Panibagong pakikipagsapalaran na naman ang aking haharapin ngayon upang makarating sa aking patutunguhan. Panibagong pakikipagbuno.
Hinanda ko na lahat ng mga gamit kong dadalhin na parang sasabak sa gyera. Kahit nagmamadali ako para makaalis ng bahay ay pilit ko paring inubos ang aking almusal. Kelangan ko ng lakas para sa matinding laban. Ang laban para makasakay sa MRT.
Lunes ngayon kaya siguradong doble ng normal na ang dami ng pasahero ang sasakay. Bonggang balyahan nanaman ng magaganap.
Kung sana ay may lalakeng matipuno na magshield sakin sa mrt gaya ng ginagawa dati ng ex bf ko. Kahit punuan man eh nasa tabi ko lang sya para yakapin ako at maging pananggalan sa mga bruskong lalake at babae sa loob ng tren. Kaso asan na sya? Asan na nga ba? Baka kinuha na mga engkantong kapamilya nya? Baka naflush sa inidoro at dumiretso sa kanal na tumuloy tuloy sa ilog at inanod na ng dagat. Nakilala si Spongebob at Patrick Star at tumira na sa bikini bottom para gumawa ng crabby patty.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong nangyari samin. Basta isang araw, nagreply lang sya sakin after 100 texts and missed calls ko sa kanya. Ang reply lang sakin ay busy daw sya at pagkatapos nun wala na. So ako hindi busy? Sya lang ang may ginagawa at ako tambay lang, ganon?
Sana nagbigay man lang sya ng reason kung bakit hindi na nya ako kinakausap o kung ano ba ang nangyari samin. Bigla na lang syang nawala na parang bula. Ni utot nya hindi ko na maramdaman.
Ang tibay ko pa nga at talagang hindi ki parin sya sinukuan. Sinubukan ko namang hanapin sya sa bahay nila dahil hindi ko na sya makontak pero ang sabi lang sakin ng mama nya ay sa kung saan na daw nagwowork ang anak nya at hindi din nya alam kung saan na tumutuloy. Ayos diba. Pagkaisahan daw ba ako. After nun nagdecide nakong sumuko. Mag-iisang bwan na rin ang nakalipas pero naiinis parin ako sa kanya. Galit siguro. Kung hindi din sya gago at bakla. Kung ayaw na nya skin, mas ayaw ko sa kanya. Ganda kong to!
Napatingin ako sa orasan at mag 6:30 na pala. Alas otso pa naman ang pasok ko sa trabaho pero kelangan umalis ng maaga kung hindi eh malamang, malalate ako. Dali dali akong lumabas ng bahay at naglakad papuntang sakayan ng mrt.
"Miss tricycle?" aya sakin ng tricycle driver. Nagbingi-bingihan lang ako at nilagay ang headphones sa tenga ko para makinig ng music.
Kahit nagmamadali ako eh wala akong balak sumakay. Petsa de peligro na kasi kaya sakto na lang ang pera ko para umabot sa araw ng sahod. Kaya ko namang lakarin hanggang mrt. Gaano kalayo? Mula SM North hanggang MRT station lang naman. Syempre sa likod ako ng SM nakatira kaya idagdag mo pa ng lakad ko mula bahay. Para sa mga tamad, malayo iyon pero para sa mga nagtitipid gaya ko eh sisiw lang to. Isipin ko na lang na exercise ito.
Hindi ako nagkamali sa aking premonisyon. Grabe kahaba ang pila sa mrt. Madalas eh 30mins akong pumipila bgo pa makaakyat sa taas rro sa itsura ng pila ngayon ay baka abutim pako ng isang oras. Wala naman akong choice kundi maghintay. Matrapik kapag nagbus ako dahil rush hour na. Hindi lang naman ako ang nag-iisang nagdurusa. Wish ko lang eh walang tren na tumirik kundi eh baka tumirik narin ang mga mata ko dito.
Lampas kaahating oras na ang lumipas at medyo tuloy na tuloy na ang andar namin para makapasok sa loob sabay ng tuloy tuloy din na paghagalpak ng mga pawis ko. Sana'y naman na akong magtiis. Buti na lang at nagdala ako ngayon ng panyo at pabango.
Pagdating ko sa itaas ay saktong dating naman ng tren. Nagmamadali kong kinuha ang mrt card ko at pumila ng konti para makapasok sa loob ng station. Mukhang naipon nanaman ang pasahero dito kaya kahit first station ito ay halos mapuno na ang loob ng tren. Hindi nako nagpakachoosy pa at pumasok na lang dun sa mga panglalake, well yung para sa lahat. Baka kasi biglang magsara na ang pinto kapag pinilit ko pang dun pumunta sa pangbabae.
BINABASA MO ANG
It Should Be You (On hold)
Teen FictionA pusong laging iniiwan. Màkakahanap pa kaya ng totoong magmamahal?