IkaLawa

81 12 3
                                        

Love at first sight..tch. That's BS! Tama nga ata ang kapitbahay ko ng hulaan ang kapalaran ko. Malas daw ako sa lalake. Hindi naman masyadong halata diba. Konti na nga lang magiging kriminal nako eh. Ano bang meron sakin at parang magnet ako ng mga baliw na lalake?

Yung first boyfriend ko nung 3rd year highschool (maagang lumandi eh) nakipagbreak sakin after two months dahil binawalan daw sya ng mama nya makipagrelasyon. Eh di sya ng babae...tae. Keri lang yun kasi medyo bata pa naman kami. Kung ayaw eh di wag ipilit. Nakamove on naman kagad ako at dahil sa muang pa ang puso ko nun ay nangarap akong muli ng bagong pag-ibig na dumating namang muli nung huling taon ko sa highschool. Syempre feeling ko true love na yun pero hindi parin.  Pinagpalit ba naman ako sa kaklase kong mahilig maglagay ng chin chan su sa mukha kaya nagmumukhang maputi...ang mukha. Kung alam ko lang na hilig nya ang mga amoy tanders at maespasol na appeal edi sana nginudnod ko mukha ko sa harina sa tuwing magkikita kami.

At eto ngayon, hindi pa nga ako totally nakakamove on sa jerk kong ex eh may nadagdag pang isang lalake sa buhay ko na magpapasakit ng bangs ko.

Flashback

"Ikaw ang gusto ko." nanatiling blanko ang expression ko ng sabihin nya yan sakin. Masyado ng maraming nangyari sa araw ko ngayon dahil sa kanya na  rin kaya wala nakong lakas pa para magbunganga pero deep inside eh nag-eevaporate m ang dugo ko sa pagkulo neto.

Dahil waitress ako dito eh wala akong choice kundi sundin ang order nya or else eh mapagalitan ako ng manager namin. Nag-additional pa sya ng baked mac. Ibinigay ko ang order nya and all at binigyan ng magandang ngiti kahit ang totoo eh gusto ko na syang hiwahiwain at iserve sa ibang customer.

"Bill out." sabi nya pagtapos nyang kumain habang nag nagsisign sya ng billout. Ibinigay ko naman ang resibo sa kanya.

"950 pesos lang pala eh." sabi pa nya habang pinupunasan ng tissue ang sexy lips nya. Sexy lips talaga?!

"Edi bayaran mo na....sir." sarkastik kong sabi. Ngumiti lang sya sakin habng may kinukuha sa loob ng bag nya.

"O bayad ko." sabay hagis sakin ng ID. Teka ID ko to ah.

"Bakit nasa iyo tong ID ko ha?"

"Malamang naiwan mo kanina sa MRT. Pasalamat ka nga dyan at binalik ko sa sayo pagkatapos ng ginawa mo kanina saken." naiwan ko pala dun kanina. Buti na lang at nabalik pa sakin to.

"Hoy san ka pupunta?" aktong aalis na aalis na kasi sya. "Bayad mo?" sabi ko habang nakapamewang. Tatakasan pako.

"Bingi ka ba? Di ba sabi ko yan na àng bayad ko." the hell! Siraulo ba sya.

"Kulang pa nga tong kinain ko pambayad sa pagsoli ko ng ID mo." Luh. Lakas ng trip ng isang to.

"Bye Monica." sabay kindat pa nya sakin. Natameme naman ako sa kindat nya. Amg gwapo nya talaga. Para syang isang anghel na unti unting naglalaho saking mga paningin.

Naglaho...

Nawala na sya..

Waaaah! Hindi nga nya binayaran! Langya! Nadaan ako sa charm nya.

end of flashback

Iyak-tawa tuloy ako ngayon. 950 pesos yun eh. Langya talaga. Bawas tuloy to sa sahod ko. Huhuhu. Bwisit na lalakeng yon!

Konti na lang magiging man-hater na talaga ako. Nagtataka lang talaga ako eh, wala naman akong niloko at ginagong tao pero bakit parang ako ata ang nakakarma?! BAKET?!

--------

"Sir, may I go out?" paalam ko sa prof ko sa Filipino habang nagsusulat sya ng kung ano man yun sa ledger nya. Ang mga classmates ko naman ay busy sa pagkopya ng notes sa mga notebook nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Should Be You (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon