Ang Simula

34 1 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa PE class namin noong grade 4 ako, habang ginagawa ang activity namin walang gustong makapareha ako. Paano ba naman kasi, matabang batang babae na nahihirapan na ngang maglakad, mageehersisyo pa kaya? haayy.. eh ano bang magagawa ko, sarap kumain eh. Kasalanan ko bang kung anong gusto kong kainin eh binibigay na agad, at saka sabi naman ni mommy na ok lang nman daw, eh bata eh.

(Flashback)

Pero nung panahong yun na habang nilalapitan ko mga kaklase ko para tanungin kung gusto ba nila akong makapareha, ang worst, di' pa nga ako nagsasalita para magtanung, inaayawan na agad ako, wala akong magawa ayaw nila sa'kin eh, kaya nagtago na lang ako sa likod ng puno at nagmukmuk, di' ako iiyak, kahit pa naluluha na ang gilid ng mga mata ko. haay Saklab nun di'ba. Kailan pa nasali sa mortal sin ang pagiging mataba?di'ba?di'ba?. Kaya wala akong choice kailangan kong gawin ang activity ng mag-isa. Umalis ako at pumunta sa Bleachers, habang naglalakad may mga ibang bata ang nakaupo roon at tiningnan ako mula ulo hanggan paa, problema nito? 

boy 1: (tingnan mo oh..ahah.. walang gustong makapareha siya, kawawa naman. ahha..)

boy 2: (oo nga eh., kahit ako naman.. mahihirapan lang ako kung makapareha ko yan,. eh ang bagal kumilos eh.)

boy 1 & 2: (ahhahah!!!!...)

Aba't pagtawanan talaga ako ah. hay. patuloy na lang ako sa pag lalakad habang nakayuko ng biglang...

"Ai Jen! Sorry!" napangat ako para makita ko kung sinong nakabangga ko. Sandali akong napatigil at napatitig na lang sa maganda niyang mukha.

"Oh! ok lang! ok lang!" oh no! ang cute naman ng lalakeng to.. nagguhit puso ata ang mata ko nung nakita ko siya. Mukhang Anghel. Archangel Gabriel? ikaw ba yan?.. 

"Pasensiya na ah."

"Hindi, Ok lang. Kasalanan ko rin naman, di' ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sige alis na 'ko."  akmang aalis na sana ako kasi di' ko na kayang ma.handle ang bilis ng pintig ng puso ko nang biglang hinablot niya ang braso ko..o oh!

"Ahm Jen.. aa-aahhhm ano kasi."  wahhh! bakit siya nauutal? nabighani rin ba siya sa ganda ko? (assumera ka girl!) ..aayyyiieee!!

"Anong ano?" sige sabihin mo, wag' kang mahiya..ihihihih!

"Ahm, ano.. pwede ba kitang maka-partner sa activity natin, late na kasi ako kaya wala na akong choice eh ikaw na lang ang walang kapartner."  wwaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!! Thank You Lord! Thank You Lord! buti na lang pala tinanggihan ako ng mga unggok na to' kung hindi,hindi ako mablebless ng ganito..ahahha! at kahit pa wala na siyang choice Huwow! Hulog ka talaga ng langit!..Yahu!

"Ah, teka paano mo pala nalaman pangalan ko?" oo nga naman.. ngayon ko lang to nakita dito. Teka, Baka naman nanaginip lang ako ah... (sampal sampal sa mukha).. haayy salamat.. totoo to..eheh!

"Pinagtanung tanung ko sa mga kaklase natin."

"Ah." SO? SO? MAGKAKLASE PALA KAME??!!!! HHUUUAAAAWWWOOOOWWW!!!

"So partners na tayo? Ok?"

"Ok? ahem! Ok." ....HAHAHHA! Yes! sa wakas! may kapartner na ako.. at may bonus pa! Ang cute cute niya!!..niiihh! ang swerte swerte ko naman!..HAHAHAHHA!!!

(Kasalukuyan)

At dahil sa pangyayaring yun, dun' ko unang naramdaman to.

Ang mag.appreciate ng tao.

Ang mamangha sa lahat ng aspeto ng pagkatao niya. 

At magkagusto sa taong una mo palang nakilala.

Ang 1st Crush ko. Si Ralph Niccolo Agustin. Ang aking ULTIMATE CRUSH!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon