Part 6

6.4K 165 12
                                    

NAISIP niyang wedding store ang itayong business nang ang isa pang kapatid ni Ramil ang magpakasal. Palibhasa ay ka-vibes niya ang mga in-laws niya, ang mga ito ang humimok sa kanyang maging involved sa kasal ng kanyang hipag na si Babeth. And they were all amazed with her ideas. After her sister in-law's wedding, itinayo niya ang Romantic Events.

She was happy with the flow of her business. Pero kapag naiisip niya ang matamlay na takbo ng married life nila ni Ramil, biglang dumidilim ang paligid niya. At palagi ay sinisisi niya si Ryan Olivares. Kakapusin siya ng mga negatibong superlatives pero hindi pa siya masisiyahang na ikapit iyon sa pangalan ng lalaking iyon.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang tumunog ang telepono.

"Sweetheart," ani Ramil buhat sa kabilang linya.

"Oh, sweet," malambing agad ang tinig na tugon niya sa asawa. "Are you going to invite me to lunch?" puno ng antisipasyong wika niya. "Tamang-tama, alas onse na. Mamaya pa naman ang dating ng ka-appointment kong kliyente."

Bihira na ring mangyari sa kanila ni Ramil na lumabas para mag-lunch out man lang. Kapag tumatawag ito sa kanya sa mga ganoong oras, kahit na alam niyang mas madalas ay kukumustahin lang siya ay hopeful pa rin siya na minsan ay mag-aaya naman itong ilabas siya.

"Sorry, sweetheart. Kung hindi nga lang ako inuutusan ni Boss Ryan, bakit hindi? Ako ang pinapa-attend niya sa client meeting sa Madrigal Business Park. Malaking account iyon, Eve. Kapag nai-close ko iyon, tiyak na ako na ang pipiliin niya na i-promote dahil papa-retiro na ang SVP for marketing namin. Ang totoo, iyong mga ganoong big time account, si Boss Ryan ang talagang nakikipag-usap sa kliyente. But he gave me a chance. Nagtataka nga ako, eh. Ako ang inutusan niyang pumunta roon. Pero okay lang. Naisip ko nga, mabuting ako ang inutusan niya. Pagkakataon ko na ito para maipakita kay Boss Ryan na magaling talaga ako."

Here we go again. Boss Ryan na naman. Nadismaya siya pero sinabi niya sa sarili na hindi na siya dapat magtaka. "Kailan tayo magla-lunch together?"

Tumawa si Ramil. "Sweetheart, basta mai-close ko ang deal na ito, babawi ako sa iyo, okay? I'll treat you to lunch in Hong Kong."

"Ramil, kahit naman hindi sa abroad. Kahit naman dito lang sa office ko. Kahit sa Jollibee lang." She hated her tone. Mukha siyang nagmamakaawa pero masisisi ba siya? Sabik na sabik siya sa asawa. She sighed. "Alam mo, Ramil, kapag nag-lunch date tayo, tubong-tubo ka," nanunukso nang sabi niya dito. "Mamayang gabi, babawi ako. At darling, sa interes pa lang, daig mo pa nakabalikwas ng kapital. Tubong-nilugaw!" at tumawa siya ng tawang alam niyang masasabik ito sa kanya.

Pero muntik nang malaglag ang panga niya sa pagkadismaya nang marinig ang sagot nito: "I have to go, sweetheart. Baka maipit ako sa traffic. Alam mo naman, kahit ang Skyway, heavy traffic din kung minsan. Pipilitin kong umuwi nang maaga. I love you."

"I love you too," bakas ang sama ng loob sa tinig niya.

*****

GUMAGAWA si Eve ng wedding concept ng kanyang kliyente nang tumunog ang cell phone niya.

"I did it, sweetheart!" tuwang-tuwang sabi ni Ryan. "Nai-close ko ang deal!"

Nahawa na siya sa tuwa nito. "Talaga? Umuwi ka nang maaga. Magluluto ako ng special dinner."

"No, Eve. Nangako ako sa iyo, I'll treat you in Hong Kong. Magpa-book ka na kay Nicole, iyong travel agent mo. Lalakad tayo this weekend."

"Ramil, weekend pa iyon. Iyong hapunan, mamayang gabi na iyon."

"Babalik pa ako sa office, sweetheart. Naitawag ko na kay Boss Ryan ang tungkol sa transaction, eh. Gusto niyang mag-usap kami ng personal. I can't wait, sweetheart. Excited na excited ako na makausap si Boss Ryan."

Wedding Girls  Series 01 - EVELYN MAY - The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon