Mas kalmado na ko ngayon. Pero gusto ko lang talaga maglabas ng hinanakit ko. :'(
Isa sa dahilan kung bakit ko pinasok ang mundo ng EXO-L ay dahil kay Luhan. First ever UB ko siya tapos naging si Baekhyun, tapos balik kay Luhan then kay Tao naman tapos kay Sehun na.
Pero nang ma-discover ko ang OTP world, hindi ko na alam kung sino na ba talaga ang UB ko, kung si Luhan ba o Sehun. Then I decided, HunHan ang Ultimate Bias ko sa EXO.
Nagpapasalamat ako at kung hindi dahil kay Luhan, hindi ko mamahalin ng ganto ang EXO. Siya ang puno't dulo ng lahat ng kahibangan ko sa EXO.
Hinanakit ko sa SM Entertainment, malaki. Pero since di ko talaga alam lahat-lahat ng nangyari, mananahimik na lang muna ako.
Alam niyo yung feeling na dahil pangalawang beses na tong nangyari sa loob isang taon, manhid ka na? Yes, I'm feeling numb. Hindi ako makaiyak. Pero kapag nakikita ko yung picture ni Luhan na nakangiti, hindi ko mapigilang mapaluha. :'( Masakit.. sobra.
Nabasa ko yung article from koreaboo mga alas-dyes ng umaga. Nasa school ako. Ang saya-saya ko pa. Pero pagka-open ko ng Facebook, parang gumuho yung mundo ko. Naisip ko, pangalawa na. Literal na nanghina ako. Nagtaka yung mga kasama ko kung bakit nanahimik ako bigla. Pero di ako nagsasalita. Masakit.. sobra. Tagos sa puso yung sakit pero hindi ako makaiyak. Nakakamanhid pala yung pangalawang beses? Pero ang nakakapanghina, MAS MASAKIT TO DAHIL ULTIMATE BIAS KO SI LUHAN.
Pagkauwi ko galing school, napatingin ako sa salamin. Yung feeling na blangko yung pakiramdam mo pero makikita mo sa mga mata mo ang sakit? Ganun yung nakita ko sa mga mata ko. Nag-sspark hindi dahil sa saya, kundi sa sakit at lungkot. Nang may madaanan akong simbahan, ipinasa-Diyos ko na lang lahat ng problema ko. Ipinagdasal ko rin ang kalusugan ni Luhan. Sana umayos na ang kalagayan niya. :'(
Shinare ko lahat ng nangyari sakin ngayong araw. Dahil wala akong mapaglabasan ng hinanakit dito sa bahay. :'(
I'm not ready to leave EXO, but I'm ready to temporarily take a break from them. I'm on hiatus being an EXO-L.
I won't leave them. No. Umalis na si Luhan, iiwan ko pa si Sehun? No. I'll still support EXO.. but not yet. Kailangan kong mag-move on muna. Nakakapagod na. Sobrang sakit na.
[141010] OT10 on October 10th at exactly 10am. </3 #alwayssupportLuhan
BINABASA MO ANG
EXO's Secret Agent™ [EXO Fanfic]
FanfictionXianide Jung. A fan, a lover and A SECRET AGENT.