di ko magawa,ito ay ang makita sya,makasama at alagaan sa bawat araw na kailangan nya

"Love, wag kana mag alala sakin ok nako,tsaka malapit na naman tayong maka graduate,intay intay lang magkikita na tayo"
Sa bawat salitang binibitawan nya ay nagkakaroon ako ng pag asa, pag asa na sanay maging makatotohanan

---------

Matapos nang pag uusap namin, minabuting magpahinga na muna ako, medyo pagod din ako at inaatake na naman ng Hika, kaya agad kong kinuha ang luma kong inhaler para makahinga kahit papaano.

Hindi alam ni Lein na may hika ako kase di ko naman sinasabi, simple lang naman to,kaya di ko nalang ipinaalam.

------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Screen Away(almost a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon