Sana magustuhan niyo po :) at sana rin kung nagustuhan comment and vote po kayo thank you :) First story ko po ito, sariling story ko lang po, pero nakakuha po ako ng konting idea sa movie ni Mario Maurer na True Friend Never Die, favorite movie ko po yun :) . Thank you :)
---
Zia's POV
'Excited na ko sa new school ko. Sana makakilala ko ngayon ng mga mabait na estudyante, sana kagaya sila ng mga schoolmates ko sa dati kong school' naiisip ko yun habang gumagayak ako.
Ako si Zia Ellyn Santiago, simpleng babae, sabi nila maganda daw ako pero sabi ko naman hindi. Hmm.. Kulot yung hair ko at mahaba, lagi akong nakabraid, 5'8 yung height ko, maputi at matangos rin ilong.
"Zia? Nakagayak ka na ba?" Narinig ko si Mama, tinatawag niya na ko. "Ahm opo ma, saglit lang" bumaba na ko agad. Pagkababa ko niyakap ko si mama "Good morning ma" nakangiti kong sabi. "Good morning rin anak, wag kang masyadong suplada ah, atsaka wag kang tomboy kung umasta, baka wala kang maging kaibigan" payo sa akin ni Mama. "Ahm, ma, ikaw po ba maghahatid sa akin?" tanong ko. "Oo ako na maghahatid sayo at pupunta pa ko sa mga teachers mo atsaka maaga rin kasing umalis yung kuya at papa mo" sabi ni mama..
Habang papuntang school, nagsounds muna ko. Di naman masyadong malayo yung school sa bahay namin, pwedeng lakarin, pero inihatid na ko ni mama tsaka tinatamad rin ako maglakad ^^ .
Pagdating namin sa school, si mama na lang yung pumuntang mag-isa sa office, at ako naman hinanap ko yung classroom namin.
Habang naglalakad ako, may nakabunggo sa akin na isang babae, maganda siya, mahaba buhok, makinis mukha, matangos ilong at maganda yung kilay niya. "Ay sorry, nagmamadali kasi ako eh" sabi ng babae sa kin. "Ah okay lang" sabi ko. "Ako nga pala si Iya Alison Gonzales, 4th year student, tas section 1" nagpakilala si Iya sa akin. "Ako naman si Zia Ellyn Santiago, 4th year student rin, section 1 rin, magkaklase pala tayo" sabi ko ng nakangiti. "Ayy oo nga HAHA, bago ka rito?" Tanong sakin ni Iya. "Ahm oo" sabi ko.
"Ah ganon, ingat ka lang dito, may mga gangster kasi dito, may makaklase tayong gangster pero okay naman silang maging kaklase, dun ka sa gangster sa other level mag-ingat, kailangan mong maging matapang dito para hindi ka mabully" sabi sa akin ni Iya.
"Ah ganon ba" tango tango
"Ahm, Zia una na muna ko ah, may pupuntahan kasi ko eh by the way yung classroom natin sa third floor hanapin mo na lang, Bye Zia" umalis na si Iya at kumaway naman ako..
Pagdating ko sa third floor, narinig ko ang ingay ingay. Nagkakagulo tsaka andaming estudyante. Lumapit ako at nakita kong may nag-aaway. Tama nga si Zia, marami ngang gangster dito. Ano ba naman yan, first day na first day mga nag-aaway agad.
"Ahm, excuse me miss, bakit sila nag-aaway?" Nanyismis muna ko :) "Kasi sinaktan ng lalake na yun yung kapatid ni Gun, kaya ayon sinugod ni Gun, nakipagsuntukan na" kwento ng babae sa akin. "Ah ganon ba, salamat" sabi ko sa babae, lupet ko nuh, katsismosa ko HAHA.. Di ko alam kung sino yung Gun sa mga yun, ang gwapo ng isang lalake. Natapos na yung gulo nung pinigil sila ng isang teacher.
Pumasok na ko ng classroom namin, ibinaba ko muna yung gamit ko at naghihintay kung sino papasok na teacher. Nainip ako sa classroom kaya lumabas muna ako. Dinala ko yung binabasang kong libro, yung Fifty Shades Of Grey.
Nagbabasa ko habang naglalakad, pero nakikita ko naman dinadaanan ko. May isang lalaking nakabunggo sa akin, nahulog tuloy yung libro ko. Di man lang nagsorry sakin yung lalaki na yun, tiningnan lang niya ko at umalis siya. Siya yung lalakeng nagwapuhan ko kanina. Di man lang niya ako tinanong kung ayos lang ako, nakakabadtrip >.< .. "Hoy halimaw ka, suntukan tayo! Nakakabadtrip ka!" Sigaw ko sa isip ko, kung cartoon character lang ako, siguro umusok na yung ilong ko sa sobrang inis..
(@classroom)
Sobrang gulo sa classroom ngayon.. Kaiingay ng mga kaklase ko, first section pa naman kami, akala ko matitino lahat ng nasa first section, matatalino pero kalog na kalog ang utak sa kalokohan. Pero sigurado kong masayang kasama mga 'to ;)
Pagpasok ng teacher sa classroom, tumahimik na yung lahat.
"Good Morning class" masayang sabi ni Sir.
"Good Morning Sir" sabay sabay naming sabi.
"Ahm.. Ako si Sir Kenneth De Alva, you can call me Sir Ken, ako yung magiging adviser niyo. By the way, meron nga pala tayong transferee, ahm, Ms. Santiago kindly introduce yourself in front"
"Hi! I'm Zia Ellyn Santiago, actually kakalipat lang namin dito sa Baguio, I came from Nueva Ecija, and I'm 16 years old, you can call me Zia, Elly, or whatever you want" nagpakilala ko sa harap ng nakangiti.
"Thank you Ms. Santiago, ahm class, isa isa kayong magpakilala sa harap para naman makilala kayo ni Ms. Santiago" sabi ni Sir Ken.
At pagkatapos nun, may nagpakilalang Gun ang pangalan, Gun Ericquel Evans, narinig ko na yung pangalan na yun ah, kanina lang. Parang namumukhaan ko yung lalake na to ah. Siya yung, oo nga tama! Siya yung nakabunggo sa akin na hindi man lang nagsorry, nakoo halimaw na to!, gusto ko siyang batukaaan >.< .. Hay nako, siya pala yung sinasabi ng babae kanina..
"Uy Iya, alam mo bang nabwisit ako ng lalake na yan, nakakainis, nabunggo ako kanina hindi man lang ako tinulungan at hindi man lang nagsorry" sabi ko kay Iya at halata sa mukha ko yung pagkainis.
"Ganon?? Mabait naman si Gun ah, hindi naman ganon kasama si Gun, madalas siyang mapaaway oo, pero ang alam ko magalang yan sa mga babae" sabi ni Iya
"Magalang ka dyan, kung magalang yan sa babae dapat tinulungan niya ko"
"Di bale Zia, kakausapin ko si Gun, medyo kaclose ko barkada nila eh"
"Hay nako, ikaw bahala, nakakainis talaga siya!" Naiinis pa rin ako...
-
"Class, bukas aayusin na natin yung seating arrangement niyo, and Ms. Santiago meron ka na po bang uniform?" Tanong sa kin ni Sir Ken.
"Ah yes, sir" nakangiti sabi ko..
"Okay, goodbye class, your next teacher will be Teacher Ella, your teacher in mathematics"
"Goodbye Sir Ken" sabi namin..
---
Nakaraos na sa buong maghapon, ang saya dahil nakilala ko si Iya, sikat pala siya, kaya pala sa tuwing nagdadaan kami may naghahi at yung iba naman nagpapicture sa kanya. Siya pala ang Muse ng buong school at lagi siyang nagpeperform sa tuwing may program.. Masaya yung araw ko ngayon kahit nakakilala ko ng anoying guy :3 .. Sana hindi si Gun makatabi ko bukas..
--§ End of Chapter I
Ahmm. Sana nagustuhan niyo yung story. Comment and vote po kayo please. Thank you ng marami :)

BINABASA MO ANG
My Best Friend Is A Gangster
Teen FictionSa story na to, may isang babae na magkakaroon ng bestfriend na gangster. Si Zia Ellyn Santiago ay isang fourth year high school student at makilala nya si Gun Ericquel Evans ang leader ng isang gang sa school nila. Si Gun ay isang lalake na malayo...