'𝑇ℎ𝑒 𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑏𝑖𝑑 𝑔𝑜𝑜𝑑𝑏𝑦𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑐𝑜𝑚𝑒𝑏𝑎𝑐𝑘," 'yon ang mga huling katagang aking narinig sa ating huling pagkikita.
Tila ako'y nakapikit kung titignan ang paligid, tanging liwanag lamang ng buwan ang nagiging sandalan sa dilim. Mga ala-alang nakatatak na sa aking puso't isipan. Iyong mga halakhak na bumubuo ng aking araw, mga problema mong ating pinaghahatian, mga hikbi mo na sa akin ay pinaririnig, ang iyong baritonong tinig habang hinihimig ang aking paboritong kanta. Isang dekada na ang lumipas ngunit tila ba puso ko ay nawawasak t'wing bumabalik ako dito sa lugar kung saan lahat ay ating pinaguusapan.
Pinakatitigan ko ang upuan kung saan lagi kaming nakasandal, at bumalik sa akin ang lahat.
Nasa isang bahay kami na walang bubong at sira-sira na. Isa syang bahay sa taas ng burol, wala ding bahay sa paligid tanging mga puno lamang.
"Ylena may knock knock ako ," basag ni Newt sa sandaling katahimikan. Ayan na naman sya sa knock knock nyang sya lang ang tumatawa.
"Siguraduhin mong maganda yan kung hindi, ay naku! Who's there?" Tanong ko sa kanya na may halong pananakot pa.
"Shookita," sabi nya at ngumiti. Napapatitig ako sa kurba ng kanyang mga labi at napangiti din.
"Shookita, who?" Natatawa kong tanong.
"Kapag hinampas ka sasabihin mo, shookita!" Napatawa sya sa sinabi nya habang ako imbis na mainis ay napabungisngis na din. Ang gwapo nya talaga kapag tumatawa.
"May bagong kwento pala ako," mahina nyang sambit habang nakatitig sa akin. Ang mga mata nya, nakakalunod. Tumango lamang ako bilang hudyat na ipagpatuloy nya.
"May dalawang magkaibigan, magkasama sila sa kahit anong kalokohan at problema. Lagi silang pinaglilinis ng library dahil sobrang ingay nila." Napatingin ako sa kanya, kwento namin ang ikinukwento nya. Nakatingin sya sa kalangitan at nakangiti.
"Dahil sa araw-araw nilang pagsasama may isa sa kanila na iba na ang nararamdaman," mas lalo akong napatitig sa kanya. Ako ba ang tinutukoy nya? Alam na ba nya? Bumaba ang tingin nya sa akin, seryoso ang kanyang mga mata.
"Yung lalaki. May gusto na sya sa kaibigan nya. Gusto na nya itong ligawan at hinihingi nalang nito ang pahintulot ng babae. Pahihintulutan mo ba ako?" Tumulo ang luha ko sa saya. Tumango ako hindi para pahintulutan sya.
"Sinasagot na sya ng babae, wala ng ligawang magaganap." Natatawa kong patuloy sa kwento nya. Napatawa din sya dito at agad akong niyakap.
Tatlong taon kaming naging magkarelasyon ni Newt at halos araw-araw inaalagaan nya ako, ganoon din naman ako sa kanya. May away din na naganap pero sandali lang din dahil nalulutas namin. Sinabi ko kila mama't papa ang relasyon namin at tanggap naman nila dahil matagal na daw nilang kilala si Newt. Ngunit ang mga magulang nya ay hindi pabor sa amin. Kahit na hindi pabor ang kanyang mga magulang ay ipinagpatuloy namin ang aming relasyon.
Apat na linggo ang nakaraan at walang paramdam si Newt kaya napagpasyahan kong hanapin sya. Pumunta ako sa bahay nila pero ang sabi ng mga kapit-bahay nila umalis na daw sila doon. Tinawagan ko sya ng paulit-ulit, araw-araw. Panglimang linggo ng hindi ko na matawagan ang number nya. Nagmessage ako sa kanya sa internet at tinry ko ding itanong sa mga kamaganak nya kung nasaan sya pero walang naging sagot.
Ika-pitong linggo ng may nagpadala sa akin ng sulat mula sa Canada. Nalaman kong kay Newt iyon galing. Kaya gumawa ako ng paraan para makasunod doon.
Limang taon ang nakalipas mula ng makapunta ako sa Canada. Nagtrabaho ako bilang chef at sinabay ang paghahanap sa kanya. Mahirap maghanap dahil sobrang laki ng lugar. Bente-tres anyos na ako at ganoon din sya kaya nawawalan na ako ng pagasa. Baka kasi may asawa na sya at kinalimutan na ako.
Papasok ako ng trabaho at naghihintay ng hudyat upang tumawid ng makita ko s'ya. Ang laki ng pinagbago, ang mga buhok n'ya ay mas humaba at ang postura ay mas tumindig.
Nagtama ang aming mga mata, kita ko sa kan'ya ang pagtataka. Nakikilala n'ya ba ako? Nang makita ko ang berdeng ilaw ay mabilis akong lumapit sa kan'ya ngunit, ngunit hiniling ko nalang na panaginip nalang ang nangyari.Abot kamay ko na s'ya, mararamdaman ko na sana ang mainit n'yang yakap ngunit naunahan ako. Hindi ko naramdaman ang init sa katawan ngunit sa mga mata. Ang bughaw n'yang damit na ngayon ay kulay pula na.
Wala akong madinig kundi ang tibok ng aking puso. Dumaloy ang luha sa aking mga mata at mabilis na dumalo sa walang buhay n'yang katawan. Nanginginig ko syang niyapos at humingi ng tulong ngunit kita ko sa mga mata ng mga tao ang pagtapos ng kan'yang buhay sa tingin lamang, parang pinahihiwatig na wala ng pag-asa. Tila ba pinatay ako kasama s'ya, bakit 'di ka parin nagpapa-alam?
Natapos ang aking ala-ala at ramdam ang mumunting ulan na unti-unting bumabasa sa aking katawan. Napatingin ako sa boteng aking dala, bakit kailangan kong mag-paalam kung p'wede naman akong sumama?
BINABASA MO ANG
Short Story
Short StoryThis is my compilation of my short stories. Hope you enjoy it💜😘