Chapter III "One Of The Boys"

19 2 0
                                    

Hi/Hello po sa inyo, kung okay lang po, pakisabi sa mga kakilala niyo na basahin rin yung story ko. Ahm, imbentong istorya lang po yan haha. Pero sana kahit imbentong story ko lang yan, magustuhan niyo pa rin po. Salamat po ng marami :)

****

Zia's POV

One week ko ng nakakasama si Iya, at siya na yung new best friend ko. Nagplano kami ni Iya, na this saturday, punta kaming Burnham Park at sa Mines view, gala kami kung saan saan. Tumunog yung cellphone ko, "Good morning Zia :), so ano, anong oras lakad natin?" Nagtext si Iya sa akin. "Ahm. Siguro mga 11:00 AM, oh ano sunduin kita, o ikaw na susundo sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Ako na susundo sayo, pahatid na tayo sa driver namin sa Burnham Park tas lalakad na tayo" sabi ni Iya. "Sige" end of conversation.

8:00 AM palang at ako lang mag-isa sa bahay, nanood na lang akong movie, at nagluto ako ng popcorn, mas gusto ko kasing manood ng movie kapag may popcorn. Pagkatapos ko manood ng movie, gumayak na ko, 10:00 AM na. Naka-long sleeves ako, naka jeggings at color blueng doll shoes.

Nagtext si Iya sa akin "Hi Zia :) nasa gate niyo na ako" ha? Ang bilis naman 10:30 palang ah, usapan namin 11:00. "Ah ganon ba, sige sige" nagreply agad ako sa kanya..

*

Iya's POV

Ang ganda ng bahay nila si Zia, labas palang maganda na, maayos yung mga halaman at malinis yung paligid. *ding-dong* nag door bell ako at pinagbuksan naman na ako ni Zia ng gate. "Hi! Iya" nakangiting sabi ni Zia. "Hello!" Sabi ko, pinapasok na ko ni Zia at si manong driver inintay na lang kami.. By 11:00, inihatid na kami ni manong. Habang papunta sa Burnham Park nagkwentuhan kami ni Zia, hindi naman malayo kila Zia yung Burnham, mga 20 mins. na byahe. "Ahm Zia kamusta naman kayo ni Gun, di ba nagsorry ka na sa kanya, oh ano okay na ba kayo?" Tanong ko kay Zia. "A-oo, okay na kami ni Gun" sabi ni Zia. "Pano kung ligawan ka ni Gun, sasagutin mo ba?" Natatawa kong tinanong si Zia. "Hindi nuh, wala pa sa isip ko yan best" sabi ni Zia at hinampas niya ko at nagulat rin ako dahil tinawag niya akong 'best' . "Best?" Tanong ko kay Zia ayan naiba na tuloy topic. "Oo best friend, ayaw mo ba? Sige kung ayaw mo baba na ko" niloko ko ni Zia. "Wag kang baba best friend" natatawa kong sinabi kay Zia. Yay, may new best friend na ko. Nasa Burnham na rin kami.

Gun's POV

Nakakainip naman dito sa bahay, wala man lang bang mag-aaya sakin gumala, kailangan ba puro ako lagi ang mag-aya. Speaking of paggala, nagring yung phone ko. Tumawag si Ian,

"Oh tol bakit?" -Gun

"Tara bro gala tayo?" -Ian

"Ge sige" -Gun

"Tara na?" -Ian

"Aba gagayak muna ko, naka boxers short lang ako" -Gun (sabay tawa)

"Ge pare, sunduin kitang 12:15, buong barkada kasama" -Ian

"Sige sige" -Gun

--End of convo--

Medyo sumasakit ulo ko, pero kahit ganon gusto ko pa ring gumala kahit masakit ulo ko, gusto kong makasama mga kaibigan ko ngayon, aba first time to, ngayon lang nag-aya si Ian gumala, ang madalas kasi mag-aya ako at si Kernell. Habang naghihintay kila Ian, nagpatugtog ako. Kahit malaki kahogengan ko, mahilig ako sa mga love songs. Favorite song ko nga yung Half A Heart by One Direction, hindi ako directioner ah, gusto ko lang talaga yung kanta nila na yun. Bago mag 12:15, dumating na sila Ian. Ganyan kaming magbabarkada, kailangan laging on time kapag kasi nalate ang parusa kakainin ng isang siling labuyo.

"Guuuun! Bingi ka na ba? Buksan mo na yung gate ka tagal ah" sigaw ni Kernell

"Oo nga pare apagkatagal, dalian mo!"sunod na sigaw ni Ian

My Best Friend Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon