THHA*2

29 1 0
                                    

4 years ago...

ANG BOORRRRIIIINnGGG sa bahay..

Yayain ko kaya si Babe sa mall?? Good Idea!

Calling Babe...

[Hello Babe! Goodmorning Po!] sagot niya nung sinagot niya yung tawag ko. Kahit kailan napakahyper niya. Kaya mahal na mahal ko yan.

'Goodmorning din Babe!'

[Bakit ka pala napatawag?]

'Hahaha nothing Babe i just miss you.Hmm...?'

[Haha! Ang sweet talaga ng Babe ko! Ilang oras palang tayong di nagkikita!] Hahaha.. Oo ilang oras palang kami nagkikita dahil pumunta siya dito para makapagbonding kami. Ilang araw kaming walang bonding eh! X)

'Babe. Pasyal tayo sa mall? Pleasee?'

[Ayh! Sorry Babe di ako makakasama eh]

'Sige na Babe.. Please?"

[Im sorry talaga Babe. May importanteng lakad ako eh. Hope you understand]

'Mas importante pa ba yan kesa sa akin?!' i burst out may anger.

[But Babe,importante talaga eh,kas --] pinutol ko na yung sasabihin niya. Baka mamaya kung ano pang masabi ko at lumala pa to.

'Okay ! Fine! Hindi na kita pipilitin!" Sigaw ko. Naiinis talaga ako. Bawal bang ako muna ang unahin niya bago iba?!

[Pe ---]

I click the End Call at nagbihis na. Ako nalang mag-isa ang aalis.

++++++

--Mall

Like i said ako lang ang mag-isa ang pumunta sa mall. Wala namn si Baby Jaima kasi kasama siya ng mga parents ko.

Napagod ako sa paglilibot kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa isang mamahaling restaurant.

Nakaorder na ako at pumunta ako sa Bandang likod para wala masyadong makapansin sa akin.

Pero bago ako makaupo may napansin akong babae na parang si Mitch (Babe). Di ko masyadong maaninag yung mukha kasi nakatalikod siya. Meron siyang kasamang isang lalaki.

Umupo ako malapit sa kanila Pero  sa hindi nila mapapansin. Nakita ko yung mukha ng babae

Siya nga...

Si Mitch.

May kasamang ibang lalaki at bakas sa mukha niyang masaya talaga siya. Kaya ba hindi siya nakasama sa akin dahil may iba siyang kasamang lalaki?

Napatigil ako sa pagtingin sa kanya.  Dumating yung inorder ko. Parang nawalan ako ng gana.. Bago umalis yung waiter tinanong ko muna siya.

"Kanina pa ba sila dito?" tanong ko sa waiter.

"Kakadating lang din po nila sir. Ang sweet nila no?" nainis naman ako sa sinabi nung waiter kaya pinaalis ko na siya.

Pinilit king kumain para di nila ako mahalata.

T*angi*a. Siya ba yung importanteng tao na ipinagpalit niya sa akin?Kaya di niya ako nasamahan dito dahil makikipagkita siya sa lalaking yon?!

Nakita ko pang hinalikan niya yung lalaki sa pisngi!

May kulang pa ba sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Mas gusto niya ba yung lalaking yon kesa sa akin?

Pinipigilang kong umiyak dahil nakakabakla yung ganon.

Tuwing nasilip ako sa kanilang dalawa, ang saya-saya niya kahit walang ginagawa yung lalaki natawa pa rin siya. Bakit? Hindi ko ba nagagawa yon sa kaniya?

Damn it! Akala ko ako lang ang mahal niya?! Tapos di ko alam sa loob ng ilang taon na pagsasama namin ginagago niya lang ako?!

Di ko na mapigilan yung mga Walang Kwentang Luha ko kaya tinawag ko na agad yung waiter at nagbayad na..

Umuwi naako sa bahay at kinuha ko yung alak. Kailangan kong makalimutan to' pero sh¡t lalo ko silang naalala.

Ang sakit eh. ang sakit dito sa bandang dibdib ko. Bakit ganito? Para akong namatayan ng mahal sa buhay. Kaya ko namang ibigay lahat ng gusto niya. Kaya kong bilhin lahat ng hingin niya! Kahit Ano! Nagpromise pa kami sa isa't isa na kami lang talaga! Pero Ano?!

Umiiyak na ako dito. Nung medyo natamaan na ako tinawagan ko  siya. Ewan ko pero parang nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yon

*riing* *riing* *riing* *riing*

T*angi*a ang tagal sagutin. Ngayon niya lang ginawa to sakin.. Mas mahalaga ba talaga yung lalaking yon?!

[Hello Babe!]  napakasigla niya pa din kahit na niloloko niya na ako. Akala ko iba siya. Great Pretender. D*amn.

'Hello. Pumunta ka dito. Ngayon din'

[Pero Babe, gabi na ahh? May problema ba?]

'Just be here in 15 minutes'

After 15 minutes dumating na siya.

"Babe! Bakit ka naglasing? Alam mo namang mahina ka sa alak!" pinapakita niyang may care pa rin siya para sa akin? Bat ganon siya?!

"Wala kang pake!"

"I'm your girlfriend! May pake ako sayo!"

"Sino yung kasama mong lalaki sa Mall?!"

"Babe ! Si --" pinutol ko ang sasabihin niya. Para kasing di ko kayang marinig na may ipinalit na siya sa akin!

"Pagkatapos mo akong lokohin?! Akala ko iba ka sa ibang babae!  Sabi mo ako lang ang mahal mo pero pinagpalit mo ako! Kaya ko namang ibigay lahat sayo ahh! Bakit?! Mas gusto mo ba yung walanghiyang lalakeng yon kesa sa akin?!" i shouted and i throw away all the bottle of beer i see.

"Makinig ka muna kasi! Para magkaayos tayo!"  sigaw din niya.

Lumingon ako sa kanya. Nakatayo lang siya at nakatingon sa akin. Mayroon siyang sugat sa braso niya. Bigla akong nanghina gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nauunahan ako ng inis ko.

"Wala ng TAYO Mitch. Wala!"

--------------

3rd Person PoV

Lumabas si Stephen at agad agad pinaharurot ang sasakyan niya. Hindi naman nagpatinag si Mitch kahit na namamanhid ang kanyang braso dahil sa laki ng sugat niya dito.

Kinuha niya agad ang susi ng kotse niya at minaneho ito. Hinahabol niya ngayon ang kotse ni Stephen dahil desedido itong magpaliwanag sa maling intepritasyon ng kanyang kasintahan.

Napansin naman ito ni Stephen kaya naman lalo niya itong binilisan. Iniisip niya na lolokohin lang muli siya ng kanyang kasintahan at ayaw niya nang magpakatanga dito.

Umabot sila sa crossing. Patuloy pa rin ang pagharurot ng sasakyan ni Stephen kahit na nakaberdeng ilaw. Mabuti na lamang at walang nadaang sasakyan dito.

Ganun din ang ginawa ni Mitch ngunit biglang may padadating na Truck at hindi nagdilim ang kanyang paningin.

Lumingon sa side mirror si Stephen at nakitang hindi na nasunod si Mitch. Nalungkot siya non. Ang akala niya'y susundan siya ni Mitch at susuyuin ngunit mali siya. Lalo niyang inisip na hindi na talaga siya mahal ng kanyang  dating kasintahan.

Nakarating siya sa lugar ng kanyang kaibigan na si Jericho at niyatang magpakalasing.

Makalipas ang ilang araw wala nang balita si Stephen kay Mitch ngunit ang alam niya lang ay tumungo na ito papuntang ibang bansa.

Pumunta din siya sa Hollywood upang makalimot sa sakit na kanyang naramdaman sa Pilipinas.

"Babalik ako, kapag alam kong wala na akong nararamdaman pa sayo."

--------

Ok ba?! Hahaa vote and comment naman !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taking Her Heart AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon