Chapter 1

273 20 23
                                    

"where have you been?" napangiwi si roan nang marinig ang boses Ricardo Gerona pag pasok palang nya sa front door ng bahay nila. pag tingin niya sa sala ay nakitang niyang katabi nito sa sofa si Sofia Gerona. Ang mga ito ang mag-asawang umampon sa kanya noon sa Ophanage.

"my god, rick, nabingi na yata ang ampon mo," maarteng sabi ni Sofia.

"tinatanong kita, roan. saan ka ba nanggaling?"c

"sa batanggas ho, dad, sumama ako kina riva at jade." sagot niya. binalewala nalang niya ang sakit sa dib-dib nang marinig ang salitang "ampon" mula kay Sofia.

ang buong akala nya ay nakatagpo na siya ng isang pamilyang matagal na niyang pinapangarap sa piling nang mayamang mag-asawang umampon sa kanya. pero nagkamali siya. hindi pala swerte ang natamo nya dahil bale-wala naman siya sa mga ito.

"at ano naman ang ginawa mo roon?"

"pinag usapan lang ho namin ang nalalapit naming outreach program. saka launching na rin iyon ng project namin na pagtuturo sa mga kababaihan ng pwede nilang ikabuhay--"

"i'm not interested in that crap." putol ni Ricardo sa sinasabi niya.

eh' bakit nag tatanong pa kayo? sa loob-loob niya.

"sabihin mo na sa ampon mo kung ano ang dapat mong sabihin sa kanya para makaakyat na tayo. masyado na akong napupuyat sa babaeng 'yan. baka masayang lang ang pagpapatanggal ko ng eye bags ko."

bumaling ulit sa kanya si Ricardo. through the years, she had been a witness to how he had been Sofia's lapdog. bawat sabihin ng asawa ay parang bulag na sinusunod nito. she learned early on that it was Sofia who wanted to adopt a child. hindi kasi mabiyayaan ng anak ang mga ito.

"pupunta tayo sa batangas sa weekend. dumating si ate rose mula sa amerika. and we will be having a grand family reunion."

nang marinig ang Batangas ay nanlamig si roan. paano kung muli silang magkita noong lalaking niyakap niya. kung bakit naman kasi pumayag payag pa siya sa kalokohan nung dalawa. muling nanumbalik sa kanya ang mga sandaling iyon.

"miss! may isang minuto kana atang nakapikit pwede kanang dumilat." narinig niyang sabi nito. lihim siyang nanalangin na sana bumuka ang lupa at kainin nalang siya, ngunit syempre hindi naman talaga iyon mangyayari kahit gaano pa karaming tao ang manalangin sa tuwing mapapahiya sila. unti-unting iminulat niya ang mga mata. isang pares ng nakangiting mata ang nakita niya. guwapo ito.each features of his face blended well with each other. at mabait ang bukas ng mukha nito. his towering height complemented his lean mascular body. with his height, looks, and sexy body, he was one helluva hunk.

"what took you so long to come to me?" saka lang niya na-realize na nakatitig siya sa lalaki. nahihiyang napayuko siya. ngunit agad ring nagtaas ng tingin rito nang ma absorb ng utak niya ang binitawan nitong salita.

"ha? ano kamo?" naka ngangang tanong niya rito.

"diba sabi mo ikaw ang fiance ko at may amnesia kamo ako? kung ganu'n bakit ang tagal mong dumating? alam mo bang ang tagal ko nang single. kung alam ko lang na naka engage na pala ako sa napakagandang babaeng tulad mo hindi na sana ako nag aksaya ng panahon" nakanginsing sabi nito sa kanya.

"roan!" saka lang siya bumalik sa ulirat nang marinig ang sabay na pagtawag ni jade at riva. kumawala siya sa pagkakahawak ng lalaki at dali daling tumakbo patungo sa mga kaibigan. naririnig niya pang tinatawag siya nang guwapong lalaki ngunit sa hiya nya ay hindi niya nalang ito pinansin. lihim siyang napangiti nang maalala ang mga iyon. panandaliang nakalimutan ang problema niya.

bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang sinabi ni Sofia. 'wala kaming choice kundi isama ka talaga. pero huwag na huwag mo kaming bibigyan ng kahihiyan sa harap ng mga kamag-anak ni Ricardo. kung hindi lang hiniling ni ate na isama ka, kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang isama ka pa. pwede naman kaming magdahilan na lang ni Ricardo kung bakit hinda ka makakasama. pumunta ka bukas sa botique ni Ortiz. tinawagan ko na siya na ipag-rush ka ng dalawang formal dress para sa reunion sa weekend.

"yes mommy." panganay na kapatid ni Ricardo ang tinutukoy nila. she was fond of the old woman. ito lang ang sinsero sa mga kapatid ng kanyang adoptive father. ito lang ang mabait sa kanya. excited narin siyang muli itong makita.

"sinabi ni ate Rose na isama natin siya Sofia" sabi ni Ricardo sa tonong parang pinaaalalahanan ang esposa.

'at wala ka namang magawa kundi maging sunud-sunuran sa kapatid mo," nakaismid na sabi ng ginang. "ewan ko sa'yo, Ricardo. mabuti sana kung bibigyan ka ng mana ng ate Rose mo kapag nawala siya. but i really doubt it." Tumingin ito sa kanya. Minsan lang siya nitong tapunan ng ganoong tingin, but she did not feel privileged at all. karaniwan kasi ay galit ito kapag pinagtutuunan siya ng pansin. "ikaw, Roan, galingan mo ang pag sipsip kay tita Rose mo. walang pamilya 'yon baka pamanahan ka kapag namatay 'yon. you seem to be her favorite."

kinilabutan siya sa sinabi nito. wala man lang kakurap-kurap ng banggitin nito ang mga salitang iyon. "malakas pa si tita rose, mommy. she's as healthy as a bull."

"we can never tell what will happen in the future. malay mo, bumagsak ang eroplanong sasakyan niya pabalik sa America."

"masama po ang mag-isip ng aksidente sa kapwa, mommy" pasimpleng saway niya rito.

'at sino ka para pangaralan ako? baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakaalis sa bahay-ampunan na pinagtapunan sayo ng mga magulang mo." nadidilat na wika nito.

"hindi ko ho nakakalimutan 'yon mommy." paano ko makakalimutan kung araw-araw n'yong ipamumukha sa akin na utang ko sa inyo ang buhay ko? mapait na naisaloob niya.

"tama na 'yan." saway ni ricardo. "siguradong makikipag kwentuhan sa iyo ang tita rose mo, Roan. alam mo naman siguro ang mga pwede at hindi mo pwedeng sabihin sa kanya 'di ba?

hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga kalupitan n'yo sa akin. "yes dad." sagot niya.

"umakyat ka na sa kuwarto mo Roan. i hope i made myself clear ayokong magkaproblema sa weekend kumpleto ang Gerona Family sa reunion."

"in short, we're expecting you to act like a decent human being. walang lugar para ipakita mo kung saan ka nanggaling bago ka namin kinuha sa ampunan. Act like you're our real daughter." pag segunda ni Sofia.

"alam naman ho ng mga kamag-anak ni daddy na ampon n'yo lang ako." paalala niya rito. walong taon siya nang kunin siya ng mga ito sa bahay-ampunan. kaya hindi maitatanggi na ampon lang siya ng mga ito. besides, sa bibig narin mismo ni Sofia nanggagaling na hindi siya kadugo ng mga ito.

"aakyat na ho ako sa kuwarto ko daddy." nang tumango ito ay tuloy-tuloy na siyang pumanhik sa hagdan.

A Dare to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon