hi goyyssss. sorry ngayon lang update :((
~~~
Sandy's POV
nasa klase na ako ngayon, nakabusangot ang muka -_- pano kasi, lunes na lunes binibwisit ako ni mayabang -_- grrrrrrrr.
flashback (umaga)
nasa canteen ako, naglalakad mag isa. di ko mahanap sila krystel at xenie eh. san kaya nagpupupunta mga yun? baka nag hahanap ng lalake? hmpp, di man lang ako sinama T_T pero joke lang. loyal ako kay Lee Min Ho ^_^
natigil ang pag iisip ko kung nasan ang dalawa kong kaibigan ng may tumawag sa nickname kong dalawang letra at iisang tao lang ang tumatawag.. si Jared -_-
"SG!" lumingon ako "bakit?" sabi ko.
"may game kami mamaya. punta ka" bat niya ako iniimbitahan?
"huh? ano gagawin ko dun?"
"mag wa-water girl" saad niya at ngumiti ng nakakaloko
"ano?!"
"diba slave kita? kaya susundin mo lahat ng gusto ko. pumunta ka. and that's an order. kundi, face the consequences " oo pala T_T ngayon na ang simula ng paghihirap ko. lecheng buhay to T_T
"oo na" sabi ko nalang
tumalikod na siya at mukhang aalis na.. maglalakad na rin sana ako sa bilihan ng pagkain ng tawagin niya ulit ako
"ano nanaman?"
"gawin mo nga to. bigay mo sakin mamaya first subject namin yan pagkatapos ng lunch. pag di mo ginawa patay ka sakin!" sabi niya at binigay saakin ang papel na nakasulat ang assignment niya. Thank God at hindi math ang pinapagawa niya sakin
pagkatapos nun ay kumain na ako tas ginawa ang assignment ng mayabang na yun. gagawin ko nalang baka kung ano pa ang gawin niya sakin.
*riiinggggg
tunog ng bell. time na.
pumasok na ako ng classroom at hinanap si mayabang para ibigay ang assignment niya. at siya naman naka de qwatro pa at naka earphones. hmmp! lumapit ako sakaniya at padabog na nilagay yung assignment sa table niya.
"ge" yan lang sinabi niya. Wow!
"Thank you ha, sobra sobra!"
"welcome" grabe siya hmpp.
di ko nalang siya pinansin at bumalik na sa upuan ko pero tinawag niya ako ulit. "bili moko tubig"
"aba! nang gagago ka ba? di mo ba narinig yung bell?"
"wala pang teacher dali na! nauuhaw ako"
"bumili ka mag isa mo"
"bibili ka o bibili ka" sabi niya at pinitik ako sa noo
"arayyyy!"
"puta oo na!" napamura tuloy ako ng di oras
tumakbo ako papunta ng canteen..
"ate tubig nga! daliii"
pagkaabot sakiin ni tubig ay tumakbo na ako kaagad at bumalik sa classroom
pagdating ko sa pintuan ay dahan dahan akong pumasok
nakatalikod kasi siya at may sinusulat sa board
nag iingat ako para hindi ako makita ni ma'am Katakutan dahil napaka terror pa naman nun. halata naman sa pangalan diba? Lakihan ka lang ng mata patay ka na. pero joke lang kasi nangangagat pala siya. pero joke lang ulit. basta terror siya!
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Mr. Mayabang?!
Teen FictionNagmahal ka.Umasa.Nasaktan ka ng sobra. Nagpatawad. Sinubukang mag move-on. Pero ang totoo? Di mo kaya. Nakalipas ang panahon at tuluyan mo na syang nakalimutan. Maging masaya kaya ulit ang buhay mo? Pano kung one day makabangga mo ang isang mayaban...