Those who live in love live in God.
1 John 4:16After the long weekdays i decided to go home for weekend. Nag aaral kasi ako sa karatig probinsya kaya tuwing weekend kapag walang masyadong ginagawa ay umuuwi ako sa probinsya namin. Life there is simple. Maraming magagandang dagat, ilog, falls, spring. Indeed a paradise. Kung hindi lang magandang oportunidad ang makapasok sa universidad na pinapasukan ko at kurso ay hindi ko nanaisin na iwanan ang lugar na kinalakihan.
Sumakay ako ng jeep at pagkatapos ay van. Tinanong ko ang kunduktor kung may space pa ba sa unahan since doon talaga ako kumportable umupo and in my luck meron pa naman! May katabi nga lang akong lalaki na hindi ko naman tinignan dahil unang una sa lahat bakit ko naman titignan diba?
"Seatbelt." I heard the guy beside me whispered. Sinunod ko naman ito ng hindi pa rin tumitingin sakanya. Well ganto talaga ako. I dont give time and effort sa mga taong dadaan lang naman sa buhay ko. What for?
Dahil medyo napagod ako sa buong linggo ito ay nakatulog ako sa byahe.
"Miss bababa po ako." Naalimpungatan naman ako ng makaramdam ako ng mahinang pagtapik sa pisngi. And with that umalis ako sa pagkakasandal sa balikat ng katabi ko-- wait what?!!! NAKASANDAL AKO SA BALIKAT NG KATABI KO?! Jusko po! Ano na naman bang kamalasan to?
Since ako nga yung nasa pintuan kailangan ko munang bumaba para makababa din yung lalaking nakaupo sa gitna namin ng driver.
"Ay pasensya na po kuya! Nakatulog po ako huhuhu." Sagot ko naman habang nagkukumahog sa pag baba ng van. I check if tulo laway pa ako. Yeah disgusting lalo na't babae ako pero anong magagawa ko kung tumulo nga ang laway ko? At sa balikat niya pa!!! Nakakahiya!
And for the first time since sumakay ako ng van i look at him only to find out na nakatingin din siya saakin! Maamaze na sana ako dahil ang pogi niya. Pagsinabi kong pogi as in pogi talaga! Yung tipong maganda yung built ng katawan? Tapos makinis ang balat, matangos ang ilong pero yung mga mata malalim na para bang ang daming tinatago at ang lips? Ay wag na yung lips kasi di naman dapat yun dini describe, hinahalikan nalang. Hahahahaha landi! Kala mo naman hindi broken.
yun nga maamaze na sana ako kasi bibihira ka lang nga naman may makasabay na pogi pero pinagtatawanan ba naman ako?!! Argh!! Nakakahiya talaga!!
Umakyat ulet ako ng van and before i could ever close the door, may pahabol pa ang loko.
"Wala namang tumulong laway." And siya na mismo ang nagsara ng pinto. Sobrang namula talaga ako nun lalo na ng tumawa din yung driver.
"Sarap ng tulog mo sa balikat ni Sir ah?" Biro ni manong.
Hindi nalang ako kumibo hanggang sa makababa ako ng van. That's embarrassing pero di ko na naman makikita si kuya eh so no need to worry.
I decided na pumunta sa dati kong school. Di tulad ko may mga kaibigan at kaklase akong nag stay sa school namin. May college din kasi.
And just like them, Case also chooses to stay. Gusto ko din namang dito nalang mag aral but i know myself. I cant handle a lot of stress at kung dito ako mag aaral maraming bagay ang maaaring makapagpastress sakin. I can lose my mind but not my future!
Naglakad lakad lang ako sa campus at pumunta sa high school department ng school. Napakaraming memories na mananatiling isang malungkot na alaala na lamang.
"Chast." Parang tumigil ang mundo ko. Bago pa man ako tumalikod para tignan ang tumawag saakin, alam ko ng si Case yun. My Carl Sebastian. Paano ako nakakasigurado? First, i have been inlove with this guy all my life so it is just right to know everything about him including his voice and second! Siya lang naman ang tumatawag saakin ng 'Chast' from my second name Chastine. Ang iba kasi its either 'Peach' or my first name 'Pearl'. My whole name is Pearl Chastine Castro. My parents told me na kaya raw Pearl ay dahil madalas naghahanap si Dad ng pearl kapag nasa laot siya para ibigay kay Mommy. At pearl din ang pinagawa nitong engagement ring when he asked my mom to marry him. While my second name Chastine came from both my lolos name. Chago and Agustin.
"Cas-- Carl." Naalala ko, ayaw niya nga palang tinatawag ko siyang Case. He knows about what i feel and didnt want me to invest more feelings dahil hindi naman daw niya yun masusuklian. Maybe he's right. I shouldn't. Dahil ano namang mapapala ko kung sa simula palang alam ko ng hindi niya ako gusto at sobrang labong mahalin or magustuhan man lang ako? Pero kailan ba naging mali ang maniwala? Kailan ba naging mali ang magmahal ng walang inaasam na kapalit? Kailan ba naging mali ang pagibig?
3rd reason
Love was never a mistake.
BINABASA MO ANG
REASONS
RomanceThis is a story of a girl who choose to stay in love regardless of an unrequited love. Let's find out the reasons why she cant move on.