AIN'T NO SAINT
BY: QUEEN ANNE
"That would be all for today, class dismissed except for Miss De la Vega, you shall stay behind!"
"Good bye, Ma'am Dominguez!"
Nang makapagpaalam na ang lahat ng mga estudyante ay agad kong nilapitan ang aming guro na nagkataon ay auntie ko sa father side.
"Harlie Quinn! Naalala mo pa pala na may klase ka pa sa akin. Hindi pa ba sapat na sinasaway kita sa harap ng klase sa tuwing magpapakita ka after ng ilang araw mong pagliban sa klase?"
"Yeah right . . ."
"Harlie, naman! Busy na nga ang dad mo sa pagpapatakbo ng academyang ito tapos ikaw dumadagdag ka pa."
"Auntie, nasaan si Dad? Hindi ba sa States dahil may seminar daw? So, wala akong dad na magsesermon sa akin ngayon aside from you."
"Harlie, iniisip namin ng dad mo kung saan siya nagkulang sa pagpapalaki sa'yo. Matalino ka namang bata ka kahit absent ka nang absent. Sana naman magbago ka na, please?"
Naparoll eyes na lang ako sa sinabi ni Auntie Margaret. Tama naman ang lahat ng sinabi niya at ako lang naman itong matigas ang bungo na hindi nakikinig. Totoong matataas naman ang grades ko kahit may mga absences ako tuwing wala si dad sa bansa dahil nakakacatch up naman ako sa mga lessons at mga gawain. Hindi naman ako pabaya at sa totoo ay mabait naman akong anak sa dad ko. Hindi nga lang tulad ng inaasahan at nais nilang lahat na maging Santa at hindi makabasag pinggan ako, sorry na lang sila dahil hindi ako Santina na gusto nilang ipagmalaki sa iba.
"Yeah, right. Opo na Auntie Margaret. Sa susunod po, I will attend your class and other subjects kahit wala si dad."
"That's good. O siya, what's your next subject at sasamahan kita sa teacher mo para masabihan kong kinausap kita."
"No need na po. Mamayang hapon pa ang next subject ko."
"Very well, my dear. Let me remind you pala, sa halos isang linggo mong absent," huling sambit ni Auntie Margaret bago ako lumabas ng kanyang classroom.
Hindi naman talaga ako masyadong irresponsible bilang estudyante. Nakakapagpasa naman ako ng mga projects in time at napapasa ko naman ang mga exams ko kahit na may mga absences ako. Bilang isang masunuring anak at pamangkin, pumasok ako ngayon for the whole day until my last subject kay Mr. Pelaez sa General Psychology.
"So class, as I've said during the beginning of this semester, you will have a 'buddy' among your classmates that I will pick randomly. You shall have this buddy system until the end of this semester. Pwede kayong mag agree to work on an assignment together, study together and pass a project together. Basically, you and your buddy must work together on this subject to make this subject easier for you to learn. Any questions?"
Tumaas naman ng kamay ang isa kong kaklase na nakalimutan ko ang pangalan. "Sir, paano po yung grades namin? As buddies po ba or individual po?"
"You and your buddy shall have the same grades on your projects and reporting that you will work on together. Pero you shall have individual grades on your assignments. Some more inquiries? If none, we shall move to our buddy system. If your last names are called, please do stand up."
Hindi ko na masyadong pinakinggan kung sino ang buddy ng kung sino man. I just found myself standing up nang madinig ko ang last name ko kasama ng last name ng taong hindi ko inaasahan na maging buddy ko.
"Miss De la Vega, Mr. Martin."
Napataas naman ako ng kilay habang napatitig sa aking magiging buddy for the rest of the semester habang naka smirk naman ang buddy ko. Seryoso? Kung bakit pa kasi siya ang naging kaklase ko sa subject na ito at hindi ang kakambal niya.

YOU ARE READING
I AIN'T NO SAINT
Teen FictionHarlie Quinn de la Vega is definitely not a saint as everyone expects her to be. Marami siyang issues sa buhay pagdating sa nakaraan niya. At isa na roon ang tungkol sa naputol niyang ugnayan sa kanyang kaibigan na si Zenn Angelo. She has a lot of u...