Hinihingal akong napahinto sa pagod. Kanina pa ako tumatakbo sa walang katapusang dilim na ito. Tanging yapak ko at paghinga ko lamang ang aking naririnig. Napahinto ako ng may marinig na mahihinang bulong, hinanap ko ito. Ngunit kahit anong lingon ko ay hindi ko makita kung saan nanggagaling. Kinakabahan na ako, paano kung hindi na ako makalabas? Bakit ba kasi nandito ako?
Muli ko nanaman itong narinig. Napapikit ako, nakakatakot na. Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Nagulat ako ng may biglang humawak sa aking balikat kaya agad akong napalingon.
'Sinong nand'yan?' Tanong ko habang hinahanap ang humawak sa akin.
Naglakad-lakad ako at napaigtad ng may malakas na sumigaw.
'Ano Mina? Wala kang balak pumasok!? Tanghali na! Yung mga kaklase mo nagsisipasok na!'
Nananaginip pala ako at si mama ang bumubulong at tumatapik sa akin. Hayst. May pasok nga pala ngayon.
BINABASA MO ANG
Short Story
Short StoryThis is my compilation of my short stories. Hope you enjoy it💜😘